
Ang Stacky Bird: Fun Egg Dash Game ay ginawa ng mga developer ng Kooapps Games | Fun Arcade at Casual Action Games. Ang Stacky Bird ay isang well-stacked obstacle game kung saan kailangan mong maabot ang finish line para makumpleto ang level at manalo sa laro. Dapat mong mag-stack ng maraming mga bloke upang makalampas sa mga hadlang, ngunit huwag mag-stack ng masyadong marami, kung hindi, maaari mo itong ikatalo sa laro. Mas marami kang haharaping pagsubok na siguradong susubok sa iyong kakayahan. Maaari kang maglaro ng mga mini-game at galugarin pa ang mundo ng Stacky Bird. Kapag nakumpleto mo ang isang level, makakakuha ka ng mga coin na maaari mong gamitin upang bumili ng mga bagong ibon! Ngayon na ang oras upang maglaro at tingnan natin kung maaabot mo ba ang hanggang dulo.
Ano ang layunin ng laro?
Ang layunin ng laro ay tapusin ang karera upang manalo sa level. Dapat mong mag-stack ng mga bloke upang maabot ang finish line. Kapag nakumpleto mo ang isang level ay gagantimpalaan ka nito ng mga coin, na magagamit mo upang makakuha ng mga bagong ibon at maaari mong kolektahin ang mga ito nang paisa-isa! Maaari kang magtakda ng ilang layunin para sa larong ito o magtakda para sa iyong sarili sa sandaling magsimula ka nang maglaro. Good luck at magsaya sa iyong kamangha-manghang paglalakbay!
Paano ito laruin?
Sa artikulong ito, bibigyan ka namin ng maikling pangkalahatang ideya ng laro, at kabilang dito ang mga feature, gameplay, at mga kontrol na dapat mong matutunan bago ka sumabak sa laro. Sa kabutihang palad, gagawin ng Laro Reviews ang lahat para gawing simple at maunawaan mo nang mabilis. Dito ay gagabayan ka namin sa iyong paglalaro. Kaya magsimula na tayo sa mga kontrol ng laro. Ang mga kontrol ng laro ay talagang basic. I-hold mo lamang ang screen upang mag-stack ng mga bloke, at ayun! Tapos ka na! Siyempre, ang buhay ay hindi magiging kasing dali ng iyong inaakala. Kailangan mong dumaan sa mga pagsubok at lampasan ang mga ito.
Ang pangunahing konsepto ng laro ay mag-stack upang malampasan ang mga harang. Ngunit huwag mag-pile ng masyadong mataas at baka may matamaan ka. Ang pagdaan sa mga hadlang ay magiging sanhi ng pagharang sa iyong mga bloke, na mangangailangan sa iyong mag-stack nang higit pa upang makalampas sa susunod. Kaya tiyaking mas mataas ka kaysa sa hadlang sa harap mo kung hindi ay tiyak na matatalo ka. Hindi ba’t napaka-basic ng ideya ng laro? Marami itong masasaya at mapanghamong mga level na may mga simpleng kontrol at gameplay. Tandaan na mayroon ka lamang isang layunin at ito ay upang maabot ang finish line at pagtagumpayan ang mga hadlang. Iyon lamang. Maaari kang magsimula kaagad pagkatapos i-download at i-install ang app na ito sa iyong device.
Paano i-download ang laro?
Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Stacky Bird: Fun Egg Dash Game sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 9.0. Maaari mo na itong subukang laruin ngayon!
Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:
Download Stacky Bird: Fun Egg Dash Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.kooapps.stackybirdandroid
Download Stacky Bird: Fun Egg Dash Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/stacky-bird-fun-no-wifi-games/id1499304256
Download Stacky Bird: Fun Egg Dash Game on PC https://www.bluestacks.com/apps/casual/stacky-bird-on-pc.html
Hakbang sa Paggawa ng Account sa Stacky Bird: Fun Egg Dash Game
- Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
- Hanapin ang bersyon ng Stacky Bird: Fun Egg Dash Game. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
- Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na mase-save ang progress sa laro.
- Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Stacky Bird: Fun Egg Dash Game!
