State of Survival: The Joker Collaboration Review

Anim na buwan na ang nakalipas mula nang magsimula ang zombie apocalypse. Ang virus ay kumalat na sa buong bayan. Anim na buwang kaguluhan, takot, pagsisikap mabuhay, at pakikipaglaban sa mga zombie. Isa ka sa mga survivor at ang mga kaibigan mo ay nakikipaglaban sa mga monster nang buong tapang. Lumikha ng isang lungsod na kayang mapagtagumpayan ang tuluy-tuloy na pagdagsa ng mga zombie. Maligayang pagdating sa mundo ng State of Survival: The Joker Collaboration! Ihanda ang sarili sa isang tactical survival game sa pamamagitan ng pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong itong mula sa Laro Reviews 

Ang zombie apocalypse ay sinira ang buong bansa at sinusubukang burahin ang sangkatauhan. Dahil ang gobyerno at militar ay nawawala na, ito ay naging isang sitwasyon ng survival. Halos ang buong mundo ay naging para sa mga infected na lang. Ito na ang panahon para bumuo ng isang lungsod na may planong makaligtas sa mga monster at zombies. Ang virus ay mabilis na kumakalat at ang mga tao ay desperadong makahanap ng tagapagligtas! Kailangan ang mga survivor dahil ang tanging target ay ang makaligtas.

State of Survival - Laro Reviews

State of Survival – Laro Reviews

Misyon sa State of Survival: The Joker Collaboration

Gawin ang lahat upang manatiling buhay sa matinding labanan. Hindi magiging madali ang laban. Ang virus ay nasa paligid lang at lumalaban sa hukbo ng mga zombie. Ang resources ay limitado kaya dapat na i-recycle ang mga bagay na maaaring ma-recycle. Upang manatiling buhay sa MMORPG na ito, kailangang bumuo ng isang bagong bayan, grupo at pamamaraan. Maging isang zombie warrior! Ito ay panahon ng survival.

May isang kakaibang mundo rito. Isang kakaibang multiplayer shooting at survival game! Bumuo ng mga diskarte at sariling alamat. Sa kabuuan ng tactical survival game na ito, maaaring magtanim ng bomba at bumaril ng mga zombie. Hindi lang pagbaril ang kailangang gawin, dapat ding bumuo ng PVP troops! Salakayin ang mga zombie, tapusin ang paghihirap at mabuhay upang magpatuloy sa pakikipaglaban sa mga susunod na araw. Hindi ito katulad ng iba pang mga survival game na nalaro mo na.

Kahit na ito ay isang zombie tactical game, hindi lang dito nakatuon ang disenyo ng laro. Sa State of Survival: The Joker Collaboration, ang misyon ay makapagtayo, mapalago, at magpatuloy sa pagpapaunlad ng tirahan at pagpapalakas ng hukbo. Dito ay hindi lang sa gusto mo silang lumaban sa mga zombie kundi ang maging pinakamalakas at magagawa ito kung mayroon kang matatag na base at hukbo. Ang pakikipaglaban at pagdepensa mula sa ibang manlalaro ay isang mahalagang elemento ng laro. Sa larong ito, maaaring humanap ng malakas na koneksyon upang matulungan ka sa progreso sa laro. Makasisigurong ang malalakas na grupo ay maipagtatanggol ka kung kabilang ka sa kanilang alyansa.

Pag-download ng this app

Simulan ang adventure at i-download ang State of Survival: The Joker Collaboration sa iyong smartphone mula sa online play store. Para maglaro sa Android devices, i-download itong direkta sa Google Play Store. Upang malaro ito sa iOS device, i-download ito mula sa App Store. Para ma-enjoy ang paglalaro nito sa widescreen ng PC, i-download ang laro gamit ang isang emulator.

Maaaring i-download ang laro rito:

  • Download State of Survival: The Joker Collaboration on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.kingsgroup.sos
  • Download State of Survival: The Joker Collaboration on iOS https://apps.apple.com/us/app/state-of-survival-the-joker/id1452474937
  • Download State of Survival: The Joker Collaboration on PC https://www.bluestacks.com/apps/strategy/state-of-survival-on-pc.html
State of Survival - Laro Reviews

State of Survival – Laro Reviews

Dagdag-kaalaman sa State of Survival: The Joker Collaboration

Ang larong ito ay maaaring laruing auto-battled, ngunit ang manual na paglalaro ay makapagbibigay ng mas magandang resulta. Sa kabuuan ng laro, subukang gumamit ng higher-levels na nagbibigay ng mas magandang resulta at iwanan na ang lower-levels para sa auto-battle function.

