Starve: Pocket Edition Review

Si Wilson ay isang scientist. Bukod sa kanyang mga akdang siyentipiko, regular siyang nakikilahok sa mga ekspedisyon sa mga bagong lugar. Isang beses, hindi sinasadyang naligaw siya sa kagubatan. Ang tanawin dito ay masyadong madilim, at tila walang paraan upang makabalik siya sa kanyang pinanggalingan. Siya ay nahaharap sa mga problema tulad ng masamang lagay ng panahon, kakulangan sa pagkain at malapit sa panganib. Ano ang gagawin ni Wilson upang mabuhay hanggang sa matagpuan niya ang kanyang daan pauwi? Samahan ang Laro Reviews at alamin ang mga handog sa atin ng Starve: Pocket Edition. Alamin natin sa Laro Reviews.

Ang Starve: Pocket Edition

Maglaro sa katauhan ni Wilson, isang matapang na scientist na na-stranded at napunta sa isang misteryosong kagubatan. Dapat matutunan ni Wilson na gamitin ang mga bagay na matatagpuan sa kanyang kapaligiran at makakuha ng tulong sa mga naninirahan dito kung sakaling umaasa siyang makatakas at mahanap pa ang kanyang daan pabalik.

Starve: Pocket Edition Review

Ang mga Tampok

Ang laro ay may mga karakter na may iba’t ibang kwento ng buhay, kakayahan, at tungkulin. Mayroon ding mga nakakatakot na nilalang na aatake sa iyo habang sumusulong ka sa laro. Makakakuha ka rin ng mga reward o currency na tutulong sa iyo sa pagbuo at pag-upgrade ng mga item para sa iyong kaligtasan. Samantala, hindi nakapagtataka kung mahumaling ka sa kwento at mga mode ng laro.

Dahil ang laro ay naisip bilang isang kakaibang eksperimento, ang pangunahing layunin ng Klei Entertainment ay mabago ang mga tuntunin ng gameplay at aesthetics, partikular sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isang layer ng characterization at mga tema. Ang isa pang impluwensya ng laro ay galing sa 2005 NDS Lost in Blue, na naglalaman ng mga katulad na supernatural na elemento at isang araw/gabi na sistema ng laro.

Ang Gameplay

Ang Pocket Edition ay magdadala sa iyo sa isang mundo, kung saan ang mga kondisyon ay malupit at mayroong mga panganib na maaaring pumatay sa iyo anumang sandali. Ang iyong layunin ay tulungan si Wilson na panatilihing matatag at malakas ang kalusugan at pag-iisip. Upang gawin ito, libutin ang mapa upang maghanap ng mga mapagkukunan ng pagkain at tubig. Kailangan din ni Wilson ang ilang kagamitan tulad ng damit o kumot upang mapanatiling mainit ang kanyang katawan, at mga sandata para protektahan ang kanyang sarili laban sa mga halimaw na nakatago sa dilim.

Ang kadiliman ang iyong pangunahing kalaban dahil hindi mo alam kung ano ang nilalaman nito. Kaya, subukang kumuha ng panggatong at gumawa ng apoy bago bumagsak ang kadiliman. Ang mga armas ay bahagi ng kung paano mo mapoprotektahan ang iyong sarili, ngunit ang apoy ay isang ilaw at tumutulong sa iyong makita ang mga panganib habang papalapit ang mga ito.

Maraming mga halimaw sa laro. Karaniwan silang lumilitaw sa gabi. Maaari kang tumakas mula sa kanila, ngunit sa ilang mga espesyal na halimaw o Boss, halos imposibleng makatakas sa mga ito. Sa ganitong pangyayari, kailangan mong kumilos at gumawa ng ilang mga taktika upang mabuhay.

Starve: Pocket Edition Review

I-download ang Don’t Starve: Pocket Edition

Sa pangkalahatan, ang mobile na bersyon ng Don’t Starve: Pocket Edition ay maraming pagkakatulad sa nauna, ngunit syempre, mayroon din itong mga kinakailangang pagbabago upang maging iba naman ang magiging karanasan ng mga manlalaro. Kaya kung fan ka ng mga larong survival, ang Don’t Starve Pocket Edition ay inirerekomenda ng Laro Reviews bilang isa sa mga pinakamagandang laro para sa iyo.

