Sea Big Bang Review

Ang Sea Big Bang app ay mala-Candy Crush o Jewel app kung saan makakakuha ka ng mga puntos kapag mabilis mong napagtugma-tugma ang magkakaparehong tiles. Ang mga ito ay nasundan pa ng isang pang app na mainit ngayon online. Lalo itong sumikat sa mga nakalipas na mga taon dahil nakakapagbigay-aliw ito sa maraming tao sa buong mundo.

Ang Sea Big Bang ay isang laro na hindi basta-basta at mahirap balewalain. Laruin ang Jewel Block Puzzle game at hanapin ang kayamanan sa ilalim ng karagatan upang makakuha ng bonggang gantimpala! Simple ang laro pero medyo tricky. Ang layunin dito ay makakuha ng mataas na score at manguna sa mga hamon para manatiling kampeon. Ang larong ito ay mayroon nang mahigit sa 500,000 downloads mula nang ipakilala ito sa publiko. Isa sa mga dahilan kung bakit ito naging popular ay dahil napakadaling matutunan ng laro. Hayaan ninyong ibahagi ko ang ilan sa mga hack sa pag-master ng Sea Big Bang.

Ano ang Sea Big Bang App?

Isa na naman makulay at nakakatuwang larong puzzle! Katulad ng nabanggit, ang larong ito ay isang simpleng pagtutugma ng mga bagay na magkakapareho ng kulay. Ngayon, imbes na candy o jewels ang mga nasa tiles, mga cute na pugita naman ang makakasama mo sa laro. Ang puzzle game na ito ay sadyang napakadaling malutas. Maaaring para sa iba ay maning-mani na ang ganitong laro, ngunit hindi mo naman sila masisisi kung tingin nila ay masasayang lang ang kanilang oras sa isang ordinaryong laro. Kung pigaan ng utak ang uri ng larong hanap mo, ikinalulungkot kong sabihin na hindi ito iyon. Ngunit sa kabila ng pagiging simple nito, marami pa rin ang tumangkilik at nag-download ng laro. Sa ngayon ay early access version pa lang ang available at hindi pa tiyak kung kailan ilalabas ang kabuuan ng app. Gayunpaman, kung atat ka nang masubukan ito, i-click lamang ang links sa baba para makapag-download ng laro:

  • Download SEA BIG BANG on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.sea.big.seabigbang&hl=en_US&gl=US
  • Download SEA BIG BANG on PC https://www.bignox.com/appcenter/game_management/com-sea-big-seabigbang-pc/

Sea Big Bang

Paano maglaro ng Sea Big Bang?

Tulad ng naunang nabanggit, ito ay halos kapareho lang ng all-time favorite ng lahat – ang Candy Crush. Ang kailangan mo lang gawin ay pagsama-samahin ang magkakatulad na mga kulay para sumambulat ito at maglabas ng mas maraming pang kulay habang papataas nang papataas ang naaabot mong level. Napakadali lang makagamayan ng laro at sa kalaunan ay parang reflex na lang ito. Gayunpaman, ang susi sa paglalaro ng Sea Big Bang ay ang pagkumpleto sa mga misyon at hamon para makausad ka agad sa susunod na level. 

Puno man ng iba’t ibang challenges ang bawat yugto ng laro, tiyak namang hindi mo mamamalayan ang hirap dahil maaaliw ka sa makikita mo sa screen tuwing nakakabuo ng hanay ng pare-parehong kulay ng mga pugita. Kailangan mo lang maging masigasig at maliksi sa pagtingin sa mga detalye, at paghahanap ng paraan pasulong gamit ang iyong diskarte.

Hindi kailangan ng pagsasaulo ng mga hakbang at kung anu-ano pa sa larong ito. Kapag nasanay ka na sa pangunahing layunin ng laro, maaari mong palit-palitan ang iyong pamamaraan o strategy para tiyak na malalampasan mo ang itinakdang misyon para sa bawat level. Sa ganitong paraan, masisigurado rin ang iyong panalo. 

Isa ring dahilan kung bakit mas masaya itong laruin kasama ng mga kaibigan, kapamilya o kakilala ay dahil sa kompetisyon. Mas nakaka-excite kapag nakikita mong mauna ang pinakamabilis sa grupo. Ang sarap humabol o habulin, kapag ikaw naman ang nakatapos ng mabilis sa iba’t ibang levels. Ang laro ay hindi rin pagalingan para makabisado ang tamang galaw para matapos agad ang puzzle, ang pinakamaparaan at pinakamabilis pa rin ang tatanghaling panalo. 

Paano maglaro ng Sea Big Bang?

Mga Pros and Cons ng Paglalaro ng Sea Big Bang

Sa palagay ko ay mas angkop ang larong ito para sa mga bata dahil sa napakasimple lang nitong laruin. Sa katunayan, maituturing na pag-aaksaya ng oras ang paglalaro nito para sa mga kabataan at matatanda dahil bukod sa sobrang dali ay walang latoy o kakaiba sa laro. Marahil ay may mga bagong hamon na kasama sa susunod na update. Subalit kung inaasahan mong kikita ka ng pera sa paglalaro nito, mabuti pang tumigil na sa laro ngayon pa lang. Una, may mga nagsasabing hindi na accessible ang laro. Totoo man o hindi ang balitang ito, hindi mo rin naman maaasahang may malaking payout nang walang makabuluhang kapalit. Maaaring mabayaran ka nga, tulad ng inaasam, kung maaabot mo ang isang partikular na numero o ang pinakamataas na score.

Related Posts:

Ragnarok X: New Generation Review

RFS – Real Flight Simulator Review

Sinasabi ng mga tao na ito ay isang scam?

Marami ang nahikayat na maglaro nito dahil naniniwala silang legit ang alok na pera at mga premyo na maaaring makolekta sa Paypal o di kaya ay bilang vouchers kapalit ng paglalaro at high-score. Sino ba namang hihindi sa isang bagay na ginagawa mo lang libangan, pero pwede pa palang mapagkakitaan. Napakaepektibo ring pang-akit na tumapos ng mas marami pang level at challenges kapag alam mong may perang katapat, hindi ba? Gayunpaman, ang malinaw na katotohanan ay hindi ka kikita ng malaki o daan-daang dolyar bawat linggo dahil sa paglalaro.

Sinasabi ng mga tao na ang Sea Big Bang ay isang scam?

Konklusyon

Kung lalaruin mo ang Sea Big Bang bilang libangan, tiyak matutuwa kang makita na padami nang padami ang mga naiipon mong puntos sa bawat level na matatapos araw-araw. Huwag ka nga lang papasilaw sa kaway ng salapi para ipagpalit mo sa pangakong kabayaran ang iyong oras para sa ibang mas mahahalagang gawain tulad ng pagtulog, pagtatrabaho at pagbibigay ng oras para sa pamilya. Hindi masama ang paglalaro, huwag lang magpapakalulong dito. At hindi rin totoong maaaring kumita ng malaki mula sa mga casual games kaya huwag magpapadala sa mga nakikitang alok online.

Laro Reviews

Comments
  1. Maria liza

    Naglalaro ren ako now, pero d ko alam kung legit po ito. Sa ngayun nakapag cashout kami ng 50k mahigit ng asawa ko kaya hinihintay nalang namin yun sa loob ng 24hrs, kung totoo man po yan, edi mabibinyagan nanamin ng asawa ko yung 2 anak naming babae at lalaki 🤗 sana nga po legit

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...