Slay the Spire Review

Ang Slay the Spire ay isang card game na gawa ng Megacrit at inilunsad naman ng Humble Games. Una itong inilabas noong 2017 sa Microsoft Windows, macOS at Linux. Makalipas ang tatlong taon, taong 2020, naglabas ang game developers nito ng mobile version sa App Store. Taong 2021 naman ng sumunod na inilabas ang version para sa Play Store. 

Ang layunin sa larong ito ay marating ang tuktok ng spire. Ang bawat antas nito ay may kakaibang mga hamon, kaganapan at kaaway na susubok sa mga manlalaro. Sa dulo ng bawat antas may isang boss na lumilitaw at kinakailangan itong talunin. Magagamit lamang ang kapangyarihan at kakayahan ng karakter sa laro sa pamamagitan ng paggamit ng mga kard sa deck. Salitan ang manlalaro at kalaban sa pag-atake.

Slay the Spire

Slay the Spire

Ang Slay the Spire ay pwedeng laruin gamit ang iOS o Android devices. Ito ay hindi libre kaya upang ito mai-download ang app, kailangan mong siguraduhin na may sapat na pambayad ang iyong account. Pwede rin itong ma-access gamit ang laptop o desktop. At, sa pamamagitan ng isang emulator, maaari mo ring i-download ito sa iyong computer. Gamitin lamang ang mga sumusunod na link kung gusto mo itong laruin kaagad:

  • Download Slay the Spire game on iOS https://apps.apple.com/us/app/slay-the-spire/id1491530147
  • Download Slay the Spire game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.humble.SlayTheSpire
  • Download Slay the Spire game on PC https://steamunlocked.net/1-slay-the-spire-free-download/

Slay the Spire: Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Ang Slay the Spire ay isang larong offline. Hindi na kailangan pang gumawa ng account, gagawa ka lang ng username. Alalahanin na ang konsepto na ginamit dito ay kombinasyon ng card games at roguelike games. Gumagamit ng cards ang mga manlalaro upang matawag ang mga maalamat na nilalang, mga armas, at makapangyarihang mga gamit upang talunin ang mga kaaway.

Bagaman ang gameplay nito ay simple, marami rin itong nakatagong mga hamon at pagsubok. Nais ng Laro Reviews na masulit at ma-enjoy mo ang iyong paglalaro kaya may mga tips at tricks kaming ibabahagi. Ang mga ito ay makakatulong sa iyo upang mas maintindihan ang game mechanics at mas maging mahusay sa laro.

May tatlong klase ng mga karakter kang pagpipilian rito: Defect, Silent, at Ironclad. Ang bawat isa sa mga ito ay may natatanging kakayahan, cards at gamit. Ang Defect ay gumagamit ng mga mahiwagang combos habang ang Ironclad ay nakasalalay sa malakas nitong puwersa at kapangyarihan. Ang Silent naman ay mahusay pagdating sa depensa at opensa. Ang pagpili ng klase ng karakter na iyong gagamitin ay may malaking epekto sa iyong laro. Bago magsimula, mas mabuting subukan at pag-aralan ang bawat isa sa mga ito. Piliin kung alin sa tingin mo ang babagay sa estilo ng iyong laro.

Slay the Spire

Slay the Spire

Tulad ng nabanggit, ang bawat klase ay natatangi kung kaya’t kailangan itong gamitin ng tama upang makamit ang kabuuang potensyal ng bawat isa. Kung sakaling madehado ka sa labanan pwede kang magpalit ng ibang karakter. Magsanay ng mabuti upang maging magaling at huwag kalimutang mag-enjoy sa paglalaro.

Ang isa pang mahalagang hakbang sa Slay the Spire ay ang pagbuo ng iyong card deck. Iba’t ibang nilalang at halimaw ang makakaharap mo rito kaya pag aralan ang mga ito ng mabuti. Alamin kung ano ang mga kahinaan nila at piliin ang angkop na mga card. Gumamit ng katamtamang bilang ng mga card, huwag sobra. Mas mabuti ng gumamit ng kakaunti ngunit mga mabisang card kaysa magkaroon ng marami ngunit mahihina naman. Laging i-check ang profile ng iyong mga kaaway upang malaman ang kanilang kahinaan. Pagkatapos, piliin ang angkop na mga card at ito ang ilagay sa iyong deck para gamitin. Maghanap ng mga espesyal na cards dahil gamit ang mga ito, matatalo mo ang makapangyarihang mga kaaway tulad ng Elite at Boss. Siguraduhin na mayroon kang defense card na magagamit para maiwasan o mabawasan ang pinsalang dala ng atake ng kalaban. Mainam itong gamitin sa mga karakter na Defect o sa Silent. Hindi naman ito masyadong ginagamit sa Ironclad dahil ito ay may malakas na depensa.

Related Posts:

Final Fantasy VIII Remastered Review

Papa’s Burgeria To Go Review

Bago mag umpisa, kailangan mong pag-aralan ang mapa. Dito mo makikita ang mga posibleng ruta na tatahakin mo pati na rin ang uri ng boss na kailangan mong labanan sa bawat round. May karagdagang tampok din ang laro na ang tawag ay rest sites. Ito ang mga lugar sa mapa kung saan pwedeng magpahinga at pagalingin ang mga pinsala. 

Gumamit ng tamang diskarte sa pagpili ng rutang tatahakin. Huwag magmadali sa paglalaro at maging maingat sapagkat kapag natalo ang iyong karakter ay kailangan mong magsimula muli. Umiwas sa mga atake at protektahan ang iyong mga critical points. Mag ipon ng mga relic card at gamitin lang ito kapag sadyang kinakailangan. Pwede itong magamit sa dalawang paraan: para baguhin ang istilo ng iyong pakikipaglaban o para maligtas ka sa kamatayan. Sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga ito magkakaroon ka ng malaking lamang at tataas rin ang tsansa mong manalo.

Slay the Spire

Slay the Spire

Slay the Spire: Pros at Cons ng Laro

Marami ang pumupuri sa nakakahumaling na gameplay ng Slay the Spire. Ang konsepto nito kung saan pinagsama-sama ang mga elemento ng card games at roguelike games ay kakaiba at bago. Ang ginamit na graphics at animation ay kamangha-mangha at may mataas na kalidad. Isa ang mga ito sa pangunahing dahilan kung bakit nahuhumaling ang mga manlalaro sa malapantasya nitong mundo. 

Sa kabilang banda, ang larong ito ay may mga isyu at kahinaan din. Isa sa pangunahing inirereklamo ng mga manlalaro ay ang pagkakaroon nito ng labis na bugs at ang madalas na pag-crash. Ang controls nito ay kadalasang pumapalya o di kaya’y hindi gumagana. Nakakaubos din ng pasensya ang matagal na pag-load ng laro. Mahirap din na ma-save ang game progress dahil kapag nag-crash ang app, nawala halos lahat ng data pati na rin ang mga natapos ng antas kung kaya kinakailangang talagang magsimula muli.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, ang Slay the Spire ay nakatanggap ng kanais-nais na tugon mula sa mga manlalaro. Mayroon itong 4.2-star rating sa App Store mula sa mahigit 1,800 reviews. Sa kabilang banda, nakatanggap ito ng isang mas mababang average rating na 4.1 stars mula sa higit 9,000 reviews sa Play Store. Kung iisiping mabuti, ang larong ito ay medyo overrated. Huwag nating kalimutan na ito ay isang larong may bayad kaya’t dapat lang talaga na ito ay de-kalidad para maging sulit ang bayad ng mga manlalaro. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...