SLAM DUNK from TV Animation Review

Ang Slam Dunk from TV Animation ay isang klasik anime na nagbigay-inspirasyon sa mga bata noong Dekada ‘90 na maglaro ng basketball. Naalala ko pa noong napanood ko ito kasama ng mga pinsan ko sa probinsya namin. Natatandaan ko rin tuwing nagsisimula na ang opening ng anime, tumatalon kami ng mga pinsan ko sa upuan dahil ginagaya namin si Sakuragi at iba pang characters na mag-dunk ng slow motion. Lagi rin kaming pinagsasabihan ng lola namin dahil baka masira ang bahay dahil gawa lang ito sa kawayan. Hilig din naming kopyahin ang mga eksena nito kapag naglalaro, at lumaki ang iba sa amin na magaling na basketball player sa aming barangay. Ibinabalik tayo ng DeNA HONG KONG LIMITED sa ating pagkabata habang dinadala nila ang Slam Dunk from TV Animation sa ating mga mobile phone.

Ipapakita sa iyo ng unang bahagi ng laro ang opening ng anime na ito. Magiging nostalgic ito para sa iyo kung naging bahagi ito ng iyong pagkabata. Sinasabi sa cutscene ang kwento ni Sakuragi at kung paano niya nakilala ang kanyang love interest na si Haruko at ang naging pagsali niya sa Shohoku Team. Sa larong ito, maaari kang maglaro ng basketball gamit ang iyong paboritong karakter sa anime. Kapag ang bola ay nasa iyong court, maaari mo itong ipasa sa iyong koponan o i-shoot ito. Gayunpaman, maaaring nakawin ng inyong kalaban ang bola kung matagal kang nagdi-dribble. Kailangan mong depensahan ang iyong court kung ang bola ay nasa iyong kalaban, at maaaring nakawin ng iyong koponan ang bola o harangan ang mga kalaban kapag sinubukan nilang mag-shoot.

Features ng SLAM DUNK from TV Animation

SLAM DUNK from TV Animation - Laro Reviews

SLAM DUNK from TV Animation – Laro Reviews

Hindi tulad ng karamihan sa mga liga ng basketball, ang mga manlalaro sa normal na mode ay may tatlong manlalaro. Isang side lang ng court ang meron ka, kaya kapag ninakaw mo ang bola sa iyong kalaban, kailangan mong lumabas sa three-point line at bumalik para mag-shoot at maka-score.

May parehong posisyon ang mga character sa totoong laro ng basketball. Ang mga Point Guard ay pinakamainam para sa mid to close-range shot, at sila ang nagdedepensa sa court at nagnanakaw ng bola mula sa kalaban. Ang mga Shooting Guard ay ang pinakamahusay na taga-shoot dahil nakakapuntos sila mula sa three-point line. Ang Small Forward ay tumatakbo sa court at nakakapuntos mula sa katamtamang distansya. Ang Power Forwards ay katulad ng Centers, ngunit magaling din sila sa shooting. Ang mga Center ay pinakamainam para sa pagdepensa at kadalasang malapit sa ring.

May iba’t ibang mga mode ang SLAM DUNK from TV Animation. Sa Battle Mode, maaari kang maglaro nang casual at piliin kung ilang manlalaro ang maglalaro sa court. Maaari kang pumili mula sa 3v3, 5v5, 2v2, 1v1, Fun Mode, at Create Room. Maglaro ng Official Match, Monthly Match, at Custom Match sa Match Mode. Ang Rank Mode ay nagbibigay ng reward sa mga manlalaro bawat season, depende sa kanilang mga rank. Ang Rookie Player V ang pinakamababa, habang ang Finest Slam Dunk ang pinakamataas. Ang Solo Mode ay may Main Story, Side Story, vs. AI, at isang 5v5 single match.

Saan maaaring i-download ang SLAM DUNK from TV Animation?

Download SLAM DUNKfrom TV Animation on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.denachina.g63002013.android

Download SLAM DUNK from TV Animation on iOS https://apps.apple.com/ph/app/slam-dunk/id1501672902

Download SLAM DUNK from TV Animation on PC https://www.bluestacks.com/apps/sports/slam-dunk-on-pc.html

Tips at Tricks sa Paglalaro 

SLAM DUNK from TV Animation - Laro Reviews

SLAM DUNK from TV Animation – Laro Reviews

Madali ang mga kontrol ng SLAM DUNK from TV Animation pati na ang gameplay nito. Malaki ang tsansang manalo sa mas mababang rank at sa mga laro mula sa Battle Mode, ngunit makakatagpo ka ng mga mas mahuhusay na manlalaro habang umaakyat ang ranggo mo. Nakakadismayang makaranas ng lose streak, lalo na sa Rank Mode, kaya sundin ang mga gabay mula sa Laro Reviews habang umuusad ka sa laro.

