Rusty Lake Paradise Reviews

Rusty Lake Paradise – Ang Rusty Lake Paradise ay ang panlabing-isang laro ng kumpanya at pangatlong premium game nito. Hindi tulad ng mga larong Cube Escape, ito ay matatagpuan sa parehong lugar ng Rusty Lake bilang laro ng Cube Escape, ngunit ito ay isang stand-alone na laro na may ilang mga ugnayan.

Ang laro ay na-develop ng Rusty Lake na nakabase sa Amsterdam sa Netherlands. Gumagawa sila ng mga premium na laro mula pa noong 2015. Masyado silang na-inspire sa serye ng Twin Peaks kaya gumawa sila ng sarili nilang serye ng Rusty Lakes. Ito ang Rusty Lake Hotel, Rusty Lake: Roots at Rusty Lake Paradise.

Ang Rusty Lake ay may scene setting na taong 1796. Ito ay nagaganap sa isang isolated na isla. Matapos mamatay ang ina ng pangunahing karakter sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang isla at ang mga residente nito ay isinumpa ng sampung salot, na ipinapalagay na isang variant ng sampung salot ng Egypt. Upang ihinto ang mga sakit, ang manlalaro ay dapat makipag-ugnayan sa kanilang mga miyembro ng pamilya sa isla at lumahok sa iba’t ibang nakakatakot na mga ritwal.

Ang laro ay may pitong karakter na pwedeng piliin at laruin. Ito ay sina Caroline Eilander, David Eilander, Elizabeth Eilander, Gerard Eilander, Jakob Eilander, Margaret Eilander at Nicholas Eilander.

Layunin ng Laro

Ang iyong layunin ay lutasin ang lahat ng mga puzzle at makipag-usap sa mga miyembro ng iyong pamilya upang iligtas ang iyong sarili at ang isla mula sa sampung plague.

Juicy Realm

Juicy Realm

Paano Sisimulan ang Paglalaro?

Ang bawat plague ay may iba’t ibang gameplay. Ang unang Plague ay ang pagiging dugo ng tubig. Isang medyo nakakatakot na salot. Dito ka magtutuon ng pansin sa pitong bagay: ang Fishing Rod, David, ang Entrance, ang Una, Pangalawa at Pangatlong Leech, ang ikaapat na Leech at ang Black Cube.

Mag-zoom in at hanapin ang bangka sa iyong kanan at pumunta dito. Kailangan mong kunin ang machete at ang hook at kunin ang maliit na kahon. Buksan ang dalawang trangka at kunin ang pisi. May makikita kang sobre na may sulat. Dapat mong basahin ang sulat dahil makakatulong ito sa iyo sa susunod. Mag-zoom out at kunin ang prutas sa lupa. Maaari mong gamitin ang machete upang hiwain ang prutas at makuha ang uod sa loob nito. Pagkatapos ay hanapin ang kawayan at lumikha ng isang stick mula dito. Ngayon, kapag pumunta ka kay David sa kaliwa, hihilingin niya sa iyo na bigyan siya ng isang gamit sa pangingisda. Ibigay sa kanya ang stick na ginawa mo,ang pisi at ang kawit na nakolekta mo mula sa bangka. Siguraduhing ilagay mo ang uod sa kawit para makapangisda ka at makuha ang hipon. Ang hipon ay ibibigay kay Gerard sa Entrance. Bubuksan niya ang gate sa sandaling bigyan mo siya ng hipon. Doon mo makikilala si Margaret na nahihirapan sa isang linta na nakatago sa kanyang ilong. Ilabas ang linta at pumasok sa bahay kung saan ay hinihintay ka ni Nicholas para humingi ng maiinom at makakain. Kukunin mo ang pangalawa at pangatlong linta mula rito. Ang ikaapat na linta ay makikita sa dila ng kambing. Kapag nakuha mo na ang lahat ng linta, tututukan mo ang kuwago sa harap ng bahay. Maglagay ng isang linta sa kuwago at hilahin ang pakpak nito pataas at patuyuin ang dugo at punan ang metro. Ulitin ang hakbang sa iba pang mga linta. Bibigyan ka nito ng susi na magagamit mo sa naka-lock na gate sa kanan. Makipag-usap sa masamang kaluluwa at ipapakita nito sa iyo ang isang kabaong kung nasaan ang itim na cube. Matatapos ang plague kapag nag-click ka sa cube. Ang susunod na salot ay tungkol sa palaka na kung saan kakailanganin mong makuha ang lahat ng mga palaka at hanapin muli ang itim na cube upang tapusin ito. Ang ikatlong salot ay tungkol sa Gnat at Lice kung saan kakailanganin mong mangolekta ng mga pain ng flytrap at hanapin muli ang itim na cubeupang makumpleto ang level. Ang ikaapat na salot ay mga langaw kung saan kakailanganin mong makuha ang puso ng kuneho, karne ng alimango, puso ng ibon, at brilyante para sa sakripisyo at makuha ang itim na cube. Ang panglima ay tungkol sa mga hayop. Dito kakailanganin mong kunin ang bacon ng kambing, hilaw na karne ng baka,keso, at ang mga gulay, gumawa ng burger, kunin ang balot para kunin ang itim na cube mula dito. Ang pinaka masamang plague ay ang mga pigsa. Ang ikapitong plague ay ang hail. Ang mga balang ang magiging pangwalong plague. Purong kadiliman ang papaligid sa isla bilang ikasiyam na plague. At ang pinakahuli ay ang pinakakila-kilabot sa lahat, ang ikasampung salot: ang pagkamatay ng mga panganay.

