Rope Savior 3D Review

Mahilig ka ba sa mga tangle at knotting games? Ang Rope Savior 3D ay isa sa mga pinakabagong laro mula sa Lion Studios. Ang puzzle game na ito ay inilabas noong Oktubre 8, 2021. Sa kasalukuyan, ito ay nai-download na ng mahigit limang milyong beses sa Play Store. Ang Lion Studios ay isang Android game developer company na inilunsad noong 2015. Sa nagdaang pitong taon, ito ay nakagawa na ng 147 na mga laro.

Ang layunin sa larong ito ay mai-save ang mga pedestrian mula sa mga mabibilis na sasakyan. Kailangang itali ng mga manlalaro ang lubid sa pegs upang makagawa ng panangga para hindi masagasaan ang mga tumatawid sa daan. 

Rope Savior 3D: Paano I-download ang Larong ito?

Pwedeng i-download ang laro sa mga Android o iOS device. Magtungo lamang sa Play Store o sa App Store, hanapin ang app at i-install ito. Maaari mo rin itong laruin gamit ang iyong laptop o desktop at puntahan ang gaming sites o kaya naman ay mag-download ng app sa computer gamit ang emulator. Maaari mo ring i-click ang mga sumusunod na link mula sa Laro Reviews:

Rope Savior 3D - Laro Reviews

Rope Savior 3D – Laro Reviews

Download Rope Savior 3D on iOS https://apps.apple.com/us/app/rope-savior-3d/id1579489488

Download Rope Savior 3D on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.kamilbilge.ropesavior3d

Download Rope Savior 3D on PC https://pcmac.download/app/1579489488/rope-savior-3d

Rope Savior 3D: Gabay para sa mga Baguhang Manlalaro

Hindi mo kailangang gumawa pa ng game account upang simulan ang adventure sa mundo ng Rope Savior 3D game. Ito ay maaaring laruin may internet connection man o wala. Kapag naglaro ka offline, hindi ka maiirita sa napakaraming nitong ads. Subalit, hindi gaya ng online mode, hindi ka naman makakakuha ng karagdagang coins at freebies.

Kailangan mong gamitin sa madiskarteng paraan ang lubid at pegs upang mapahinto ang mga rumaragasang sasakyan at ligtas na makatawid ang mga pedestrian. Dapat mong itali o i-connect ang lubid sa pegs nang pahalang, pahaba o pa-ekis para makagawa ng isang pattern na magsisilbing harang.

Ang larong ito ay tiyak na susubukan ang kakayahan mong pag-aralan ang mga sitwasyon at makagawa ng tamang estratehiya. Kung ikaw ay mahilig mag-isip ng mga diskarte, ang larong ito ay tiyak na bagay sa’yo.

Para matulungan kang lampasan ang bawat hamon sa laro, narito ang ilang tips at tricks na pwede mong gamitin upang makapag-level up nang mas mabilis: 

  1. Pag-aralang mabuti ang sitwasyon at magplano ng tamang diskarte. 

Ang larong ito ay hindi lamang tungkol sa pagtali ng mga lubid, mas kumplikado pa ito kaysa sa inaakala mo. Tulad ng nabanggit, dapat mong gamitin ang pegs at dito itali ang lubid. Tandaan na ang lubid ay may limitadong haba kaya’t gamitin ito ng tama. Walang time limit sa larong ito kaya marami kang oras para mag-isip at bumuo ng diskarte.

Rope Savior 3D - Laro Reviews

Rope Savior 3D – Laro Reviews

 

  • Laging alamin kung anong uri ng sasakyan ang kinakailangan pigilan. 

May iba’t ibang uri ng mga sasakyan na itinatampok sa larong ito: bus, truck, tren at iba pa. Upang makabuo ng angkop na diskarte, kailangan mong malaman kung anong uri ng sasakyan ang dapat mong pigilan. Kung ito ay malaki, siguraduhing mas matibay ang gagawin mong harang.

