Soccer Spirits Review

Ang Soccer Spirits ay magdadala sa iyo sa isang mahiwagang mundo na puno ng iyong mga paboritong anime na karakter. Nagtatampok ito ng mga de-kalidad na eksena na tiyak na iyong kapapanabikan. Marami itong feature na maaari mong tuklasin na nagbibigay-daan sa iyong magkaroon ng magandang karanasan habang nilalaro ang nakakaintriga at napakahusay na gameplay nito. Ang kapaligiran nito ay puno ng pantasya na umaakit sa mga manlalaro. Makakapaglaro ka ng soccer ngunit sa mas interactive at nakakaaliw na paraan. Halika at sumali sa komunidad ng mga manlalaro nito at magkaroon ng pagkakataong mabighani sa mga posibilidad na naghihintay sayo dito!

Ano ang layunin ng laro?

Pinagsama ng Soccer Spirits ang isang soccer game at isang role-playing na laro kung saan lumilikha ka ng cosmic soccer squad na naglalakbay sa buong kalawakan na nakikipag-kumpitensya at naanalo ng mga laban. Sa simula ay limitado lamang ang maaari mong gawin sa planetang Earth, ngunit hindi magtatagal at makakalipad ka na sa kalawakan kasama ang iyong squad. Sa totoo lang, ang gameplay ng Soccer Spirits ay walang kinalaman sa totoong konsepto ng soccer. Ang bawat isa sa iyong mga karakter ay kumakatawan ng isang card, bawat isa ay may natatanging hanay ng mga katangian at kapangyarihan. 

Ang iyong pangunahing layunin ay upang makapuntos sa pamamagitan ng pag-goal at paggamit ng mga kasanayan ng iyong mga manlalaro. Ang sinumang makapuntos ng unang goal ang siyang mananalo. Isa sa mga pinaka-kaakit-akit na aspeto ng Soccer Spirits ay ang kakayahang mag-ipon ng maraming iba’t ibang manlalaro. Maaari mong palakasin at i-evolve ang bawat manlalaro habang patuloy kang nananalo sa bawat laban. Ngunit kakailanganin mong magkaroon ng maraming coins para makakuha ng mga bagong manlalaro.

Paano laruin ang laro?

Ang Laro Reviews ay magbibigay ng maikling paliwanag kung paano sisimulan ang laro. Kapag na-download mo na ang app sa iyong smartphone, maaari kang maglaro sa dalawang magkaibang mode nito. Maaari kang pumasok sa laro bilang isang rehistradong gumagamit ng HIVE o bilang isang guest lamang. Ang isang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang mode ay kung magsa-sign up ka bilang isang user ng HIVE, magagawa mong laruin ang laro sa maraming device nang sabay-sabay, nang naka-sync ang iyong progress sa lahat ng ito.

Iminumungkahi namin na kumuha ng HIVE account at pagkatapos ay piliin ang server kung saan mo gustong sumali. Ang Universe server ay ang pinakabagong server at kasalukuyang ito ay binubuo ng may mas mababang ranggo na mga manlalaro, kaya kung baguhan ka sa laro, ang Universe server ang angkop na piliin. Kapag sinimulan mo na itong gamitin, malaya kang pumili ng panimulang karakter. Mayroong dalawang magandang starter na karakter na maaari mong pagpilian – sina Sam mula sa Blue Cloud High School o si Noa mula sa Saint Calia High School. Ang pinagkaiba lang nila ay ang kanilang training at background. Mayroon silang halos magkaparehong mga numero at halos magkapareho ang kanilang paglalaro.

Tandaan na maaari mong baguhin ang iyong koponan at mga karakter sa susunod na laro, para hindi ka mai-lock o malimitahan sa anumang bagay. Maaari mo ring samantalahin ang bagong bonus ng manlalaro sa unang 14 na araw. Maaari mong makuha ang bonus na ito sa pamamagitan ng pag-log in araw-araw at pagtanggap ng espesyal na bundle ng bonus kung bibili ka ng package na gamit ang totoong pera sa oras na iyon.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Soccer Spirits sa Android devices ay dapat Android 4.1 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 9.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay nag-iiba sa device at 533.8MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Soccer Spirits on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.com2us.soccerspirits.normal2.freefull.google.global.android.common

Download Soccer Spirits on iOS https://apps.apple.com/us/app/soccer-spirits/id808137814

Download Soccer Spirits on PC https://www.ldplayer.net/games/com-com2us-soccerspirits-normal2-freefull-google-global-android-common-on-pc.html

Hakbang sa paggawa ng account sa larong Soccer Spirits 

  1. Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Soccer Spirits pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Soccer Spirits!

