Social Tongits Best Online Apps

Ang Tongits ay isa sa mga sikat na larong Pinoy magmula noon hanggang ngayon. Hindi natin maikakaila na marami ang nahumaling sa larong ito kaya magpahanggang ngayon ay patuloy na lumalaki ang komunidad nito. Kaya para sa mga naghahanap ng Social Tongits Best Online Apps, sigurado akong magugustuhan mo ang mga larong irerekomenda sa iyo ng Laro Reviews. Hindi lamang isa, kundi limang laro ang hatid sa iyo ng artikulong ito. Para sa mas malinaw at komprehensibong deskripsyon ng mga laro, basahin ang buong artikulo na hatid sa iyo ng Laro Reviews. Ngunit bago ang lahat, pahapyaw muna nating balikan ang maikling kasaysayan kung paano nagsimula ang larong tongits. Ang tongits ay nagsimulang makilala noong taong 1990s sa Luzon, ang pinakamalaking isla sa Pilipinas. Ang orihinal na pinagmulan nito ay hindi pa nakukumpirma subalit ayon sa mga pag-aaral, ito ay unang nilaro sa Ilocos. Ang mga Ilocanos ang sinasabing nagpasimula ng larong ito noong 1980s at ang tawag pa rito noon ay “Tung-it”. May pagkakatulad rin ang panuntunan ng larong tongits sa American game na “Tonk”. Ang larong itong ay mayroong 52 cards at binubuo ng tatlong manlalaro. Kaya kung isa ka sa mahilig o kinaaadikan ang larong ito, narito ang ilang mga social tongits na maaari mong i-download sa iyong device.

Mga laro ng Social Tongits Best Online Apps

Big Win Club

Ang Big Win Club ay isa sa Social Tongits Best Online Apps na maaari mong laruin gamit ang iyong gadget. Maaari kang maglaro ng tongits sa app nito at makipaglaban sa ibang manlalaro mula sa iba’t ibang dako ng mundo. Umabot na sa mahigit isang milyong manlalaro ang Big Win Club na gustong manalo sa social tongits.

Bukod pa riyan, ang Big Win Club rin ang isa sa may pinakamaraming manlalaro ng tongits at pinakamalaking grupo sa Pilipinas. Kung gusto mong makipaglaro gamit ang tunay na pera at makipaglaban sa ibang manlalaro online, para sa iyo ang Big Win Club – Tongits. Kailangan mo lang ng GCash account sa paglalaro nito kung nais mong gumamit ng pera. Ikonekta lang ang iyong GCash account sa laro at maaari ka ng makapagcash-in at cash out. Kaya ano pa ang hinihintay mo? Baka ito na ang tongits card game na magpapanalo sa iyo.

Tongits Go

Ang Tongits Go ay isa sa kinagigiliwang laro ng mga Pilipino. Ito rin ay isa sa sikat na Filipino card game tongits na kinaaadikan ng marami dahil sa magandang gameplay nito. Ngayong taong 2022, opisyal itong naglabas ng bagong update sa laro. Marami ang nasiyahan sa bagong laro nitong Sabong, isa sa kilalang laro sa Pilipinas. Mayroon din itong bagong slots gameplays para sa lahat ng mahilig sa game machines.

Ngunit, kung nais mong maglaro ng tongits card, isa ang Tongits Go sa magandang laro na pwede mong subukan. Maraming game modes ang larong ito, gaya ng Tournament, Gold mode, Family Table at Ranked Game. Maaari kang mamili kung anong mode mo nais maglaro ng tongits. Pwede mong subukan lahat upang maranasan lahat ng uri ng laro sa Tongits Go. May iba’t ibang bonus items at rewards din ang naghihintay sa iyo sa larong ito. Mag-log in lamang araw-araw upang makuha mo ang mga papremyo. Dagdag pa rito, may time-limited events ring hatid ang Tongits Go para sa lahat ng manlalaro. Posible kang manalo ng iba’t ibang gantimpala sa mode na ito kapag naisakatuparan mo ang iyong misyon.