Ang pagsapi sa alyansa ay kritikal na bahagi ng larong State of Survival: The Joker Collaboration. Ito ay nagbibigay ng napakaraming pakinabang at makatutulong na mapabilis ang progreso sa laro. Sa pagbuo ng alyansa, ang unang dapat gawin ay iayos ang iyong Alliance Relocator. Magagamit ito para mailipat ang outpost malapit sa Alliance Region.

Kahit hindi ito mukhang malaking bagay sa mga baguhan, pagsapit sa Stage 12, maaaring matalo ng ibang mga alyansa na naghihintay sa mahihinang manlalaro. Ang mga alyansa ay lubhang kapaki-pakinabang pagdating sa pagkuha ng mga bonus. Nagpapahintulot din ito na magawa ang mga pinaka-enjoyable na parte ng laro kasama na ang pagsali sa seasonal at daily activities sa nag-iibang World Map at pagtangkang mawasak ang kuta ng mga kalaban kasama ang bagong kakampi.

Kailangang magkaroon ng malakas na hukbo at magandang body armor para sa commander dahil ang mga ito ay makatutulong sa iyong hukbo. Pagdating sa resources, ang mga bagay na ito ay mahal at kailangang makakumpleto ng maraming pakikipagsapalaran upang matalo ang mga specialized bosses.

Sa pag-angat ng level, lalago ang imbentaryo at kasama na rito ang lumalaking bilang ng resources. Inirerekomenda ng Laro Reviews na iwasang gamitin ang mga ito kung hindi kailangan. Hindi ito mananakaw kahit pa mapasok ng mga kaaway, na isang magandang advantage ng laro. 

Related Posts:

Rise of Kingdoms: Lost Crusade Review

Sonic Runners Adventure Review

State of Survival - Laro Reviews

State of Survival – Laro Reviews

Pros at Cons ng Laro

Pagkatapos makapagpadala ng hukbo sa labanan, ang laro ay parang nagiging paulit-ulit na lang. Upang malabanan ito, ang developer ng laro ay naglagay ng karagdagang features na walang kinalaman sa pagbuo o mga operasyon ng special forces.

Ang ilang mga yunit sa laro ay angkop para sa pakikipaglaban sa iba’t ibang hukbong nasa mapa at ang iba naman ay angkop sa mga PvP battle.

Ang isa pang natatanging feature ng State of Survival: The Joker Collaboration na karagdagan sa regular multiplayer at base-building features nito ay ang pagkakaroon nito ng single-player gameplay na gumagamit ng kakaibang hero na mapapalabas sa iba’t ibang paraan.

Ang State of Survival: The Joker Collaboration ay isang pay-to-win na laro na hindi naman masama. Maaaring hindi magbayad at magtiyagang maghintay o kaya naman ay magbayad. Kung pipiliin ang pagbabayad ay ok din naman. Ito ay masayang laruin at may lalim din. Upang magtagumpay sa laro, kailangan ng sapat na effort, technique, at kasama na ang perang pambayad. Angkop ang larong ito sa mga manlalarong naghahanap ng kakaibang smartphone game.

Konklusyon

Ang State of Survival: The Joker Collaboration ay isang strategy at anticipation-based game. Ang laro ay ipinakilala bilang isa sa pinakamagagandang zombie-based tactical games ngayon. Ang gameplay nito ay may pagkakumplikado na may advanced techniques kasama na ang paggamit ng mga kakayahan ng commander sa economic growth competence tree habang sinusubukang mag-grind gamit ang restart token.

Katulad ng karamihan sa strategy-based games, ito ay may complex gameplay at nangangailangan ng panahon bago masanay dito. May option na laruin ito bilang play-to-win o laruin ng libre ngunit mas matagal ang progreso. Kung mahaba ang pasensya o may sapat na badyet para sa paglalaro, maaaring subukan ang masayang larong ito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...