Tips at tricks sa paglalaro ng Soccer Spirits 

Narito ang ilang ideya para makapagsimula ka. Manatili lang kasama ang Laro Reviews at patuloy na basahin ang artikulong ito. Sa Soccer Spirits, binubuo ang bawat koponan ng sampung pangunahing manlalaro, na may isang karakter na nagsisilbing suporta. Tulad ng sa aktwal na soccer, mayroong tatlong striker, tatlong center midfielder, tatlong defender, at isang goalkeeper na may suporta na maaaring pumasok anumang oras. Pagkatapos mong mabuo ang iyong squad, kakailanganin mong pumili ng lider. Ang mga lider ay tinutukoy bilang “Aces”. 

Ang bawat Ace ay may natatanging mga kasanayan na nagbabago sa mga katangian ng lahat ng mga manlalaro sa gitna laro. Kung maglalagay ka ng isang manlalaro sa isang lokasyon na kung saan sila ay dalubhasa, makakatanggap sila ng kaunting benepisyo. Dapat mo ring unahin ang pag-evolve ng mga karakter upang mapataas nila ang kanilang mga indibidwal na istatistika at katangian. May mga espesyal na card na magagamit dito na maaaring makatulong sa iyo na manalo. Maaari kang makipagkumpitensya habang tinatangkilik ang iba pang feature ng laro. Kaya matuwa habang tinutuklas ang iba pa nitong handog na kasiyahan para sa mga manlalaro. Ito lamang ang ilan sa mga tip na maaari mong gamitin sa paglalaro nito

Pros at cons sa paglalaro ng Soccer Spirits

Ito ay sobrang nakaka-enganyo lalo na pagdating sa mga visual at boses ng karakter. Ito ay kawili-wili at nakakaaliw. Magagawa mong pasayahin ang iyong sarili sa mahiwagang mundo ng soccer sports sa isang malikhain at sari-saring paraan. Napaka-dynamic nito, lalo na dahil maaari kang makipag-usap sa iba pang mga manlalaro mula pa sa iba’t ibang sulok ng mundo. Kabilang dito ang ilang mga stage na maaari mong kumpletuhin at malaya kang makipagkumpitensya sa daan-daang mga kalaban sa larong Soccer Spirits.

Mayroon din itong anime-inspired na mga likha, na ang bawat card ay nagpapakita ng mataas na kalidad, anime-style na mga larawan, mga natatanging voice-acted na expression, mga espesyal na istilo, at mga kakaibang katangian. Sa mga madiskarteng laban, dapat mong talunin ang iba pang mga koponan sa pamamagitan ng paggamit ng card. Ang ganitong klase ng konsepto sa pakikipaglaban ay sadyang pambihira at nakakapukaw ng interes. Maaari kang magkaroon at mangolekta ng cards para ipunin. Mayroon itong higit sa 100 iba’t ibang mga card at lumikha ng sarili mong koponan, pagandahin ang iyong mga karakter, at palakasin ang iyong mga manlalaro upang talunin ang iyong mga kalaban.

Higit pa rito, mayroon itong nakakahimok na storyline kung saan maeenganyo ka sa  kapanapanabik na plot na puno ng mga karakter, kwento, entertainment, at higit pa. Makipaglaban sa mga random na manlalaro sa online kung saan mayroon kang kabuuang kontrol sa bawat laban. Marami kang mahahanap at matutuklasan dito, ngunit may ilang mga negatibong bahagi sa laro. Ito ay kumukunsumo ng maraming espasyo sa storage device mo. Ang ibang manlalaro ay nakakaranas ng sobrang tagal na paglo-load sa umpisa ng laro. May ilang mga problema na dapat pang ayusin sa larong ito upang tiyak na makapagbigay ng magandang karanasan para sa mga manlalaro.

Konklusyon

Ang Soccer Spirits ay isang mahusay na laro para sa isang fantasy sports card game ngunit nangangailangan ito ng maraming espasyo sa iyong storage device. Marami rin itong mga update na hindi kinatuwa ng maraming manlalaro dahil sa performance nito na halos wala naman pinagbago at nagdagdag lang ng panibagong data para i-download at ang ilang feature ay masyadong paulit-ulit na siyang kinadismaya ng mga manlalaro. 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...