  • Download Don’t Starve: Pocket Edition on Android
  • Download Don’t Starve: Pocket Edition on iOS
  • Download Don’t Starve: Pocket Edition on PC

Tips

Kunin ang mga kahoy na makikita pati na rin ilang bato mula sa lupa hanggang sa makalikom ka ng sapat na dami nito at gumawa ng sandata. Mamulot din ng sapat na damo at putulin ang mga puno upang makakuha ng sapat na mga panggatong at makagawa ng apoy. Gayundin, kumuha ng mga prutas at gulay kapag nakita mo ang mga ito. I-drag lang ang mga gulay sa apoy upang makagawa ng isang mainit na pagkain.

Kapag naglalakbay, maghanap ng magagandang lugar para maging kampo. Ito ay dapat mayroong mga puno at mga bato na makakatulong sa iyo na makagawa pa ng mga pang proteksyon. Kapag sumapit na ang takipsilim, humanap ng magandang campsite, gumawa ng apoy, at panatilihing naiilawan gamit ang mga panggatong.

Gamit ang isang scientific machine, makakabuo ka ng mga mas kumplikado at kawili-wiling mga item. Kakailanganin mo ng ilang ginto para gawin ito, kaya gamitin ang iyong axe sa paghahanap ng mga nugget. Kapag nakabuo ka na nito, makakagawa ka na ng mga madaling gamiting mga bagay tulad ng isang backpack na tutulungan kang magbitbit ng maraming bagay, at isang pala na tutulong sa iyo sa paghuhukay.

Kung napadpad ka sa isang brick na daanan, sundan lamang ito dahil palaging papunta ito sa mga lugar na kawili-wili tulad ng isang baboy village kung saan maaari mong gawing bodyguard ang mga baboy at farm plots. Sa kalaunan, kakailanganin mong manirahan sa isang permanenteng base. Kailangan mong galugarin ang lupain at maghanap ng mga kawili-wiling lugar.

Ang Pros

Kabilang sa mga bentahe ng Don’t Starve: Pocket Edition ay ang pagkakaroon ng madaling gamitin na mga organizational feature na nagpapadali sa pag-unawa sa laro para sa parehong mga baguhan sa genre na ito at mga mahuhusay na manlalaro. Bilang karagdagan, ang larong ito ay isang magandang pamatay oras dahil sa lubos na pinagsamang mga katangian nito. 

Talaga namang binibigyang pansin ng mga developer ang kalidad ng graphics na detalyadong nagpapakita ng mga flora, fauna at mga hindi inaasahang sitwasyon sa mundo ng laro na nagpapalakas sa imahinasyon ng gamers. Sa paraang ito, hindi ka hahayaang magsawa sa paglalaro.

Starve: Pocket Edition Review

Ang Cons

Ang paggalaw, pagkilos, mga item, at pagkontrol sa UI ay hindi masyadong nagawa ng maayos para sa pag pindot gamit ang ibang device, at para sa mga screen na may laki ng smartphone ay maselan ito at hindi rin tumpak kung minsan. Sa pangkalahatan, ito ay nakakadismayang gamitin. Mababa lang din ang kalidad ng resolution ng laro dahilan kung bakit ito’y hindi nagustuhan ng ibang mga manlalaro. Ito ay marahil dahil sa mga limitasyon ng Windows at graphics engine.

Konklusyon

Ang larong ito ay magtuturo sa iyo na magplano ng maigi para sa mga pagbabago at sa mga problema na maaaring dumating. Ito ay magtuturo rin sa iyo kung paano makatipid at gumastos, at kung paano samantalahin ang kapaligiran sa isang malusog at kapaki-pakinabang na paraan. Siguradong akong gugustuhin mong paggugulan ng oras at laruin ito nang paulit-ulit.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...