Soul of Eden Review

Soul of Eden – Bukod sa Clash of Clans, Clash Royale ang isa pang laro na pumatok mula sa Supercell. Sa sobrang sikat ng Clash Royale, maraming game developers ang sumubok na gayahin ang formula at mechanics ng larong ito. Subalit, marami sa kanila ang hindi nagtagumpay dahil laging pumapasok sa isip ng mga manlalaro na mas mabuti pang laruin nila ang Clash Royale kaysa magtiyaga sa mga kopya nito. 

Para magtagumpay ang isang developer sa ganitong genre, kailangan nilang masagot ang tanong na ano ang kinaiba ng kanilang laro sa genre na mismong Clash Royale ang bumuo. Kung hindi man, dapat maging isa silang alternatibo sa Clash Royale. Bumuo ang game developer na Rayark ng isang larong gaya nito at ang larong ito ay ang app. Rayark din ang gumawa sa mga patok na mobile games na Cytus at DEEMO. 

Tatalakayin natin ngayon sa Laro Reviews kung karapat-dapat bang pumalit ang Soul of Eden sa Clash Royale o maging alternatibo man lang. 

Soul of Eden - Laro Reviews

Soul of Eden – Laro Reviews

Soul of Eden

Ang Soul of Eden ay isang player vs. player strategy game na kumbinasyon ng strategy, card, at Multiplayer Online Battle Arena (MOBA) games. Ang mga laban sa game ay tumatagal ng apat na minuto. Gaya ng Clash Royale, maglalapag ka ng troops sa isang battlefield at kailangan mong mawasak ang mga istruktura ng kalaban sa larong ito. 

Sa istorya ng Soul of Eden, may isang planeta kung saan hindi matigil ang mga digmaan dahil sa iba’t ibang dahilan. Ang mga kaluluwa ng mga nakisali sa digmaang ito ay hindi nawala. Bagkus, ang mga ito ay na-summoned sa Eden Coliseum. Bilang manlalaro, kailangan mong makipaglaban upang matapos na ang digmaang ito. 

Game features 

May apat na factions sa Soul of Eden na maaari mong pagpilian. Ang factions na ito ay ang Republic, Aliens, Empire, at Beasts. Bawat isang faction sa larong ito ay may kanya-kanyang katangian. 

Halimbawa, ang cards mula sa Republic ay magaling pagdating sa long-range combat. Ang units mula sa faction na ito ay gumagamit ng mga armas na may mataas na firepower. 

Sa kabilang banda, ang cards mula sa faction na Aliens ay may pinakanakakatakot na paraan sa pagpuksa ng kalaban. Maaari nilang ubusin ang dugo ng kaaway, pahinain ang kanilang katawan, o hayaang mabulok ang mga ito bago pagpiyestahan. 

Kung gusto mo naman ng isang faction na magaling sa close-range combat, ang Beasts ang para sa’yo. Natural na malakas ang Beasts at dahil sa kanilang healing powers, kaya nilang makipagbakbakan sa kalaban sa loob ng mahabang oras. 

Soul of Eden - Laro Reviews

Soul of Eden – Laro Reviews

Ang Empire naman ay isang faction sa app na sanay sa pakikipaglaban. Ang mga sundalo sa faction na ito ay may magandang koordinasyon at proteksyon mula sa magic na mas lalong nagpapalakas sa kanilang mga atake. 

Ang bawat faction sa Soul of Eden ay may isang guardian. Ang mga guardian na ito ay may skills na pumupuksa ng kalaban. Marami ring game modes ang app. Ang mga ito ay ang Battlefield, Playground, o Friendly Matches. Sa lahat ng game modes sa Soul of Eden, ang Playground ang may pinakamaraming variants. 

Saan maaaring i-download ang Soul of Eden

Gamitin ang sumusunod na links mula sa Laro Reviews upang mai-download ang laro.

Download on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.rayark.rush

Download on iOS https://apps.apple.com/sg/app/soul-of-eden/id1046770387

Tips at Tricks para sa Soul of Eden 

Kung gusto mong manalo palagi sa Soul of Eden, kailangan mong makabisado ang mga cards hanggang sa iyong makakaya. Dapat na nakatuon ang focus mo sa iyong deck at kung maa-unlock mo na ang ibang factions, mas madali na lang para sa iyo ang pagbuo ng deck. Oo, maraming cards sa Soul of Eden. Kung hindi mo kayang kabisaduhin ang iyong deck, dapat mong malaman ang lakas at kahinaan ng bawat faction kahit papaano. 

Maraming rewards sa Soul of Eden. Mahalaga na makapag-unlock ka ng bagong cards at factions sa larong ito. Ngunit, hindi mo dapat maliitin ang duplicate cards. Kapag nagkaroon ka ng ilang kopya ng isang card, maaari mo itong gamitin upang mapalakas lalo ang orihinal mong card. Kapag tumaas na ang level ng iyong card, mas maraming duplicate cards ang kinakailangan upang mai-level up mo ito. 

Related Posts:

Clash of Lords: Guild Castle Review

Vikings: War of Clans strategy review

Soul of Eden - Laro Reviews

Soul of Eden – Laro Reviews

Hindi gaya ng ibang card collecting game, may mga Guardian ang bawat faction sa larong ito. Ang mga Guardian sa app ay may unique skills kaya hindi mo dapat kalimutang gamitin ang mga ito kapag nasa battlefield. 

Pros at Cons ng Soul of Eden 

May mga nakuhang katangian ang Soul of Eden sa Clash Royale. Pagdating sa graphics, may unique na art style ang Soul of Eden at halata mo ang impluwensya ng Rayark sa paggawa nito ng graphics. Ang kaibahan rin ng app sa Clash Royale ay ang pacing ng laro. May pagkamabagal ang usad ng laban sa Clash Royale pero mas mabilis naman sa Soul of Eden. 

Ang isa pang unique na katangian ng Soul of Eden sa ibang laro na kaparehas ng Clash Royale ay ang spread summon system nito. Sa Soul of Eden, maaari mong i-summon ang iyong units sa magkakaibang hanay. Dahil sa spread summon system ng Soul of Eden, maraming pwedeng mangyari sa bawat laban at nababawasan ang pagiging predictable nito. 

Isang unique feature rin ng laro ang pagpili mo ng faction na gagamitin para sa iyong mga card. Hindi ito gaya ng Clash Royale o ng iba pang card collecting games na may piling card ka lang na pwedeng ilapag sa battlefield. Sa kabila ng mga innovation sa larong ito, ang tanong ay nananatiling “sapat ba ito upang mapalitan ang Clash Royale?”

Nakakalungkot man, pero ang sagot dito ay hindi. May ilang laro gaya ng Gears Pop, AoS War First, at iba pang card collecting games na halos pareho ang mechanics sa Clash Royale. Gaya ng Soul of Eden. May unique features din ang larong ito pero hindi ito sapat upang mapalitan ang orihinal na laro. 

Konklusyon 

Hindi man malalampasan ng Soul of Eden ang Clash Royale, maganda pa rin itong subukan. Kung gusto mo ng alternatibong card collecting game, maganda ang Soul of Eden dahil hindi naman ito 100% na  kinopya ang Clash Royale. Sa halip, nagbigay ito ng bagong pakulo sa mechanics ng mga laro na nabibilang sa ganitong genre. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...