Ruby Casino Tongits: Online Tongits Real Money

Sa nakaraang artikulo ng Laro Reviews, itinampok ang offline mobile game na Tongits Plus at nagrekomenda ng mga alternatibong laro na nababagay sa players. Subalit kung may ibang laro ka pang hinahanap, maaari mong mabigyan ng pagkakataon ang larong itatampok sa artikulong ito. Baguhan ka pa lang ba sa larong tulad ng Ruby Casino Tongits? Kung gayon ay ipagpatuloy lamang ang pagbabasa para malaman ang higit pang impormasyon tungkol dito.

Ang Tongits ay isang gambling game na nauso at sumikat sa Pilipinas. Wala mang tiyak na datos tungkol sa pinagmulan nito, pinaniniwalaang hango ito sa laro ng mga Amerikanong sundalo noong 1940s. Malaki ang pagkakahalintulad nito sa larong Tonk, kung saan ubusan o pagkakaroon ng pinakamababang bilang ng card value ang layunin sa pamamagitan ng pagma-match sa mga ito. Kasabay ng pag-evolve at pagdagdag ng sariling sangkap sa mga dayuhang pagkain mula sa mga mananakop, nagpauso rin ng sariling larong sugal ang mga Pinoy. Sumikat ito sa Ilocos at naging tanyag rin sa buong bansa. Ngayon, kalimitan itong nilalaro ng mga Pinoy bilang libangan sa mga lamay o kahit pa minsan ay simpleng pagtitipon lamang. Kaya hindi maipagkakaila kung marami kang makikitang laro na pwede mong i-download at ma-enjoy sa iyong mobile phone. May ilan sa kanila ang mapagkakakitaan at ang ilan naman ay malalaro lamang nang walang magagastos na anumang pera.

Ruby Casino Tongits: Online Tongits Real Money

Kabuuan ng Ruby Casino Tongits

Ang Ruby Casino tongits o mas kilala sa buong pangalan nito na Ruby Club – Slots Tongits Sabong ay isang variety casino games mula sa Janice Armenion Studio. Sa larong ito, hindi isa, hindi lang dalawa, at lalong hindi lang tatlo, kundi labintatlong laro ang masasalihan mo. Tulad ng ibang cash out games, maaari ka ring kumita ng pera gamit ang Gcash account na direktang naka-link sa app. 

Game Modes

Narito ang ilan sa mga larong pwede mong laruin at mapanalunan:

  • Fruit Slots – Hango ito sa classic slot machines kung saan makakatanggap ka ng rewards depende kung gaano karaming magkakatulad na icon ang lumabas sa reels.
  • Tongits – Maaari itong malaro ng dalawa hanggang tatlong players kung saan kailangan nilang magkaroon ng pinakakaunting card na matitira kapag natapos ang round o kapag naghamon ang isang player. Para magawa ito kailangan nilang bumuo ng meld o kumbinasyon ng magkakaparehong cards o magkakasunod na cards na mula sa iisang suit.
  • Lucky 89 – Ang Bangko ay magbibigay sa bawat player ng dalawang baraha. Ang sinumang makakuha ng lucky8, lucky9 ay awtomatikong magre-recline. Matatapos na ang laro kung ang Bangko ay makakakuha ng lucky8 o lucky9.
  • Lucky 9 – Bibigyan ang bawat players ng tig-dadalawang cards at kailangan lang nilang makabuo ng cards na nagkakahalaga ng 9 points para manalo.
  • Sabong – Dito masusubok ang iyong swerte sa panghuhula dahil ilalagay mo ang iyong taya sa MERON, WALA, PERFECT PAIR, PAIR, o sa mismong suit ng dalawang cards.
  • Pusoy – Sa larong ito, magpapataasan ng scores sa cards ang players upang makakuha ng mas maraming points.
  • 3 Card Poker – Sa larong ito, ay maaaring tumaya ang players laban sa dealer o sa halaga ng kanilang sariling tatlong card sa deck. Maaari rin silang tumaya sa sarili nilang deck.
  • Tongits 1v1 – Parehong rule ng tongits ngunit ito ay player-versus-player.
  • Baccarat – Tulad ng Sabong, maglalagay ka ng iyong pusta depende kung anong card ang nararamdaman mong lalabas. Gayunpaman, ang pagpipilian mo ay cards mula sa kalabang Player at Banker.
  • Color Game – Huhulaan mo kung anong kulay ang lalabas at ilalagay mo ang iyong taya depende sa kumbinasyon ng kulay na mapipili mo.
  • Sicbo – Parehong mechanics ng sa Color Game subalit dice naman ang gamit.
  • Hongkong Poker – Kaparehong gameplay ng Pusoy ngunit apat na players ang maaaring maglaro.

