Solitaire Tales Review

Kasunod ng tagumpay ng mga larong tulad ng Fairway Solitaire at Solitaire Blitz, ang pyramid genre ng mga solitaire na laro ay muling umani ng katanyagan. Mahigpit ang kompetisyon sa pagitan ng mga developer sa larong ito. Bawat isa ay may kanya-kanyang pakulo upang higit na umangat ang sariling gawa kaysa iba. Gaya na lamang ng mga larong solitaire na makikita natin sa mga gaming stores, samu’t sari ang makikita natin, halos magkakatulad man ang mechanics, nagkakatalo pa rin pagdating sa ganda ng graphics, kalidad ng laro at sa mga game feature.

Isa na nga rito ang larong Solitaire Tales na matagal ng nalalaro ng iba sa atin. Ito ay walang ipinagkaiba sa kung paano laruin ang ibang pyramid solitaire game. Kailangan lamang pindutin ang mga card na isang numerong mas mataas o mas mababa kaysa sa card na nakabukas sa deck.

Sa unang level ng laro, kailangang pindutin ng mga manlalaro ang mga card upang alisin ang mga ito mula sa board sa tuktok ng screen. Ang layunin ay alisin ang lahat ng mga key card, ang mga ito ay may gintong linya paikot sa buong card. Habang pataas nang pataas ang nabubuksan mong game level, may idinagdag ding mga bagong balakid upang higit na subukin ka sa laro. Halimbawa, bibigyan ka lamang ng limitadong cards sa deck at ang tanging paraan para makaalis ka ay ang matagumpay sa level na iyon ay kapag nakolekta mo ang lahat ng mga key card. Ang iba pang mga obstacle na dinadagdag habang patuloy na tumataas ang game level ng manlalaro ay ang pagkakaroon ng mga sapot na na bumabalot sa ilang mga card. Kailangan mong pindutin ang mga ito ng dalawang beses upang maalis ang sapot. 

Bukod pa sa mga nabanggit, mayroon ding naka-time na game level na tila kagaya sa larong Solitaire Blitz. Kailangang matanggal ng mga manlalaro ang malalaking column ng mga baraha sa pamamagitan ng pagsunod sa pangunahing mechanics: ‘ang tanggalin ang mga card na mas mataas o mas mababa ng isang puntos sa nakabukas na card sa deck.’ Upang madagdagan ang time sa laro, kailangang matanggal lahat ng mga card sa itaas ng kulay pulang linya. Ngunit sa ganitong uri ng level, mayroon ding mga Joker card na kayang magtanggal ng kahit anong card sa board at mga key card na nag-a-unlock ng mga karagdagang deck upang makapaglaro ka ng higit sa isang card nang sabay-sabay.

Lahat ng levels sa laro, anuman ang uri ng play mode, ay magbibigay ng gantimpala sa mga manlalaro kagaya ng mga stars, coins, at points sa pagkakataong magtagumpay silang maubos lahat ng cards at makumpleto ang mga nakaatang na task. Ang mga coin ay maaaring gamitin upang bumili ng mga power-up, tulad ng mga karagdagang card sa deck, mga karagdagang Joker card, at iba pa. Ang mga star ay mahalagang maipon nang maramihan upang ma-unlock ang mga karagdagang game levels na hindi mo pa nabubuksan. Kapag lumampas ka na ng level 20, napakahirap ng mabuksan ang mga susunod na game levels kaya kinakailangan ang maraming bilang ng mga stars. Kung hindi sapat ang mayroon ka, maaari mong i-replay ang mga nalagpasang game levels na hindi umabot ng tatlong stars.

Tips para sa beginners:

  • Hanapin ang mga Goal cards. Naiiba sila sa iba pang mga card dahil sila lamang ang may gintong linya na nakapalibot sa buong gilid ng card;
  • Kolektahin ang mga ito upang maipanalo ng mas mabilis ang isang game level;
  • Pindutin ang mga card na may pinakamaraming bilang ng pagkakasunod-sunod;
  • Gamitin lamang ang mga wildcard at Joker sa oras ng pangangailangan;
  • May mga game level na may limitasyon sa oras kaya isaalang-alang din ang bilis sa paglalaro;
  • Hangga’t maaari ay subukang tapusin ang mga laro na may tatlong stars; kakailanganin mo ang mga ito pagkalampas ng Level 20;
  • Pwedeng manood ng ads kapalit ng libreng coins.

