Maligayang pagdating mga manlalaro. Dito sa artikulong ginawa ng Laro Reviews ay matutunghayan ninyo ang isang kapanapanabik na larong may 3D graphics. Kung naghahanap ka ng nakakaaliw na laro ngunit hindi gaanong mahirap laruin, malamang ay ito na ang hinahanap mo. Ngayon ay talakayin natin ang ilan sa mga tampok ng laro na dapat mong malaman.
Contents
Mga Tampok ng Laro
Ang Smash Island-Be the Island King ay isang online casual game na ginawa ng Aladin Interactive. Simple lang ang larong ito at mayroon kang tatlong pangunahing layunin sa laro. Una ay ang paggawa ng towns. Pangalawa ay ang pag-atake ng mga town ng kalaban at pangatlo ay ang mag-explore ng mga bagong lugar. Upang maitayo ang mga building ng iyong town, kakailanganin mo ng mga coins na makukuha mo sa pamamagitan ng pagpapaikot ng wheel. Kapag natapos mo nang buuin lahat ng building sa isang town, maaari ka ng maglakbay patungo sa ibang lugar sa mapa upang bumuo ulit ng panibagong town. Maaari mo itong depensahan sa pamamagitan ng power ups na shield. Kapag nakakuha ka ng attack na power ups ay pwede ka nang umatake.
Kung iniisip mo na nakakabagot itong laro, nagkakamali ka dahil ito ay competitive din. Sa pamamagitan ng personal at guild tournament, maaari kang makipaglaban sa ibang manlalaro bilang isang grupo (guild) o solo player (personal). Maaari kang lumaban at atakihin ang mga bayan ng iyong mga kalaban upang itaboy sila pabalik at ma-secure ang iyong posisyon. Pagbayarin at gantihan ang sinumang umatake sa iyo upang ipakita na hindi ka target. Buksan ang mga treasure chest para makakuha ng karagdagang mga reward! Mangolekta din ng mga maalamat na card mula sa iba’t ibang mundo.
Paano i-download ang Smash Island – Be the Island King?
Madaling i-download itong laro at hindi mo na kailangan pang gumawa ng log in account ngunit maaari mong i-bind ang iyong Facebook account. Para i-download ito sa Android, buksan lang ang iyong Google Play Store at i-type sa search bar ang pangalan nitong laro pagkatapos ay i-click ang Install. Para naman sa iOS users, hanapin lamang ang Smash Island-Golden Islander sa App Store. Maaari mo itong laruin sa PC. Para mai-download ito sa PC, pumunta sa http://gameloop.com at hanapin ang laro sa nasabing website at i-click ang Download. Para sa mabilis na pag-access, maaaring i-click ang mga link sa ibaba:
Download Smash Island-Be the Island King on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.aladinfun.island.android
Download Smash Island-Be the Island King on iOS https://apps.apple.com/us/app/smash-island-golden-islander/id1406739414
Download Smash Island-Be the Island King on PC https://www.gameloop.com/game/casual/com.aladinfun.island.android
Tips at Tricks para sa mga Baguhan
Pagkatapos ng maingat na pagsusuri at paglalaro, natuklasan ko na ang larong ito ay walang kinakailangang gameplay at hindi rin nangangailangan ng strategy at tactics dahil ang tanging bagay na iyong gagawin upang manalo sa larong ito ay paikutin ang wheel at umasang mananalo ng maraming coins. Ngunit upang makakuha ng maraming barya, kakailanganin mo ng maraming swerte dahil halos bawat pag-ikot ng wheel ay natutuon sa pinakamaliit na halaga ng coins kaya, isa sa mga kahirapan na iyong kakaharapin sa laro ay ang kakulangan ng mga barya. Ang pangunahing layunin ng laro ay upang bumuo ng isang bayan; upang magawa ito, kakailanganin mo ng mga barya na maaari mong makuha sa pamamagitan ng pag-ikot ng slot machine. Maliban sa pag-ikot ng slot machine ang Laro Reviews ay ituturo sa iyo kung paano kumita ng coins.
Una, kailangan mong i-bind ang iyong Facebook account upang makatanggap ng coins na nagkakahalaga ng 1 million. Bukod sa energy points, maaari mo rin ma-unlock ang daily rewards at gifting feature kapag ginawa mo ito. Ang gifting naman ay isang paraan upang kumita rin ng coins. Kapag nagpadala ka ng coins sa iyong mga kaibigan na nasa iyong friendlist, papadalhan ka rin nila ng coins. May daily mission at task rin ang laro kaya siguraduhin na matatapos ang mga ito upang kumita ng karagdagang coins. May mga laro na may gameplay at konsepto na katulad nito, ngunit ang pinagkaiba nito ay ang interactive gameplay ng laro. Ibig sabihin, binibigyang halaga ng laro ang koneksyon ng mga magkakaibigan at kanilang teamwork. Dahil sa guild battle, tiyak na mas magiging matatag ang tiwala ninyo sa isa’t-isa.
Kalamangan at Kahinaan
Napakasimple ng gameplay nito kaya mabilis itong nagiging nakakairita at nakakatamad laruin. Kasama sa laro ang ilang misyon, gawain, o layunin ngunit kaunti lamang ito kaya nakakawala ng ganang laruin sa katagalan. Ang higit pang mga aktibidad sa laro, tulad ng mga pang-araw-araw na misyon, gawain, at pakikipagsapalaran, ang nagpapahusay sa aesthetic appeal ng laro. Maaari kang umatake, ngunit ito ay limitado dahil kailangan nito ang mga puntos ng enerhiya, at hindi mo rin maaaring paikutin ang slot machine kung naubusan ka ng mga energy points. Ang paglalaro ng mag-isa ay nakakapagod, ngunit ang pagkonekta sa iyong Facebook account ay nagbabago sa katauhan ng laro.
Kapag na-bind mo ang iyong Facebook account, maaari ka nang makipag-tagisan at makipaglaban sa mga kaibigan mo sa Facebook. Samakatuwid, ito ay nagiging competitive na laro. Kung mag-isa mo itong lalaruin, tiyak na madali kang mababagot sa laro dahil sa napakabagal na regeneration ng energy points at kung makakuha ka naman nito sa wheel, kaunti lamang ito kaya nagiging mabagal din ang pag-usad mo sa laro at nalilimitahan ang mga bagay na maaari mong gawin. Ngunit kung ang nais mo lang naman ay pampalipas oras, sigurado akong mabibigay ang larong ito ng iyong hinahanap. Nakakaaliw ang larong ito ngunit nakakabagot na sa katagalan dahil sa mga restriction sa iyong paggalaw.
Konklusyon
Sa kabuuan, itong laro ay nakatanggap ng star rating na 4.7 sa Google Play Store. Ang larong ito ay lubos na kasiya-siya, lalo na kung ang iyong Facebook account ay naka-link, dahil maaari kang makipaglaro sa iyong mga kaibigan sa iyong friendlist. Ito ang pinakamahusay sa lahat ng mga laro na may parehong konsepto. Mula sa mga simpleng detalye at animation ng laro hanggang sa reward system nito lahat tungkol dito ay mahusay na ginawa. Kaya, kung naghahanap ka ng masayang libangan, huwag nang maghanap pa. I-download na ang Smash Island – Be the Island King ngayon!
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- July 26, 2022