Tips at Tricks sa Paglalaro ng Stacky Bird: Fun Egg Dash Game
Tutulungan ka ng mga tip na ito sa mga unang level ng laro. Ituturo namin sa iyo ang mga pangunahing pamamaraang kakailanganin mo at tutulungan kang mapabuti habang nagpapatuloy ka. Siyempre, ito ay mga pangunahing kaalaman lamang, at makakakuha ka ng higit na karanasan kung lalaruin mo ang laro sa loob ng mahabang oras.
- Ikaw ay mag-focus. Tutulungan ka ng konsentrasyon na i-maximize ang performance mo sa laro. Maaari kang umaksyon nang mabilis at siguradong malalampasan mo ang mga hadlang.
- Iwasan ang pag-stack nang sobra. Oo, ito ay makakatulong sa iyong malampasan ang mas mabababang mga hadlang, ngunit may mga pagkakataon ding makakabangga ka sa mga hadlang na nasa itaas.
- Mag-relax at magsaya habang naglalaro. Ito ay magiging kasiya-siya at magpahinga ka kahit saglit. Tutulungan ka nitong sipagin sa paglalaro.
- Maging mabilis at mahusay. Kapag nag-i-stack ng mga bloke, maging mabilis at maingat na huwag i-stack ang mga ito nang masyadong mataas o masyadong mababa. Habang bumababa ang iyong stack, maaari mong samantalahin ang pagkakataong mag-stack ng bloke upang hindi matalo.
Pros at Cons sa paglalaro ng Stacky Bird: Fun Egg Dash Game
Dito ibabahagi namin ang ilan sa aming mga karanasan sa paglalaro. Ang Laro Reviews ay masayang gagabay sa iyo sa pagpapasya kung susubukan ang larong ito o hindi. Samakatuwid, magsimula tayo sa mga feature nito. Sa totoo lang, ito ay sobrang simple at direkta. Ang lahat ng mga pangunahing elemento ay maa-access sa home screen, at ang mga ito ay mainam na nakaayos sa mga display at hindi nakakalito sa lahat. Mukha silang cute at magagandang parang pambata at may makukulay na background. Hindi ito masyadong pinalamutian o puno ng mga icon. Para sa isang simpleng larong tulad nito, ito ay isang plus para sa amin.
Ang gameplay, tulad ng nakikita mo, ay simpleng may mga intuitive na kontrol. Kailangan mo lamang mag-tap, at tataas na ang iyong stack. Ang bawat pag-tap ay nagdaragdag ng isang ibon. Walang magiging problema kahit na ang laro ay walang tutorial, dahil gayunpaman, hindi na ito kailangan sa sobrang dali lamang nito. Maaari mo talagang matutunan ang lahat nang mag-isa nang hindi nangangailangan ng tutorial. Ito ay isang magandang time-killer app at isang magandang ehersisyo para sa iyong mga daliri. Ito ay nakapagpapasigla at nakakahumaling.
Ang laro ay mayroong pa ring mga kakulangang dapat mong malaman. Alam nating lahat na ang mga advertisement ay isa sa mga pinakamadalas na naiulat na negatibong aspeto ng isang laro. Sa tuwing matatapos ang level, magkakaroon ng advertisement. Ang ilan ay maaaring i-skip, ngunit ang ilan ay hindi. Nakakainis na minsan ay dinidirekta ka nito sa app store para mag-download ng isang bagay at kailangan mong patuloy na pindutin ang back button para bumalik sa laro. Mabuti sana kung hindi ito masyadong marami at hindi sa lahat ng pagkakataon. Maliban doon, ang laro ay medyo katulad ng ibang mga laro at walang originality. Gayunpaman, ito ay masaya pa rin, ngunit kung ang lahat ay katulad lamang sa iba, dapat nilang panatilihin ang performance nito upang magbigay ng isang mahusay na karanasan sa gameplay para sa lahat.
Konklusyon
Ang laro ay tunay na nakakaaliw at nakakahumaling. Ito ay nag-aalok ng kasiyahan para sa lahat ng mga manlalaro. Ang larong ito ay para sa iyo kung kaya mong pagtiyagaan ang panonood ng mga advertisement sa bawat level. Ang gameplay ay mahirap ngunit simple at hindi kumplikado. Ang larong ito ay inirerekomenda para sa mga manlalarong gustong subukan ito!
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- July 22, 2022