Features ng laro:

  • Pambihirang graphics
  • Walang katapusang game levels
  • Unlimited na mga game reward
  • Napakaraming game characters

Saan maaaring ma-download ang laro?

Gamit ang search bar, hanapin lamang ang larong ito sa Google Play Store para sa mga Android user, sa App Store para sa mga iOS user at kailangan pa na i-download ang Android emulator sa  PC para gumana ito. O ‘di naman kaya’y i-click lamang ang mga link sa ibaba:

Download Solitaire Tales on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.Qublix.SolitaireTales

Download Solitaire Tales on iOS https://apps.apple.com/us/app/solitaire-tales-card-game/id862360479

Download Solitaire Tales on PC https://appsplayground.com/solitaire-tales-for-pc/

Pros at cons ng laro:

Ang Laro Reviews ay higit na natutuwa dahil ang larong ito ay hindi lang mayroong pambihirang graphics kundi nagtataglay rin ito ng napakaraming game characters: bawat isa ay nagtataglay ng mga pambihirang kapangyarihan na makakatulong sayo sa laro. Maliban dito, walang hanggan din ang mga level sa laro kaya talaga namang susubukin nito ang iyong abilidad upang malagpasan ang mga mahihirap na obstacle at mga challenge.

Ang Solitaire Tales ay hindi madamot pagdating sa pagbibigay ng mga reward dahil ang mga power-up ay maaaring mabili gamit ang totoong pera kapag naubusan ka na ng mga coins sa laro. Maaari ka ring bumili ng mga karagdagang Joker sa bawat game level. Ngunit ang apat na uri ng power-up ay magagamit lamang sa pamamagitan ng pagbili sa kanila gamit ang totoong pera. Ang kanilang mga kalamangan ay pwedeng i-shuffle ang mga card sa board, i-flip ang lahat ng card ng nakaharap, o kaagad na alisin ang dalawang card mula sa board. Ang bawat power-up na ito ay mabibili sa murang halaga lamang.

Sa kabilang banda, hindi pwedeng kaligtaan ang nakakainis at paulit-ulit na paglabas ng notification sa screen na dapat anyayahan ang mga kaibigan sa Facebook na maglaro o i-like ang Fan Page ng laro. Lumilitaw ang notication na ito pagkatapos ng halos bawat level. Dagdag pa rito, hindi rin maaaring malaro ang Solitaire Tales ng naka-offline kaya upang malaro ito, kinakailangan ng mga manlalaro na maka-connect sa internet. At dahil online lang malalaro ito, asahan niyo na ang sandamakmak na mga ads na maya’t maya ang paglabas sa inyong mga screen.

Konklusyon

Lahat tayo ay nagnanais na makamtan ang kapayapaan at ma-relax ang isip kahit sa ilang sandali lamang. Marami sa atin ang nililibang ang sarili sa pamamagitan ng paglalaro ng mga nakaka-relax na laro sa ating mga mobile device. Isa sa mga subok na at patuloy na namamayagpag sa mundo ng online gaming ay ang mga larong solitaire. Tunay na kinahuhumalingan ito ng marami dahil sa bukod sa madaling laruin, wala rin itong bahid ng kahit anong karahasan na maaaring matutunan ng mga batang manlalaro. Para sa Laro Reviews, ang Solitaire Tales ay  pwedeng isama sa inyong listahan para laruin. Ngunit hindi ang larong ito ang may pinakamagandang kalidad. Katulad ng mga nabanggit sa itaas, marami itong mga kahinaan na tinataglay at nararapat na bigyang pansin ng developer. Kung naghahanap ka ng mga solitaire game, laging tingnan muna ang feature nito bago i-download.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...