Kabuuan ng Ruby Casino Tongits

Ruby Casino Tongits – Pros at Cons ng Laro

Maganda ang graphics nito at nakakahumaling lalo maglaro ng Ruby Casino Tongits dahil sa ganda ng visuals nito. Nagbibigay ito ng casino vibes dahil sa vibrant neon lights backgrounds at simpleng art style. Relaxing din ang soundtrack nito ngunit hindi masyadong maayos ang pagkaka-loop nito. Bilang karagdagan, maaari kang makakuha ng free chips at gawin itong puhunan kaya maaari mo itong malaro kahit na hindi ka naka-register.

Ang tanging problema lang na kalimitang nangyayari ay nagkakaroon ito ng connection error sa kalagitnaan ng laro. Dahil dito, naaapektuhan ang iyong gaming experience kahit na stable ang iyong internet connection.

Mga Alternatibong Laro

Naghahanap ka pa rin ba ng ibang casino games bukod sa Ruby Casino tongits, kung gayon ay narito na ang alternatibong mobile games para sa iyo:

ZingPlay Portal – Free Online Card & Casino games

Mula ito sa isang developer na pinangalanang VNG ZingPlay Game Studios. Maaari kang makipaglaban sa iba’t ibang players ng tongits ng live sa online app na ito at makakapamili ka rin ng game mode na sasalihan. Hindi ito katulad ng karamihang cash out games na pwedeng pagkakitaan gaya ng Ruby Club slots tongits sabong, ngunit mayroon itong leagues kung saan maaari mong pataasin ang iyong rank tuwing mananalo ka. Kaya nababagay ang laro ito para sa competitive players.

Mga Alternatibong Laro

Tongits Online

Mula naman ito sa Cynking Games. Ang parehong developer ng Gaple Domino QiuQiu QQ Online, Poker Pulsa-Texas Poker Online, Texas-Bander Poker, at iba pa. Maaari kang makapaglaro ng iba pang casino games bukod sa tongits tulad ng Pusoy, Texas Poker, Slot Machines, at iba pa sa app na ito. Mas nababagay ang app na ito sa casual players na mahilig sa free rewards dahil sa events at daily logins nito. Gayunpaman, hindi mo rin ito mapagkakakitaan tulad ng naunang app o ng Ruby Club slots tongits.

Big Win Club – Tongits Pusoy

Kung isa kang beteranong player o may kumpiyansa sa sarili sa larong tongits, maaari mong ipakita ang iyong galing sa app na ito. Gawa ang casino app na ito ng developer na Andrew STD HK at isa sa mga sumisikat na app sa bansa. Malaki ang community nito at maraming players na nag-eenjoy sa paglalaro, kaya naman masasabi mong legit ang app na ito. Hindi tulad ng mga naunang mobile games, maaari kang kumita ng real cash sa larong ito hangga’t mayroon kang Gcash account. Bilang karagdagan, magagamit mo rin ito sa pag-convert ng naipong rewards sa mismong app. 

Konklusyon

Sikat na sikat pa rin ang larong tongits sa kabila ng mga nauusong mobile games ngayon at makikita mo iyan sa Ruby Casino tongits at mga inirekomendang apps ng Laro Reviews. Marami pa ring Pinoy players ang nahuhumaling sa larong ito dahil sa laki ng community at daily players na naglalaro sa bawat casino games sa mobile phones. Gayunpaman, nasa sa iyo pa rin kung anong klaseng gameplay experience ang pipiliin mo. Gusto mo bang maglaro lang ng kaswal na walang  perang ipinangtataya, o nais mong mag-take ng risk upang kumita ng pera? Kung nagustuhan mo ang larong ito maaari mo itong i-download sa Google Play Store. Sa kasamaang palad, hindi ito available sa AppStore.

Laro Reviews

Leave a Comment

Login
Loading...
Sign Up
Loading...