
Ang IEC Global Pty Ltd ay isang Android Game Developer Company na naka-base sa bansang Australia. Nagsimula silang gumawa ng mga Android Games noong taong 2018 at sa kasalukuyan ay may labing-isang laro na nai-publish sa Play Store at iba pang gaming sites. Sila ang developer ng mga sikat na casual at puzzle games tulad ng Water Sort- Color Puzzle Game, Gang Clash, Ball Sort- Color Puzzle Game at ang pinakasikat nilang laro, ang Soda Sort Puzzle. Tampok sa artikulong ito hatid sa inyo ng Laro Reviews ang Soda Sort Puzzle at kung paano ito laruin. Antabayanan din sa huling bahagi ng artikulong ito ang isang App para sa mga Pilipinong nais maglaro at kumita ng totoong pera!
Ang Soda Sort Puzzle at Kagandahan ng Paglalaro ng Sorting Puzzle Games
Inilabas noong taong 2020 ng Australyanong Android Game Developer na IEC Global Pty Ltd ang free to play na larong Soda Sort Puzzle sa Google Play Store. Isa itong uri ng Puzzle Game na kung saan kailangan mai-sort ang makukulay na mga liquid na nakapaloob sa isang tube hanggang ang lahat na magkaparehong kulay ay magsama-sama.
Ang paglalaro ng sorting puzzle games ay isang uri ng laro na lagi kong kinagigiliwan. Bukod sa isa itong brain exerciser, isa itong laro na nagbibigay-daan para sa parehong mental at pisikal na mga hamon. Isang mahusay na paraan ang paglalaro ng mga sorting puzzle games upang ang mga bata ay magkaroon ng mental at physical challenges. Ito ay nakakatulong din sa pagbuo ng lakas ng utak. Ang paraan ng paglalaro nito ay simple at masaya at makakatulong sa mga bata na bumuo ng kanilang mga kakayahan sa paglutas ng problema at spatial reasoning abilities.
Ang paglalaro ng mga puzzle game at pag-aaral kung paano laruin ang mga ito ay nagpapabuti rin ng kakayahan ng isang tao na magproseso ng impormasyon at matandaan ang mga bagay. Ipinakita rin na kapag mas maagang natututo ang mga bata sa paglutas ng mga problema sa pag-sort ay mas nagiging madali na sa kanila habang tumatanda sila ang mga brain games. Gayundin, ang pananatiling nakatuon sa mahabang panahon ay isang kasanayan na nakakatulong sa pag-develop ng ating mga utak.
Paano Laruin ang Soda Sort Puzzle?
Sa katunayan, madali lamang laruin ang Soda Sort Puzzle. Kagaya ng ibang puzzle games ay kailangan mo lang alamin ang mabisang paraan ng pagkakasunod-sunod ng mga colored water upang mapagsama-sama mo ito sa isang tube. Walang ibang espesyal na kasanayan sa anumang laro ang kailangan dahil utak lamang ang pagaganahin mo dito. Mukhang mahirap kung tingan ngunit habang ikaw ay naglalaro ay mas nagiging madali na lamang ito.
I-tap at hawakan ang anumang baso upang maibuhos ang liquid sa isa pang baso. Maaari mo lamang ibuhos ang liquid kung may sapat na espasyo sa baso. Subukang huwag ma-stock. Kung sakaling ikaw ay ma-stock huwag mag-alala, maaari mong i-restart ang level mo anumang oras.
Game Features at mga Kahinaan ng Laro
Tampok sa laro ang isang makulay na color scheme at nakaka-enganyo na puzzle at brain teaser na approach. Mayroon itong one hand control at smooth na graphics. Libre din itong ma-download at 86 mb lamang ang file size nito. Walang penalties at limitasyon sa oras kaya depende sa iyong bilis at husay kung madali mong matatapos ang bawat level. Mula sa isang simpleng sorting tubes ay nagiging mahirap ito habang tumataas ang level. Mas dumarami ang mga tubes at ang mga kulay. Focus at tiyaga ang puhunan kung nais mong malagpasan ang bawat level at mag-advance sa mas mapanghamong mga level. Maganda din ang sound effects na tila isang ASMR at hindi nakakadistorbo sa paglalaro at pwede namang i-off sa settings. Simple at straightforward din ang interface ng app kaya hindi ka malilito sa mga buttons. May mga tips din na lumalabas kapag nakatapos ka sa isang level kaya maiging basahin ang mga ito dahil malaki ang pakinabang nito sa mga susunod na levels.
Ngunit, kagaya ng ibang laro, may kahinaan din ang Soda Sort Puzzle na maaaring punan ng developer sa susunod na mga updates. Kahit katamtaman lang ang file size nito ay lumalaki ito sa katagalan dahil sa dumadagdag ang mga levels. May mga ads din na lumalabas sa kalagitnaan ng iyong paglalaro na minsan ay matagal matapos at biglang nagrere-direct sa isang app na kailangang i-download. Bigla ding nagka-crash ang app ng walang dahilan. Sa katunayan, nang i-install ko ito sa aking cellphone ay bigla na lamang itong nag-freeze at nag-lag at hindi gumana. Nakapaglaro lang ako ng tatlong levels at nagsimula ng magloko ang app. Hinayaan ko lamang ito at binuksan makalipas ang dalawang oras ay gumana naman ulit. Kahit free to play din ito ay may mga in-app purchases kung nais mo ng isang wantusawang game experience na nagkakahalaga ng ₱150 bawat item. Kapag nakapag-avail ka din ng in-app purchases nila ay mawawala na rin ang ads kaya kung wala kang pambili e patayin mo na lang ang internet ng cellphone mo.
Konklusyon
Sa kasalukuyan, may mahigit isang daang milyong downloads ang Soda Sort Puzzle at average rating na 4.5 sa Play Store. Isa ito sa top ranking na laro ng IEC Global at mula ng ito’y nai-publish noong 2020 ay nai-update ito ngayong 2022 at nadagdagan ng mga bagong levels. Magandang pamatay-oras ang larong ito at talaga namang nakakaadik laruin. Kung hindi lang sa mga distorbong apps ay perpekto na sana ang larong ito bilang isang free to play app.
Sa kabilang banda, kung nais mo namang maglaro nang iba pang mga laro bukod sa Soda Sort Puzzle, pumunta lamang sa Play Store at i-download ang Big Win Club App. Sa app na ito ay pwede kang maglaro ng iba’t ibang casino games at magsugal na gumagamit ng totoong pera kahit nasa bahay ka lang. Magandang mapagkukunan ng kasiyahan at extra income ang app na ito na hindi na poproblemahin ang mga cash transactions at mga ahente dahil gawang Pinoy ito at ang mga taong aasikaso sa iyo ay mga Pilipino din. Subukan ang iyong galing at maging mahusay na manlalaro sa app na hatid ay isang authentic Filipino gaming experience!
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- August 16, 2022