Mega Win Tongits

Ang Mega Win Tongits ay isa sa may magandang kalidad na laro na pwede mong i-download sa iyong device. Ito rin ay mayroong simple, tradisyunal at maayos na disenyo na magugustuhan ng mga manlalaro. Kung naghahanap ka ng simpleng laro na pangkatuwaan lamang, subukan mo ang Mega Win Tongits.

Ang Mega Win Tongits ay hindi naiiba sa mga tongits game. Kaya kung pamilyar ka na sa paglalaro ng baraha, hindi ka na mahihirapang intindihin ang mechanics at gameplay ng larong ito. Subalit hindi pinahihintulutang laruin ito ng mga wala pa sa edad 18. Ito ay para lamang sa mga mga nasa wastong edad o mga matatandang manlalaro. Sa larong ito, hindi pinapayagan ang pagtaya ng totoong pera, pagsusugal, pagbebenta o pagbili ng mga gamit. Hindi ito tumatanggap o nangangailangan ng totoong salapi upang ikaw ay makapaglaro. Ginawa ang larong ito para lamang sa mga nais ng libangan. Tandaan, ang mga perang makikita mo sa laro ay walang katumbas na halaga sa totoong pera. Hindi mo ito maaaring makuha o ma-cash out dahil ito’y para sa laro lamang. Kaya kung naghahanap ka ng magandang libangan, subukan ang Mega Win Tongits.

Tongits Fun

Kung naghahanap ka ng iba pang larong tongits, subukan ang isang ito. Ang Tongits Fun ay may iba’t ibang laro na pwedeng subukan. Ito ay ang Unique Tongits at Classic Pusoy. Bukod sa card games, mayroon din itong Color Game at Exciting Slot Machines. Nakapaglaro ka na ng tongits, nasubukan mo pa ang color game at slot machines sa iisang laro lamang.

Dagdag pa rito, ang Tongits Fun ay talagang maghahatid sa iyo ng kasiyahan dahil sa Welcome Bonus para sa lahat ng bago nitong manlalaro. Kailangan mo lang mag-login gamit ang iyong Facebook Account upang makuha mo ang mga items at rewards na naghihintay sa iyo. Bukod sa paglalaro ng tongits, maaari ka ring bumuo o sumali sa isang grupo dahil may Barkada System rin ang larong ito. Sa pamamagitan ng grupong ito, maaari kang makapag-imbita ng iyong mga kaibigan o kapamilya na makakasama mo sa paglalaro. Hindi ba’t mas masaya kapag may kasamang maglaro ng Tongits? Talagang ‘Fun’ ang hatid sa iyo ng Tongits Fun!

Apo Casino

Subukan ang isa sa pinakabagong card game na maaari mong ma-download ng libre sa iyong device, ang Apo Casino. Opisyal itong inilabas noong taong 2021 at patuloy na nakikilala ng mga manlalaro hanggang ngayon. Ang Apo Casino ay isang game app na tungkol sa iba’t ibang uri ng larong baraha. Ang ilan sa mga ito ay ang Tongits, Lucky 9, Pusoy, 3 Card Poker at iba pa. Mayroon din itong Slot Machines, Color Games, at marami pang iba.

Sa larong ito, malaya kang gumawa ng iyong sarili silid para makapaglaro at makapag-imbita ng iba pang manlalaro. Sa dami ng manlalaro ng Apo Casino, maaari kang makakilala ng ibang tao na may kapareho mo ng interes sa paglalaro. Pwede ka pang sumali sa ibang grupo na nakikipaglaro o nakikipaglaban sa iba. Subalit ang larong ito ay para lamang sa mga nasa wastong edad. Hindi pinahihintulutan ang mga bata na maglaro nito gayong malapit ito sa pagsusugal. Pero sa Apo Casino, hindi pinapayagan ang pagsusugal ng totoong pera. Para makapaglaro nito, kailangan mo lang gamitin ang pera na nasa laro.