Karaniwang ang lahat ng mga plague ay malulutas sa pamamagitan ng paghahanap ng bawat item na may kaugnayan sa pangalan ng plague at makuha ang itim na cube upang wakasan ang mga paghihirap na dulot ng naturang salot.

Juicy Realm

Juicy Realm

Rusty Lake Paradise: Paano i-download ang Laro?

Maaaring ma-download ang laro sa pamamagitan ng Google Play Store at Apple store. Maaari i-search ang laro sa box na para sa paghahanap sa bawat tindahan o i-click ang mga link sa ibaba.

  • Download Rusty Lake Paradise on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=air.com.RustyLake.RustyLakeParadise
  • Download Rusty Lake Paradise on iOS https://apps.apple.com/us/app/rusty-lake-paradise/id1253855339

Ang laro ay hindi libre.

Mga Hakbang sa Paglikha ng Bagong Account sa Laro

Ayon sa Laro Reviews, dahil binabayaran ang laro, hihilingin sa mga user na mag-login gamit ang kanilang Google Play Store account o Apple ID account. Hihilingin din ang impormasyon ng iyong bank account kung saan pipili ka ng bangko o credit card bilang paraan ng pagbabayad.

Rusty Lake Paradise: Tips at Tricks Kapag Naglalaro

Inirerekomenda na laruin ang game ayon sa kanilang pagkakasunud-sunod ng paglabas upang mas maunawaan mo ang tungkol sa serye. Maaari kang magsimula sa pamamagitan ng paglalaro ng Lake, Arles, Harvey’s Box, Case 23, The Mill, The Hotel, The Birthday, Theater, The Roots, The Cave, The Paradise at panghuli ay ang Paradox.

Hihilingin lamang sa iyo ng laro na maghanap ng mga bagay na kinakailangan upang makuha ang itim na cube. Tanging ang black cube lang ang makakapagtapos sa paghihirap ng mga tao sa isla.

Ang pag-zoom in at out sa laro ay makakatulong sa iyo upang mahanap ang kagamitan at mga bagay na kailangan mong kolektahin.

Juicy Realm

Juicy Realm

Rusty Lake Paradise: Ang mga Kalamangan at Kahinaan ng Laro

Ang larong Rusty Lake Paradise ay kilala bilang ang ikatlong premium na laro ng Rusty lake. Ang laro ay isang point and click adventure game at bahagi ito ng buong Rusty Lake Series.

Related Posts:

PJ Masks Racing Heroes Reviews

Juicy Realm Reviews

Ayon sa Laro Reviews, ang laro ay madaling simulan ngunit mananatili ka dito hanggang sa katapusan dahil gugustuhin mong magbabad dito. Kakaiba ang takbo ng kwento kaya mararamdaman mo na parang bahagi ka istorya. Ito ang tanging larong pakikipagsapalaran na tumatalakay sa plague na naranasan ng Egypt.

Ito ay isang uri ng palaisipan na may kakaibang uri ng kapaligiran at kapanabikan. Ang graphics ay medyo simple at hindi ganun kaluho ngunit tiyak na tumutugma ito sa mood ng laro. Ang bawat antas ay isang iba’t ibang palaisipan kailangang malutas. Walang paulit-ulit na gawain at kailangan mo talagang gamitin ang iyong utak upang malutas ito.

Ang background ay natatangi dahil ito ay ginawa ng sikat na Dutch na pintor na si Johan Scherft. Hindi ka magsasawa sa tunog dahil ang bawat plague ay gumagamit ng iba’t ibang soundtrack.

Ang hamon ay hindi titigil doon, marami pa ring mga sikretong ibubunyag.

Hindi nagustuhan ng ilang mga manlalaro ang random clicking na feature ng laro dahil sa tingin nila ito ay nakakainip at walang sense. Hindi nila gusto ang arrow na nagpapahiwatig ng paggalaw ng manlalaro.

Ang mga manlalaro ay hindi rin nasiyahan sa iisang lokasyon ng kwento. Ang laro ay hindi para sa mga bata dahil mayroong ilang mga kakila-kilabot na kaganapan tulad ng dugo, pagpatay at pagkuha ng karne mula sa mga hayop.

Ang Pagsusuri

Ang laro ay isang mahusay na likhang sining mula sa mga developer at talagang may ilang potensyal. Sinabi ng mga manlalaro na sulit naman ang bayad sa laro. Ito ay mapanghamon at metikulosong ginawa na tumutugma sa personalidad ng bawat karakter.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...