S-Games – 456 Survival Review

S-Games – 456 Survival game ay isang laro na hango sa kilalang Korean series, The Squid Game. Ang larong ito ay nilikha at inilathala ng ABI Global LTD na bumuo ng maraming palaisipan na laro para sa mga mobile devices. Narito ang Laro Reviews para tulungan kang alamin ang mga mahahalagang bagay tungkol sa laro at may mga karagdagang tips ka pang matututunan.

Ang 456 ay isa sa mga karakter sa seryeng The Squid Game. Siya ang male lead ng serye. Sa larong ito, maglalaro ka bilang si Player 456 at kumpletuhin mo ang mga hamon na ibibigay sayo tulad ng kilalang laro na Red Light, Green Light challenge na may mapanghikayat na kanta.

Ang laro ay may parehong mga challenges sa serye. Bagaman, dahil ang mga challenges sa serye ay kakaunti lamang at limitado, nagdagdag sila ng ilang mga laro na hindi bahagi ng serye. Pareho rin ang rules nito at kung matatalo ka, ilalagay ka sa kahon ng kabaong, dala-dala ng mga lalaking nakamaskara maskara.

Kinokolekta ang in-app na cash na napanalunan sa challenges sa transparent na alkansya na parehong alkansya na ginamit sa serye. Kaya, halos ikaw ay tulad ng isa sa mga character sa serye ng Squid Game.

Ano ang mga Layunin ng Laro?

S-Games - 456 Survival - Laro Reviews

S-Games – 456 Survival – Laro Reviews

Katulad ng serye, ang layunin mo ay kumpletuhin at malampasan ang lahat ng challenges ng laro. Hindi ka dapat mamatay. Dapat kang mangolekta ng mas maraming premyong pera hangga’t maaari at sumulong sa mga susunod na antas ng laro.

Kapag nanalo ka, magkakaroon ka ng mga opsyon para mag-unlock ng mga bagong skin, bagong character at bagong challenges.

S-Games – 456 Survival: Paano Simulan ang Paglalaro?

Pagkatapos i-install ang laro at buksan ito, tatanungin ka ng laro kung aling karakter ang gusto mong laruin. Gusto mo bang maglaro bilang Player 001, 456 o 218? Ang isa sa kanila ay maaaring maging default na manlalaro ng laro o maaari kang manood ng video ng mga ad upang piliin ang karakter na gusto mo at maaari kang makakuha ng alinman sa Player 456 o Player 218.

Kapag napili mo na ang iyong gustong karakter, magpapatuloy ka na sa paglalaro ng unang hamon nito. Ang Green Light Red Light Game. Ang larong ito ay tinatawag na The Mugunghwa sa Korean. Ang larong ito ay gumagamit ng isang tao o manlalaro na gaganap bilang tagamasid. Ang panuntunan ay medyo simple dahil kailangan mo lang tumawid sa berdeng linya. Maari kang gumalaw kung ito ay isang berdeng ilaw o kung ang tagamasid ay nakatalikod sa iyo at huminto sa paggalaw kung ito ay nasa pulang ilaw o nakatingin sayo ang tagamasid. Sa larong ito, ang tagamasid ay isang malaking robot na babae na kumakanta o umaawit ng nakakaakit na parirala at marami ring lalaking nakamaskara ang nanonood at nakaantabay sa mga manlalaro. Kapag ikaw ay mahuli ng robot na gumagalaw, mababaril ka at matatanggal sa laro. Kapag tumawid ka sa berdeng linya, ligtas ka na at madadagdagan ang pera sa alkansya.

S-Games - 456 Survival - Laro Reviews

S-Games – 456 Survival – Laro Reviews

Ang susunod na laro ay ang tug of war na karaniwan sa bawat larong pampalakasan. Ito ay isang napaka-tanyag na ehersisyo sa gym sa America. Habang sa Asya naman mayroong maraming iba’t ibang uri ng tug-of-war na binuo sa loob ng mahigit isang libong taon. Sa Korea, ito ay kilala bilang Juldarigi o ang paghila ng lubid. Dalawang koponan ang bubuuin at ang bawat pangkat ay hahawak sa bawat dulo ng lubid. Kailangan nilang humila ng malakas para malaglag ang kabilang team at mabitawan ang dulo ng lubid na hawak nila.

Isa sa mga hamon at pinaka kontrobersyal ay ang glass bridge. Madalas may tanong ang mga nakapanood ng serye kung bakit hindi lumalakad ang mga manlalaro sa mga metal bar sa gilid ng tulay? Ngunit,nasaan ang saya at ang kapanapanabik na pakiramdam diyan kung gagawin nila iyon? Ang larong ito ay gumagamit ng memorya at galing sa pagdedesisyon. Kung saan kakailanganin mong kabisaduhin ang pattern at siguraduhin lumakad sa tempered glass lamang kung hindi ikaw ay mahuhulog sa iyong kamatayan.

Related Posts:

Angle‌ ‌Fight‌ ‌3D‌ ‌Review‌ ‌

Tiny Planet Blast Review

Ang huli ay ang Larong Pusit o ang Squid Game. Ito ay Isang sikat na laro sa Korea kung saan iginuhit ang isang pusit sa buhangin at magkakaroon ng dalawang koponan na maglalaro sa laro. Kakailanganin nilang atakihin at ipagtanggol ang kanilang posisyon.

Sa bawat hamon na makumpleto mo, magpapatuloy ka sa susunod na hamon na mas mahirap. 

S-Games – 456 Survival: Paano I-download ang Laro?

Ang laro ay available lamang sa mga Android devices o phones. Maaari mong i-download ito gamit ang Google Play Store o maaari mong i-click ang link sa ibaba.

S-Games - 456 Survival - Laro Reviews

S-Games – 456 Survival – Laro Reviews

Download S-Games-456 Survival on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.quick.games.challenge&hl=en_US&gl=US&showAllReviews=true

Sa kasamaang palad, ang laro ay hindi magagamit para sa mga iOS mobile device.

Mga Hakbang: Paano Gumawa ng Account sa Laro?

Ang laro mismo ay hindi nangangailangan ng anumang account para mag-sign-in o ma-link. Kakailanganin mo lang ng account kapag nag-i-install o nagda-download ka ng mga larong tulad nito sa iyong Google Play Store.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...