Shadowgun Legends: Online FPS Review

Maging isang Shadowgun Legends: Online FPS. Iyan mismo ang nais ng larong ito na maging goal ng bawat manlalaro sa oras na subukan na nilang pasukin ito. Makikita mo agad sa umpisa ng laro ang isang malaking statue na sinasabing maaaring mapalitan oras na makumpleto mo ang bawat misyon na nakapaloob dito. Exciting, hindi ba? Ngunit paano nga ba maging isang ganap na legend dito? 

Ang larong ito ay tinatawag na Shadowgun Legends: Online FPS, isang uri ng action online sci-fi shooter game kung saan ang bawat manlalaro ay makakaranas gumamit ng iba’t ibang klase ng baril bilang panlaban. Ito ay nilikha ng MADFinger Games at ayon sa kanila, ang misyon mo sa larong ito ay magtungo sa kakaibang planeta at ubusin ang mga kalabang alien na maaaring maging threat sa humankind. 

Laman ng larong ito ang klase ng gameplay na may layuning ilabas ang iyong skill sa pag-asinta, paggamit ng baril at pag-iisip ng strategy upang paslangin ang iyong mga kalaban. Kaya naman, simulan na ang pagpili ng armas at libutin ang mundo kung saan maaari mong makasalubong ang iba’t ibang klase ng alien. Paslangin ang mga ito sa abot ng iyong makakaya dahil kung hindi, maaaring unahan ka na niya.

Shadowgun Legends: Online FPS - Laro Reviews

Shadowgun Legends: Online FPS – Laro Reviews

Features ng Shadowgun Legends: Online FPS

Bago mo tuluyang pasukin ang laro ay kailangan mo munang lumikha ng sarili mong karakter o legend. May kalayaan kang mamili rito ng kasariang nais mo. Mayroon ng nakahandang itsura’t ayos sa mga ito ngunit maaari mo pa rin namang i-customize ang mga ito mula sa kanilang magiging kulay ng balat, sa laki ng kanilang katawan, sa hugis ng kanilang ulo, jaw, eyebrow at kulay ng mata. Maaari mo ring palitan maging ang kulay at istilo ng kanilang buhok at kung nais mong maglagay sa iyong karakter ng tattoo at facial hair. 

Sa oras na pasukin mo ang larong ito ay bubungad agad sa iyo ang isang mala-siyudad na lobby. Tinatawag itong Hub ng laro. Bukod kasi sa mga pamilihan ay mayroon din itong kainan at libangan gaya ng Casino. Sa paglilibot mo rito ay makikilala mo ang ilang mga taong magiging katuwang mo sa paglalaro. Sila kasi ang mga karakter na magbibigay sa iyo ng mga kailangan mo sa bawat laban at pagbibigay ng ilang mga mission sa iyo kapalit ang gantimpala.

Una na riyan si Pedro. Siya ang maaari mong maging katuwang pagdating sa pagpili mo ng iyong magiging gear sa bawat laban. Siya rin ang maaari mong lapitan upang magdecode ng mga hologram, ito yung mga bagay na makukuha mo sa laro na kalimitang naglalaman ng gear o armas. Bukod sa mga misyon na ibinibigay sa iyo ng ilang mahahalagang karakter dito, si Slade naman ang tinaguriang main man dito dahil nakatoka sa kanya ang pagbibigay ng missions at tasks sa lahat ng manlalaro dito. 

Si Big Red naman ang maaari mong lapitan para sa iyong mga armor at cosmetics. Sa kanya ka rin maaaring magbenta nito. Kung may kinalaman naman sa bawat weapon, narito si Willow para sa iyo. Kung nais mo naman na mapalago ang iyong pera sa larong ito, maaari mong lapitan si Hakim dahil sa kanya lumalapit ang lahat ng manlalaro pagdating sa contracts at sponsorship. Panghuli ay si Nitro na ang trabaho naman ay ang magbigay ng laro pagdating sa Dungeon at PvP Games. 

Kung ating bubuksan ang mission button ay makikita natin ang apat na globo na may kulay na berde, dilaw, asul at kahel. Bawat isa sa mga ito ay nangangailangan pang madiskubre o kung tawagin sa ibang laro ay kailangan pang i-unlock. Upang mabuksan ang ilan sa mga ito ay kailangan mo munang tapusin ang ilang misyon na inihanda sa mga naunang globo dito. Bukod dito ay may tinatawag na Journal ang bawat manlalaro. Dito makikita ang ilan pang campaign, operation, at mga task na sa Hub mo kailangang gawin. Karamihan sa mga mission dito ay maaari mong gawin nang mag-isa o nang may kasama.

Dahil isa na rin sa pinaka-aim mo sa larong ito ay maging isang legend, mayroong nilagay ang laro dito na Road to Legend. Dito mo makikita ang progress mo bilang isang manlalaro at kung gaano pa kalayo ang kailangan mong lakbayin bago taguriang Legend. May skills section kung saan maaari mong balik-balikan upang i-upgrade ang iyong mga skills. Hindi rin nawawala ang inventory kung saan dito nakatago ang lahat ng iyong weapon, gears, armor, at iba pa.

Shadowgun Legends: Online FPS - Laro Reviews

Shadowgun Legends: Online FPS – Laro Reviews

Gaya nga ng aking nabanggit, karamihan sa mga laro dito ay maaari mong gawin nang may kasama. Kaya naman, asahan mong mayroon ang larong ito na guild na maaaring ikaw mismo ang lilikha. Maaari ka rin namang sumapi sa mga nag-eexist na. Hindi na rin naman mahirap ang makipagkaibigan dito dahil mayroon ding button dito kung saan maaari mong i-add as friend ang iba pang mga manlalaro at i-invite sila sa bawat task mo. 