Paano laruin ang Tongits at ang diskarte sa paglalaro nito?

Kung hindi ka pamilyar kung paano laruin ang Tongits, narito ang mga pangunahing impormasyon na dapat mong malaman hatid sa iyo ng Laro Reviews.

Mayroon tatlong manlalaro ang Tongits, at ang isa rito ay ang dealer o bangka. Ang dalawang manlalaro ay makakakuha ng 12 na baraha habang ang bangka ay 13 baraha. Ang matitirang baraha ay magsisilbing central stack o palabunutan ng mga manlalaro. Kapag tapos nang ipamahagi ng bangka ang mga baraha, maaari nang simulan ang laro.

Sa umpisa ng laro, ang unang maglalapag ng baraha ay ang bangka. Ang susunod na manlalaro ay maaaring kuhanin ang barahang ibinaba ng naunang manlalaro sa kanya kung ito ay makakatulong sa card set na hawak niya. Subalit kung hindi naman, ay maaari siyang tumira ng baraha na walang silbi sa set na hawak niya. Tinatawag itong pagpulot o pagtapon ng baraha sa paglalaro ng tongits. Maaari kang bumunot ng baraha sa palabunutan kapag wala kang maitira sa ibinabang card set ng kalaban. Magpapatuloy ang ganitong proseso hanggang sa may isang manlalaro ang magkaroon ng tongits. Ang tongits ay kapag nagamit na ng manlalaro ang lahat ng kanyang card set na hawak.

Ang isa pang diskarte para manalo sa paglalaro ng tongits ay ang paggamit ng draw. Maaaring magtawag o mag-challenge ng draw ang isang manlalaro sa kanyang mga kalaban. Mangyayari lamang ito kapag mababa ang kanyang puntos at walang sumapaw sa kanyang meld o bahay sa tongits. Ang meld ay isang set ng cards na hawak ng manlalaro. Kapag nag-challenge ng draw ang isang manlalaro, kung sino ang may pinakamababang puntos sa baraha ang mananalo. Kapag nagkaroong ng tie breaker, ang challenger ang tatanghaling kampeon. Subalit kapag lahat ng manlalaro ay nag three-way tie, ang manlalaro sa kanan ng challenger naman ang magwawagi.

Paano Makapaglaro ng Social Tongits Best Online Apps?

Ang mga larong ito ay maaari mo nang laruin gamit ang iyong device. Kahit nasaan ka man o anong oras mo man nais maglaro ay maaari mong gawin. Isa ito sa dahilan kung bakit magandang maglaro ng mga social tongits. Bukod pa riyan, libre mo lang ding makukuha ang mga larong ito sa iyong gadget. Kung nais makuha ang mga laro, i-click lamang ang mga link sa ibaba para makapag-download depende sa ginagamit na device:

Download Big Win Club on iOS here

Download Tongits Go on Android here

Download Mega Win Tongits on Android here

Download Tongits Fun on Android here

Download Apo Casino on Android here

Sa limang larong ito, ang Big Win Club ay may pinakamalaking real money betting Tongits community. Kung gusto mong makipaglaro gamit ang totoong pera at sumugal, ang Big Win Club ang magandang laro para sa iyo. Maaari mo ring laruin ang mga ito sa iyong Personal Computer o PC. Hanapin lamang sa Google ang laro at ang link na pwede mong gamitin para sa iyong PC.

Konklusyon

Para sa Laro Reviews, ang Big Win Club, Tongits Go, Mega Win Tongits, Tongits Fun at Apo Casino ang limang larong baraha na kasama sa Social Tongits Best Online Apps. Sulit na sulit ang iyong oras sa paglalaro nito dahil sa malinaw at maayos na gameplay ng mga laro. Hindi ka magsisisi kapag nasubukan mo itong laruin. Kaya ano pang hinihintay mo? I-download na ang mga larong ito sa iyong device para malaman pa ang tungkol dito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Login
Loading...
Sign Up
Loading...