Hindi imposibleng makaipon ng mga diamond, sports battle, at iba pang materyal sa laro dahil nagbibigay ito sa mga bagong manlalaro ng maraming resources. Subalit ang upgrade ay para lamang sa mga napiling karakter. Mamuhunan sa iyong napiling koponan. Unahin ang pag-level up sa kanila at pag-upgrade ng kanilang skills. May iba’t ibang klase ang lahat ng mga manlalaro. Kung mayroon ka ng dalawang Centers, ngunit wala kang manlalaro na makakalusot sa court, oras na para magdagdag ng ilang Small Forward sa iyong team. Pumili ng isang taong kasama sa bond ng iyong nakuhang karakter dahil maaari itong magbigay sa iyo ng perks habang pinatataas mo ang level nila.

Maaaring maging nakakadismaya ang mga ranked game tuwing kasama ang mga toxic na manlalaro. Tulad ng ibang multiplayer at MOBA games, kailangan mo ng pagtutulungan at komunikasyon para manalo. Tiyaking alam mo ang iyong posisyon. Gawin ang magagawa ng iyong karakter sa laro. Maaari kang maka-iskor kung ikaw ay isang Small Forward, ngunit mas mabuting gamitin ang iyong kakayahang makausad sa court at ipaubaya ang pagsu-shoot sa Shooting Guard. Kung may pumili ng Power Forward, pumili ng ibang uri gaya ng Center.

Related Posts:

Puzzles & Survival

Walk Online Mobile Review – Tips at Tricks sa Paglalaro

Pros at Cons ng SLAM DUNK from TV Animation

SLAM DUNK from TV Animation - Laro Reviews

SLAM DUNK from TV Animation – Laro Reviews

Ang nostalgia sa laro ay nagbabalik sa akin sa mas simpleng panahon. Ito ay isang magandang hakbang para sa mga developer na gamitin ang mga soundtrack sa anime. Nasiyahan ako sa pagkumpleto ng mga misyon sa Story Mode at sa Side Story. Nagbubukas ito ng cutscenes na nakakatawang sundan, at para kang nanonood ng anime dahil sa pagpapanatili ng art style mula sa pinagmulang materyal. Madali lamang itong kontrolin at simple lang ang mechanics, kaya ang isang masugid na tagahanga ng SLAM DUNK ay maaaring manalo rito kahit na wala silang karanasan sa pagba-basketball. Hindi na masamang gamitin ang mala-chibing karakter sa laro dahil ito ay angkop para sa mobile gaming. Ngunit maaari mong ayusin ang graphics depende sa kapasidad ng iyong mobile phone.

Wala itong pagkukulang dahil madali kang makakuha ng resources mula sa araw-araw na pag-login at iba pang mga quest. Naiintindihan naman ang English voice actor sa bawat manlalaro maliban sa English dub sa mga cutscene. May kakaiba sa voice acting nila na hindi ko na kinaya pang pakinggan. Kaya’t sinimulan kong muli ang aking laro upang pumili ng isa pang dub sa aking unang pag-download dahil hindi ko alam kung paano ito palitan ng ibang wika. Mabuti na lang mas magaling ang Japanese dub.

Konklusyon

Hindi tulad ng mga pinsan ko sa probinsya, hindi ako fit para maglaro ng basketball kaya itinigil ko na ang panonood ng SLAM DUNK o paglalaro ng sport na iyon. Pero dahil sa laro ng DeNA HONG KONG LIMITED, nagkainteres ulit ako at mas naintindihan ko ang laro. Ito ay may katulad na kontrol at gameplay gaya ng mga MOBA games, kaya na-curious ako kung paano ito laruin. Mas nakatutuwa nang maglaro ng basketball dahil magaling naman akong gamer kahit paano. Libre lamang itong i-download, pero mayroon ring in-app purchases. Huwag mag-alala dahil pwede ka pa ring manalo nang hindi nagbabayad ng anumang pera, dahil tulad ng larong basketball, maaari kang manalo sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at mabuting komunikasyon.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...