Sort Water Puzzle – Color Game Review

Ang puzzle game na ito ay maaaring magustuhan ng mga pintor at chemist dahil puro kulay at test tubes ang makikita sa laro. Ang Sort Water Puzzle – Color Game ay binuo ng Sonatgame na kasalukuyan ay mayroong 17 na laro sa Google Play Store. Karamihan sa kanilang mga nabuong laro ay tungkol sa mga puzzle tulad ng Color Ball, Block Puzzle at Hoop Sort Puzzle. Ang larong ito ay may mahigit 10 milyong bese nang nai-install.

Ang Sort Water Puzzle ay binuo noong Hunyo 2021 at isa na sa mga nangunguna sa Play Store para sa kategoryang puzzle na mayroong 4.6 star rating.

Ano ang Layunin ng Laro?

Ang pangunahing layunin ng laro ay punan ng manlalaro ang test tube ng magkakaparehong kulay. Ang asul na watercolor ay mapupunta sa isang test tube na may asul na watercolors habang ang pula ay mapupunta sa isang test tube na may pulang watercolors.

Sort Water Puzzle

Sort Water Puzzle

Paano Simulan ang Paglalaro ng Sort Water Puzzle?

Sa unang tingin sasabihin mo na madali lamang ang larong ito ngunit magiging mahirap sa mga susunod na antas. Kapag nasa mataas ng level, mas magiging kumplikado ang paglilipat ng mga ito.

Sa sandaling i-install at buksan mo ang laro, awtomatiko nitong ibibigay sa iyo ang bahagi ng tutorial o ang unang antas.

Sa una ay magkakaroon lamang ng tatlong tube na kakailanganin mong punan ayon sa kanilang mga kulay. Kakailanganin mo lang i-tap ang isa sa mga tube at punan ang kulay mula sa tube na iyon patungo sa isa pang tube. Mapupuno mo lang kung ang dalawang glass tube ay may parehong kulay tulad ng asul hanggang asul o pink hanggang pink at kung ang mga tube ay mayroon ding sapat o dagdag na espasyo para punan ng mas maraming kulay.

Paano I-download ang Laro

Ang laro ay may size na 303 MB at inaprubahang laruin at i-download para sa edad apat, pataas. Ang tanging in-app purchase nito ay ang No Ads Gameplay.

Ang laro ay pwedeng i-download sa pamamagitan ng Google Play Store at Apple Store. Maari mo itong i-search gamit ang mga search box ng mga game store sa pamamagitan ng pag-type ng Sort Water Puzzle o maaari mong i-click ang mga link sa ibaba:

  • Download Sort Water Puzzle on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=sort.water.puzzle.pour.color.tubes.sorting.game
  • Download Sort Water Puzzle on iOS https://apps.apple.com/us/app/water-sort-puzzle/id1514542157

Paano Gumawa ng Bagong Account sa Larong Sort Water Puzzle – Color Game

Ang laro ay hindi nangangailangan ng anumang uri ng pag-sign in maliban kung gagawa ka ng in-app purchases kung saan kakailanganin mong ibigay ang mga detalye ng iyong account upang maproseso ang order.

Sort Water Puzzle

Sort Water Puzzle

Tips at Tricks Kapag Naglalaro ng Sort Water Puzzle – Color Game

Sa una, madali lang ang laro dahil dalawang test tubes lang ang dapat mong punan. Gayunpaman, habang umuusad ang laro, dadami rin ang bilang ng test tubes at kakailanganin mong itugma ang parehong mga kulay.

Kakailanganin mo munang panoorin ang tutorial upang malaman mo kung paano punuin ng maayos ang mga test tube.

Pag-aralan ang mga test tube at suriin kung aling mga kulay ang papunta sa mga tubes na ito at alin ang hindi. Ang mga maling tugmang kulay ay maaaring maging dahilan ng iyong pagkatalo dahil hindi mapupuno ang mga test tube. Kaya siguraduhing mailalagay mo ang mga tamang kulay sa kanilang mga tubes.

Hindi lahat ng tube ay may mga kulay. Depende sa bilang ng mga tube sa kasalukuyang level, laging may mga walang laman na tubo para makapagsimula ka.

Ang bawat tube ay may lamang iba’t ibang kulay. Gamitin ang mga walang laman na tube upang punan ang tuktok na kulay ng isa sa mga tube upang mailagay mo ang mga tumutugma sa kani-kanilang mga kulay.

Dapat isipan ng estratehiya ang bawat galaw mo. Kailangan mong sanayin ang iyong utak upang gumawa ng tamang hakbang sa bawat level.

Ang pagbuhos ng watercolor ay awtomatiko. Ito ay titigil sa sandaling mapuno ang tubo. Kung ikaw ay na-stuck, maaari kang umulit sa level anumang oras mo gusto at kahit ilang beses mo gusto.

Related Posts:

FNF Music Battle: Rap Shooter Review

Beach Buggy Racing Review

Ang mga Kalamangan at Kahinaan ng Sort Water Puzzle – Color Game

Bawat laro ay may kani-kanyang kapintasan. Ang saya at kasikatan ng bawat laro ay depende sa gameplay at pananaw at presentasyon ng laro.

Ang Sort Water Puzzle – Color Game ay nakakuha ng 4.6 star rating dahil sa maliwanag at makulay nitong graphics. Madaling kontrolin ang laro dahil sa feature nitong one-finger control. Hindi tulad ng ibang laro na kakailanganin mong gamitin ang iyong dalawang kamay o mga daliri kaya pahirapan ang paglalaro.

Marami ang nagsasabing simple at mukhang madali lang ang laro ngunit sisiguraduhin ko sa inyong hahamunin nito ang talas ng pag-iisip dahil sa hindi mga inaasahang kahirapan, lalo’t nakalampas ka na sa mga pinakamadadaling level. Ang laro ay kasiya-siya at isang magandang libangan para sa lahat. Walang kumpetisyon dito; ang kalaban mo ay iyong sarili at ang iyong mga diskarte.

Sort Water Puzzle

Sort Water Puzzle

Ang music background ay hindi sagabal o nakaka-distract para sa mga manlalaro. Pagiging mapayapa at pagkakalma ang dulot nito sa players.

Gayunpaman, ang laro ay maraming ads. Kung ayaw mong maistorbo kapag naglalaro, maaaring piliin ang No ads in app purchase ng laro. May mga tema rin na nagdulot ng pagkalito at pagkagambala sa mga manlalaro dahil sa mga kulay. Minsan ay humahalo ang kulay sa background kaya hindi nakikita o nakakalito ang mga kulay sa loob ng tube.

Nakakalungkot mang sabihin, inalis na ng mga developer ang chiming sound ng tubes na nagpapahiwatig na puno na ang mga ito.

Ang laro ay walang reward system o coins na magagamit para sa pag-upgrade o customization. Walang misyon o gawain na dapat mong tapusin. Ang laro ay paulit-ulit dahil kakailanganin mo lamang isalin-salin ang laman ng mga tubo.

Konklusyon

Ang laro ay para sa mga mahihilig lumutas ng puzzles at subukan ang kanilang utak at mga kasanayan sa diskarte. Ang laro ay natatangi at madaling laruin sa simula ngunit ang mga hamon ay nagiging mas mahirap sa bawat antas. Ang ilang mga manlalaro ay maaaring magsawa rito dahil sa paulit-ulit na gameplay, ngunit ang ilan ay tiyak matutuwa at ma-eexcite dahil ito ay nangangailangan ng madiskarteng kasanayan sa pag-uuri.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...