Solitaire Garden Escapes Review

Maligayang pagdating, mga manlalaro sa magandang hardin na ito! Dito ay maaari mong itanim ang lahat ng paborito mong bulaklak at laruin ang paborito mong larong solitaire nang sabay. Basahin ang artikulong itong ginawa ng Laro Reviews para lang sa iyo.

Ang Tampok ng Laro

Ang pangunahing layunin ng larong ito ay ang alisin ang lahat ng card sa playing board sa pamamagitan ng pagtutugma nito sa iyong hand card at upang makagawa ng isang tugma, dapat mong piliin ang card na may mas mababa o mas mataas na numero kaysa sa iyong hand card. Ang larong ito ay may napakaraming kawili-wiling mga tampok tulad ng chat system kung saan maaari kang makipag-usap sa iyong mga kaibigan at ipagmalaki kung gaano ka kahusay sa paglalaro ng solitaire. Mayroon ding mga tampok ng club kung saan maaari kang makipagkaibigan. Bukod sa pangunahing storyline ng laro, mayroon din itong mini game na ang layunin ay kumpletuhin ang jigsaw puzzle para makuha ang mga reward. Mayroon ding mga power up sa larong ito na maaaring makatulong sa iyo sa panahon ng mahihirap na levels. Una rito ang Blade na ang epekto ay alisin ang tatlong random cards na nakaharap. Pangalawa ay ang color switcher na ang epekto ay ibahin ang kulay ng tatlong random face-up cards sa board. Ang panghuli ay ang card shuffler na ang epekto ay i-shuffle ang lahat ng face-up cards kasama ang iba pang mga card. Bukod sa pangunahing laro ng solitaire, mayroon din itong isa pang layunin, ito ay ang magtanim ng mga bulaklak. Ang mga bulaklak na ito ay hindi lamang para sa dekorasyon kundi pati na rin ang anihin ang mga ito sa loob ng isang oras upang kumita ng malaking halaga ng pera.

Paano i-download ang Solitaire Garden Escapes?

Ang larong ito ay madaling i-download at libreng laruin. Upang i-download ang larong ito, para sa mga gumagamit ng Android, pumunta sa iyong Google Play Store at sa App Store naman para sa gumagamit ng iOS. Pagkatapos nito ay i-type sa search bar ang pangalan ng laro at i-click ang install. Kung gumagamit ka ng PC, dapat mong i-download muna ang Bluestacks emulator pagkatapos ay i-download ang larong ito rito bago ka makapaglaro nito. Para sa mas madaling pag-access, i-click lamang ang link sa ibaba.

Download Solitaire Garden Escapes on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.pyoko.solitaire

Download Solitaire Garden Escapes on iOS https://apps.apple.com/us/app/solitaire-garden-escapes/id1498572588

Download Solitaire Garden Escapes on PC https://www.fibonair.com/en/games/download-43677-solitaire-garden-escapes/pc

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Tulad ng karamihan sa mga larong puzzle, ang larong ito ay walang tiyak at magarbong diskarte o taktikang dapat buuin upang manalo. Ang kailangan mo lang gawin ay palawakin ang iyong paningin at patalasin ang iyong mga kritikal na kasanayan sa pag-iisip. Ngayon, para sa ilan sa inyong bago pa lamang sa paglalaro ng puzzle game na tulad nito, huwag mag-alala dahil tutulungan at gagabayan kayo ng Laro Reviews upang makabisado nyo ang larong ito.

Ang unang bagay na dapat mong malaman ay ang pattern. Ang pagtukoy sa pattern ay mahalaga sa larong ito dahil maaari itong magbigay sa iyo ng pakinabang. Mayroon lamang dalawang patterns na maaari mong makita, ang pataas at pababang patterns ng mga numero. May mga pagkakataong sa isang tiyak na round, ang mga card ay tila nasa pataas na pagkakasunud-sunod ng patterns. Kapag nalaman mo na ang pattern, subukang gawin ang pinakamahabang streak na posible dahil maaari kang makakuha ng kaunting pera at libreng power up kung magagawa mo ito. Upang makagawa ng isang streak, dapat mong itugma ang mga card nang hindi kumukuha ng mga card mula sa iyong deck. Mag-ipon ng pera para magamit mo ang power ups kung talagang kailangan mo na ang mga ito. Bagama’t ang larong ito ay nagbibigay ng malaking halaga ng pera at mga gantimpala, maaari kang maubusan ng pondo sa kalaunan kung walang ingat mong gagastusin ang mga ito kaya bago ka gumamit ng perk o power up, siguraduhing mayroon ka pa ring sapat na pera para panggastos at siguraduhin ding kailangan mo talaga ang mga ito bago mo bilhin. Ito ay ilan lamang sa mga kaalamang para sa mga baguhan sa laro Maaari kang magbalangkas ng iyong sariling tricks, kung kaya’t paganahin ang iyong utak at pagbutihin ang iyong mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip.

Mga Kalamangan at Kahinaan

Ang personal kong nagustuhan sa larong ito ay ang tampok na mini games nito dahil kung sakaling magsawa ka sa paglalaro sa pangunahing storyline ay maaari ka na lamang lumipat sa mini game nitong jigsaw puzzle. Sa game mode na ito, maglalaro ka pa rin ng solitaire upang makumpleto ang jigsaw puzzle. Ang konsepto ng laro ay talagang nakakatuwa, lalo na ang ideya ng pagtatanim ng mga bulaklak at pag-aani ng mga ito upang kumita ng pera. Nagbibigay ito sa iyo ng isang napapanatiling kita upang patuloy mong ma-enjoy ang laro at hindi mo kailangang mag-alala kung mauubusan ka ng pondo. Ang disenyo ng larong ito ay talagang cute na may vibe tulad ng laro ng Farmville na ginagawang nostalgic ang laro. Sa mga tuntunin ng solitaire gameplay nito, ito ay may mahusay na balanse at hindi rin ito masyadong madali at hindi masyadong mahirap na mas lalong nagpapasaya rito. Ang akumulasyon ng pera ay hindi masyadong mabagal, bagama’t nagbabayad ka para sa bawat level ay madali mong mababawi ang iyong perang ginastos sa pamamagitan lamang ng pagpapanalo sa isang level. Ang chibi bank ay kahanga-hanga rin, ito ay isang bangkong mag-iipon ng iyong pera at ito ay awtomatikong masisira kapag ito ay puno na, ngunit para magamit mo ang tampok na ito, dapat mong bayaran ito ng totoong pera. Walang mga kahinaan sa larong ito dahil naayos na ng mga developer ang isyu ng lags at bugs sa kanilang pinakabagong update.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, ang larong ito ay talagang kamangha-mangha dahil nakakakuha ito ng star rating na 4.6 sa Google Play Store at 4.7 sa App Store. Ang konsepto ng laro ay talagang maganda kaya kung mahilig ka sa pagtatanim ng mga bulaklak at mga larong solitaire, para sa iyo ang larong ito. Sagana din ang rewards dahil makakukuha ka ng pera tuwing aani ka ng iyong bulaklak. Ang larong ito ay talagang produkto ng de-kalidad na pag-iisip kaya kung naghahanap ka ng bago at mapanghamong solitaire na laro, i-download ang Solitaire Garden Escapes ngayon! 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...