  • Sumubok ng iba’t ibang diskarte at tingnan kung alin sa mga ito ang gagana.

Bukod sa walang time limit ang larong ito, wala rin itong limitasyon kung ilang beses ka maaaring sumubok. Hangga’t hindi mo napagtatagumpayan ang hamon ng isang partikular na antas, hindi ka makakausad sa susunod na level. Kaya, huwag sumuko sa mga hamon at patuloy na mag-eksperimento ng bagong patterns.

Related Posts:

Slap and Run Review

Supreme Stickman Fighting Review

Ang ginagamit na in-game currency sa larong ito ay gold coins. Makakakuha ka nito kapag napagtagumpayan mo ang mga hamon sa bawat level ng laro. Pwede ka ring makakuha ng karagdagang halaga sa pamamagitan ng panonood ng ads. Ang gold coins ay magagamit mo para mai-unlock ang iba’t ibang uri ng mga lubid at sasakyan sa laro.

Pros at Cons ng Rope Savior 3D

Karamihan sa mga nauusong puzzle games ay may pare-parehong konsepto. Subalit, ang konsepto nitong Rope Savior 3D ay kakaiba sa nakasanayan na. Ang gameplay nito ay bago at di-pangkaraniwan. Ang bawat level ng laro ay nagdadala ng nakakaaliw na karanasan. Ito ay may sinusunod na plot kaya madaling maintindihan ang gameplay nito. Sa unang tingin, mapagkakamalang napakasimple at ordinaryo lamang ng larong ito, subalit, ito ay puno ng kakaibang hamon na talagang magpapagana ng iyong malikhaing isipan. 

Isa sa magagandang bagay tungkol sa laro ay ang free-to-play feature nito. Bukod pa rito, pwede rin itong laruin kahit saan at kahit kailan dahil sa offline features nito. Ang 3D graphics at animation na ginamit dito ay simple ngunit de-kalidad.

Rope Savior 3D - Laro Reviews

Rope Savior 3D – Laro Reviews

Sa kabilang banda, may mga aspeto rin naman ang laro na kinakailangang pagbutihin at ayusin. Isa sa mga nakakadismayang bagay tungkol dito ay ang tila walang humpay na pagpapalabas ng mga ad. Ang mga ito ay tunay na nakagagambala sa paglalaro dahil kailangan talagang hintaying matapos ang bawat patalastas. Hindi ito maaaring i-skip. Marami rin ang nagrereklamo tungkol sa ad-free version nito dahil kahit pa nagbayad na sila, patuloy pa rin ang paglabas ng ads. May mga problemang teknikal din ang larong ito tulad ng hindi gumaganang “lose it” button nito at ang madalas na pagka-crash at pagla-lag ng app. Nakakalungkot ding isipin na madalas ay hindi naibibigay ang dapat sana ay karagdagang game credits mula sa panonood ng ads. Ang game levels ay kakaunti rin kaya medyo nakakabitin ang paglalaro nito. 

Konklusyon

Ang Rope Savior 3D ay nakakuha ng average rating na 4.5-star mula sa mahigit sa 8,000 reviews sa App Store. Sa kabilang banda, ito ay nakakuha lamang ng 3.9 stars mula sa halos 40,000 reviews sa Play Store. Bago ka magpasya na subukan ang larong ito, dapat mong malaman na ito ay may malaking isyu tungkol sa in-game ads lalo na kung maglalaro ka online.

Sa kabila nito, hindi maipagkakaila na ang laro ay talagang nakakaaliw at nakahuhumaling. Kaya kung ayaw mong madismaya ng dahil sa nakakairita at paulit-ulit na ads, inirerekomenda ng Laro Reviews na laruin mo ito ng offline. Sa ganitong paraan, mas mae-enjoy mo ang saya at aliw na dala ng mga hamon sa larong ito. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...