Ang Slap and Run ay isang arcade game mula sa VOODOO. Ito ay inilabas sa Google Play Store noong Nobyembre 9, 2021. Sa ngayon, mayroon na itong mahigit sa 10 milyong downloads sa naturang gaming platform. Ang kumpanyang VOODOO ay naglunsad din ng iba pang mga sikat na larong tulad Hole.i.o., Helix Jump, Crowd City at marami pang iba.
Ang pangunahing layunin sa larong ito ay maabot ang finish line habang sinasampal ang mga pedestrian sa daan. Gayunpaman, dapat ding maiwasan ang iba’t ibang harang at bitag na nagkalat at ang mga walang humpay na naghahabol na mga pedestrian. Kapag nabitag ka o kaya ay naabutan ng mga ito ay game over na. Ang Laro Reviews ay tutulungan ka upang mas makilala pa ang larong ito.
Contents
Paano I-download ang Laro?
Ang Slap and Run game app ay pwedeng i-download mula sa App Store at sa Play Store. Ito ay ma-eenjoy gamit ang anumang iOS o Android device. Kung mas gusto mo naman itong laruin sa laptop o desktop, maaari mo ring hanapin ang laro sa mga lehitimong gaming site o kaya ay i-install ang app sa pamamagitan ng isang android emulator. Maaari mo ring gamitin ang mga link sa ibaba kung nais mo itong mai-download kaagad:
Download Slap and Run on iOS https://apps.apple.com/us/app/slap-and-run/id1591587100
Download Slap and Run on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.stoneaxe.slapandrun
Download Slap and Run on PC https://www.bluestacks.com/apps/arcade/slap-and-run-on-pc.html
Slap and Run: Tips at Tricks para sa mga Baguhan
Ang Slap and Run ay isang uri ng arcade game na may simple at madaling gameplay. Ito ay isang online game kaya kailangan mo ng internet connection para ito ay malaro.
Bilang manlalaro, kailangan mong kontrolin ang pagtakbo ng iyong karakter o runner sa platform sa pamamagitan lang ng pag-swipe sa iyong gaming screen. Habang tumatakbo ang iyong runner sa platform, kailangan mo itong padaanin malapit sa mga pedestrian o grupo ng pedestrian upang sila ay masampal nito. Para makapag-level up sa laro, bukod sa pag-abot sa finish line, dapat mo ring matugunan ang nakatakdang bilang ng mga nasampal na pedestrian.
Related Posts:
Supreme Stickman Fighting Review
Hindi magiging madali ang lahat dahil bukod sa nagkalat na mga bitag, may mga pedestrian din na hahabol sa iyong runner. Dapat mong siguraduhin hindi ka nila maaabot dahil kapag nangyari ito, matatalo ka at kailangan mong i-restart ang partikular na level.
Ang larong ito ay hindi lamang basta tungkol sa pagtakbo at pagsampal: kailangan mo ring malampasan ang mga hamon at mapanatiling buhay at ligtas ang iyong runner. Kung kaya, ang Laro Reviews ay tutulungan ka kung paano mo mapagtatagumpayan ang bawat hamon. Ang sumusunod ay mga tamang diskarte sa paglalaro ng Slap and Run:
- Isa sa mga epektibong paraan upang masampal ang mga pedestrian ay ang pag-tap sa kanila paisa-isa nang mabilis o kaya naman ay pagdaan malapit sa kanila. Mas tataas ang bilang ng iyong masasampal kapag dumaan ka sa gitna ng nag-uumpukang mga pedestrian.
- Hangga’t maaari ay sikaping mapuno ang iyong energy meter upang ma-activate ang iyong super speed. Kapag ito ay na-activate, pansamantalang bibilis ng husto ang pagtakbo ng iyong runner. Sa pamamagitan ng special skill na ito, makakatakas ka sa mga humahabol sa’yo at mararating mo ang finish line sa maikling panahon lamang. Tandaan na hindi nagiging immune ang iyong runner sa mga bitag, kaya dapat pa rin talagang mag-focus at mag-ingat.
- Gamitin ang gold coins sa tamang paraan. Isa sa mga bagay na kailangan mong unahin ay ang pag-upgrade ng iyong runner lalo na ng kicking skills nito. Kung iyong mapapansin, kapag malapit ka na sa finish line, kinakailangan mong sipain ang isang pedestrian. Ito ang magiging batayan ng iyong score multiplier kaya kapag mas malakas ang sipa, mas maraming coins din ang iyong makukuha.
- Bukod sa pagtakas sa mga humahabol sa’yo, pwede mo rin silang tapusin sa pamamagitan ng paglapit sa mga bitag upang sila ay mapahamak. Maging maingat lamang sa paggawa nito upang hindi mapahamak ang iyong runner.
Ang reward system ng larong ito ay gumagamit ng gold coins. Ang makukuha mong coins ay maaari mong gamitin para mai-upgrade ang skills at abilities ng iyong runner. Bukod sa pagkumpleto sa mga hamon, may dalawang paraan pa upang makakuha ka nito. Ang una ay sa pamamagitan ng pagsali sa bonus levels na pwede mong ma-access kapag naabot mo ang Level 20. Ang pangalawang paraan ay sa pamamagitan ng panonood ng ads kapalit ng karagdagang coins.
Slap and Run: Pros at Cons ng Slap and Run
Ang Slap and Run ay may simple ngunit talagang nakaka-addict na gameplay. Ang simpleng features nito ay nakakaaliw, hindi kumplikado at hindi nakakalito. Napakadaling matutunan ng game mechanics nito. Ang game controls ay gumagana rin ng maayos at napaka-responsive kaya hindi ka mahihirapang kontrolin ang runner. Bukod sa mga nabanggit, puno rin ito ng mga katuwaan dahil pwede mong gawing katatawanan o lokohin ang mga pedestrian. Ang background music at sound effects nito ay nakakaaliw at satisfying bagama’t ang tunog ng sampal ay tila tunog ng pumutok na lobo.
Sa kabilang banda, tatalakayin natin ang cons o kahinaan ng laro. May mga pagkakataong ang game app ay nagla-lag. Karamihan sa mga manlalaro ay naiinis sa napakadalas at mahahaba nitong ads. Nakakaubos kasi ng pasensya na kailangan mo pang maghintay ng matagal bago makapaglarong muli. Isa pa sa mga isyu nito ay kung bakit kinakailangan pa ng internet connection para ito ay malaro dahil wala naman itong multiplayer features. Marami rin ang nagrereklamo tungkol sa ad-free version nito. Ang ilang mga manlalaro kasi ay talagang gumastos para makapaglaro ng walang nakagagambalang ads subalit, kahit na sila ay nakapagbayad na, hindi pa rin tumitigil ang paglabas ng mga ito.
Konklusyon
Ang Slap and Run ay nakatanggap ng average rating na 4.6 stars mula sa halos 50,000 reviews sa App Store. Samantala, mayroon itong mas mababang rating na 3.2 stars mula sa mahigit 20,000 reviews sa Play Store. Ang larong ito ay maituturing na may magagandang gameplay at mahusay na kalidad. Subalit, maraming manlalaro ang nadismaya sa ads nito. Napakalaki pa sana ng potensyal nito na mas makapagbigay pa ng nakakaaliw at mas mahusay na gaming experience sa marami.
Bilang pagtatapos, kung gusto mong subukan ang larong ito ay pwedeng-pwede. Tandaan lamang na hindi mo kailangang gumastos ng pera para sa ad-free version nito dahil wala naman itong ipinagkaiba kung ikukumpara sa regular game.
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- April 8, 2022