Solitaire Tripeaks: Farm Story Review

Kung nalaro mo na ang anumang laro mula sa Harvest Moon franchise o Stardew Valley, alam mo kung gaano kasayang anihin ang iyong mga pananim. Napaka-fulfilling ding makakuha ng mga produkto mula sa mga hayop na iyong inaalagaan. Ito ang dahilan kung bakit gustung-gusto ng maraming mga player ang mga farming game dahil sa kanilang relaxing gameplay. Sa kabila ng pagkakaroon ng salitang farm sa pangalan, ang Solitaire Tripeaks: Farm Story ay hindi tungkol sa pagtatanim at pag-aani ng mga pananim o pag-aalaga ng mga hayop.

Sa larong ito, kailangan mong laruin ang classic solitaire. Naka-set ito sa isang bukid, at maaari mo itong i-upgrade habang umuusad ka sa laro. Kailangan mong kumpletuhin ang bawat stage upang makakuha ng mga resource tulad ng mga coin sa halip na pagsasaka, at dapat mong kolektahin ang lahat ng mga card upang magawa ito.

Maaari kang pumili ng multiple rewards hanggang tatlong beses bago simulan ang laro, ngunit mas lalaki ang halaga nito. Ang card sa ibaba ng iyong screen ang magdidikta kung aling unit ang kokolektahin dahil makukuha mo lang ang card na may simbolong mas mataas o mas mababa kaysa rito. Kung walang natitirang mga card, maaari mong piliin ang wildcard o kumuha ng card mula sa iyong deck. Gamitin ang undo button kung gusto mong ibalik ang mga ito. Ang mga item na ito ay nagkakahalaga ng mga coin kung wala ka nitong extra. Kapag naubusan ka na ng mga card, mayroon kang pagpipiliand tapusin ang laro o kumuha ng lima pang cards. Mawawala sa iyo ang lahat ng iyong progress at mga reward kung pinili mo ang unang option.

Features ng Solitaire Tripeaks: Farm Story 

Solitaire – Ang kaswal na mode kung saan maaari kang maglaro ng classic solitaire sa iba’t ibang levels. Makakaharap mo ang iba’t ibang mga hadlang tulad ng mga bomba at mga kurtinang maari mong matanggal gamit ang mga card.

Farm Time – Nakakatulong ito sa mga player na laruing muli ang mga nakaraang yugto. Ang icon nito ay isang camera, at ang iba’t ibang mga lokasyong maaari mong i-unlock ay nasa mga larawan. Ang mga lugar ay ang Farm, Granary, Henhouse, Tent, Orchard, Beach, at Windmill.

Slot Machine – Gamitin ang raffle ticket para laruin ito. Maaari mong makuha ang mga ito sa card sa mga level at sa Slot Machine. Kakailanganin mong makakuha ng tatlo sa parehong mga item upang makuha ang mga ito at ang mga chip. Ang rank ay ibabatay sa kung gaano karaming mga chip ang iyong nakuha, at ang top placer ay makakukuha ng pinakamataas na reward.

Monopoly – Ang iyong karakter ay lilipat sa isang monopoly board depende sa kung gaano karaming mga numero ang nasa dice. Ang white dice ay nagpapakita ng mga random na numero, habang ang golden dice ay hinahayaan kang pumili ng resulta. Ang bawat tile ay may hoe, seed, tomato, at bonus item. Ang layunin ng larong ito ay paramihan ng mga maaani. Ikaw ay iraranggo batay sa kung gaano karaming mga tomato ang makukuha mo, at makakakuha ka ng reward depende sa iyong ranggo, tulad ng sa Slot Machine.

Harvest Bonus – Gagantimpalaan ka nito ng mga coin bawat dalawang oras.

Cards – Ang mga collectible item sa laro. Ang kanilang mga disenyo ay batay sa mga farm product tulad ng mga prutas, gulay, crop, at iba pa.

Saan pwedeng i-download ang Solitaire Tripeaks: Farm Story?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS user ka, at ilagay ang Solitaire Tripeaks: Farm Story sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying mai-download.

Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:

Download Solitaire Tripeaks: Farm Story on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.farmstory.solitairetripeaks.card

Download Solitaire Tripeaks: Farm Story on iOS https://apps.apple.com/us/app/farm-story-solitaire-tripeaks/id1532005306

Gayunpaman, hindi mo ito malalaro sa iyong PC.

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Narito ang ilan sa mga kapakipakinabang na tip na magagamit mo sa laro.

Laging suriin ang Harvest Bonus.

Gawin ito tuwing dalawang oras para makuha ang iyong mga reward. Ang mga coin na makukuha mo ay magagamit mo kung gusto mong bumili ng mga booster habang naglalaro.

Maglaro sa Farm Time.

Kolektahin ang lahat ng mga star sa bawat yugto. Makakukuha ka ng mga reward gaya ng mga card pack sa tuwing maaabot mo ang isang tiyak na bilang ng mga star.

Gamitin ang props.

Bago simulan ang laro, maaari mo ring gamitin ang mga pre-stage item. Aalisin ng color card ang parehong kulay ng iyong card sa ibaba. Mayroon ding isang item na magbibigay sa iyo ng tatlong cards. Ang hand area ay nakakatulong sa iyong ilipat ang iyong card sa isa pang slot, at maari mo itong ibalik kung kinakailangan. Kung gusto mong alisin ang lahat ng open na cards sa field, gamitin ang blow card.

I-defuse ang bomba.

Idiscard ang card na may bomba sa lalong madaling panahon. Kung hahayaan mong umabot sa zero ang oras, madi-discard ito. Gayunpaman, mawawalan ka ng tatlong cards sa iyong deck.

I-click ang iyong karakter.

Darating ang panahon na makakikita ka ng icon sa itaas ng iyong karakter habang naglalakad. Huwag balewalain ito dahil makukuha mo ang item o coin na iyon kung iki-click mo ito. Siguraduhing gawin ito bago ito mawala.

Pros at Cons ng Solitaire Tripeaks: Farm Story 

Hindi tulad ng ibang mga laro, hindi ka nito pinipilit na i-click ang Play button matapos ang unang tutorial. Nagbibigay ito sa iyo ng higit na kalayaan at mas maraming oras upang pag-aralan ang laro kung ito ang iyong unang pagkakataon. Ang laro ay may relaxing ambience sa bukid na nakakapawi ng pagod na tinambalan pa ng background music at nakakakalmang sound effects. Ito ay isang natatanging card game dahil sa countryside theme nito. Mas masisiyahan ka pa rito kung isusuot mo ang iyong earphone. Kung nauubusan ka ng mga coin, maraming mga mode ang maaari mong laruin para maipon ang mga ito. Ang pinakamagandang bagay tungkol sa larong ito ay maaari mo itong laruin offline.

Walang mga problema o bugs na natagpuan ang Laro Reviews sa laro. Gayunpaman, may mga pagkakataong nag-aalok ito ng mga pack bago at pagkatapos ng laro. Maaari itong maging isang abala, lalo na kung wala kang planong bilhin ang mga ito.

Konklusyon

Ang Solitaire Tripeaks: Farm Story ay maaaring hindi isang farming game kung saan kailangan mong magtanim ng mga crop at anihin ang mga ito, ngunit nagbibigay ito ng farming vibes habang nilalaro ito. Maaari mo pa ring maranasan ang farming mechanics sa ilang mga mode nito, tulad ng sa monopoly. Inirerekomenda ito ng Laro Reviews para sa mga player na gustong maglaro ng solitaire at makaranas ng relaxing na buhay sa probinsya.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...