Saan maaaring i-download ang app?

Ang larong ito ay nangangailangan ng 1.10GB sa Google Play Store habang 1.4GB naman pagdating sa App Store. Maaari ka namang gumamit ng emulator gaya ng bluestacks para naman sa iyong PC. Kung nais mo itong laruin, i-click lamang ang link na nasa ibaba depende sa device na iyong gamit.

Download Shadowgun Legends: Online FPS on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.madfingergames.legends

Download Shadowgun Legends: Online FPS on iOS https://apps.apple.com/us/app/shadowgun-legends-online-fps/id1091251242

Download Shadowgun Legends: Online FPS on PC https://www.bluestacks.com/apps/action/shadowgun-legends-on-pc.html

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Shadowgun Legends: Online FPS

Dito sa larong ito ay maaari mong ulitin ang iyong mga misyon kung sakaling pumalya ka sa unang pagsubok hanggang sa malagpasan mo ito. Gayunpaman, kung nais mong tuloy-tuloy ang iyong laro at ayaw mong maranasan ang maging paulit-ulit sa bawat laban, narito ang ilang mga tips ng Laro Reviews para sa iyo.

Piliin mo ang armas na maaari mong gamitin kahit nasa malayo kang distansya. Mayroong iba’t ibang klase ng armas na pwede mong gamitin. Sa dami nito, tila magiging isang pagsubok sa iyo ang pumili ng tatlo na siyang gagamitin mo para sa bawat misyon. Kaya naman, isang mainam na i-consider ang pagpili ng mga armas na malayo ang naaasinta. Sa ganito, hindi mo na kailangang lumapit nang sobra sa kalaban kung nais mong paslangin ang mga ito. Mainam ito lalo na sa kalabang mayroong shield na gamit.

Related Posts:

Mario Kart Tour Review

Bleach: Brave Souls Anime Game Review

May mga kalaban naman sa larong ito na handang lumapit para sa iyo upang ikaw ay atakahin. Halimbawa nito ang gaya ng mga mahihilig tumalon upang mangalmot at ang iba naman na gumagamit ng itak. Madali lamang mapatay ang mga ito ngunit kung hahayaan mo itong makalapit sa iyo ay siguradong mabilis ka ring matatapos ng mga ito. Kaya naman kung sakaling nakalapit ang mga ito sa iyo, hindi masama ang umatras palayo. Piliin mo ang tumakbo palayo sa mga ito. Sa ganitong paraan ay mabibigyan mo ng pagkakataong mareload ang bala sa iyong mga armas maging ang buhay mo sa laro. 

Shadowgun Legends: Online FPS - Laro Reviews

Shadowgun Legends: Online FPS – Laro Reviews

Pros at Cons ng Shadowgun Legends: Online FPS

Kung papansinin ang laro, partikular na sa lobby nito, mapapansin mo na agad na sinikap talaga ng larong ito na maging nakakaaliw, nakakatuwa at kung minsa’y nakakatawa. Mula sa mala-movie nitong introduction hanggang sa atmosphere na mayroon ang Hub dahil para kang artista rito sa tuwing bumabalik ka pagkatapos mong lagpasan ang iyong mga laban. Makikita mo rin dito ang pagsayaw ng iyong character maging ang nakakaaliw na mga linya na ginamit sa mga ito tuwing sila’y nagsasalita. Idagdag na rin dito ang pagiging friendly ng laro dahil kahit na sino ay maaari mong maging kaibigan dito.

Maaari ring maipagmalaki ang graphics at sound na mayroon ang larong ito dahil malayo ito sa pagiging simple. Kung ihahambing sa iba ay maaaring malaki ang maging lamang ng larong ito partikular na sa mga larong 3D. Ngunit kahit ganun, masasabing nagiging kakulangan ng graphics ang pag-customize pagdating sa kilay at hugis ng mata. Hindi naman kasi ito nasu-zoom sa tuwing pinapalitan ang mga ito dahilan upang hindi mo mapansin kung mayroon nga bang nababago dito. Isa pa, hindi mo rin masasabi kung may halaga pa ba ang pag-customize nito dahil hindi naman na ito gaanong napapansin sa oras na laruin mo na ito.

Bukod pa rito, hindi mo rin maiiwasang mainis lalo na sa tuwing nag-iiwan ng paalala ang laro na kailangan mong bawasan ang laman ng iyong Inventory. Lagi kasi itong puno kahit pa kakabawas mo pa lamang ng laman nito. May pagkakataon na talagang dadalhin ka pa nito kay Willow para lang mabawasan ang mga ito. Sa totoo lang, hindi naman problema na gawin ang bagay na ito ngunit dahil paulit-ulit ito, tila ba nagiging mabigat na itong gawin.

May tutorial na nagaganap dito. Iyon nga lang, hindi ito nagtuturo ng detalyado. Dahil dito, halos ikaw na ang bahalang mag-isip o maka-diskubre kung paano mo gagawin ang bawat laban. May mga pagkakataon kasi na sinasabi lang ng laro sa iyo kung ano ang dapat mong gawin ngunit hindi naman nila itinuturo sa iyo kung paano mo iyon gagawin.

Konklusyon

Hindi nagsisinungaling ang Laro Reviews kapag sinabi nitong hindi masasayang ang oras mo sa paglalaro nito dahil kaya ka nitong busugin ng story driven campaign at iba’t ibang task na mayroon dito. Bukod pa rito, mayroon din itong iba’t ibang PvP battles kung saan maaari mong gawin ang iyong mga mission nang kasama ang iba pang manlalaro o kaya naman kaya’y kalabanin mismo ang mga ito. Tamang-tama ang larong ito para sa iyo lalo na kung nais mo ang mala-SciFi na klase ng laro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...