Stickman Archer Online Review

Ang Stickman Archer Online ay isang action PvP combat game kung saan makikipaglaban ka sa iba pang mga stickmen upang mapatunayan kung sino ang pinakamagaling. Makipagsapalaran sa mundo ng mga Stickman at hanapin ang lahat ng easter eggs. Gumamit ng iba’t ibang bows at arrows upang mas mapaganda ang bawat laro sa bawat pakikipaglaban. Kunin ang titulo at ipakita ang galing bilang isang archer.

Palakasin ang iyong shield, quiver, arrows, at bow. Buksan ang mga libreng dagdag na arrows, gayundin ang mga bagong abilidad at effects. I-personalize ang iyong stickman at lagyan ng iba’t ibang animations, beards, hairstyles, masks, at hats. Mga hat na magbibigay sa kanya ng one-of-a-kind looks. Maglagay ng mga sticker sa stickman’s flag. Magsimulang lumikha ng sariling bowman at ipakita kung paano ito gawin.

Ang Stickman games ay mayroong sizable market sa loob ng mas malawak na infinite digital flash games, kung saan sila ay nakagawa ng pangalan. Ang website na ito ay may sapat na impormasyon kung paano nagsimula ang stickman. Kahit na marami ang umiba na ng landas pagkatapos ng inception, isa pa rin itong masaya at nakakawiling paraan upang ubusin ang sobrang oras. Pagkatapos ng maraming taon at maraming fans na sumusubaybay sa videos online kasama na ang effortlessly computer-animated stickman, marami ang napapatay sa magkakaibang aspeto. Ang mga manlalarong naiintindihan ang pagkakagawa nito ay mas maa-appreciate ang Stickman Archer Online.

Features ng Stickman Archer Online 

Ang Stickman Archer Online ay may mataas na kalidad ng graphics, malawak na pagpipilian ng mga mapa, simpleng online combat, magandang animation, at mga real-world action. Upang mas mapaganda ang karanasan sa paglalaro, pinapayagan ng larong mag-level up at palakasin ang kanilang stickman sa pamamagitan ng iba’t ibang bows at arrows. Ang stickman ay maaaring i-customize.

Layunin sa Stickman Archer Online 

Ang Stickman Archer Online ay isang traditional stickman game kung saan makikipaglaban ka nang walang katapusan gamit ang mapanganib na archery. Papagalawin ang isang Stickman na mahilig magpakita ng kanyang kasanayan sa archery at makikipaglaban sa pulutong ng iba pang mga stickman at susubukang mapatay sila sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagpana. Ang mga kontrol ay simple: i-drag ang bow, itarget gamit ang mouse at simulang i-release ito upang makatira.

Pag-Download ng Stickman Archer Online 

Maaaring i-download ang Stickman Archer Online nang direkta sa Google Play Store para sa Android devices o App Store naman para sa iOS devices. Upang makapaglaro sa PC, gumamit ng emulator para mai-download ang laro.

Maaaring i-download ang laro rito:

Download Stickman Archer Online game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.byril.stickmanarcher

Download Stickman Archer Online game on iOS https://apps.apple.com/au/app/stickman-archer-online/id1295759006

Download Stickman Archer Online game on PC https://www.bluestacks.com/apps/action/stickman-archer-online-on-pc.html

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Stickman Archer Online 

Ang Headshots ay may mas malaking bayad at makakapatay ng kalaban sa isang shot lang. Ang body shots ay nangangailangan ng dalawang shots at mas mababa ang bayad kaya dapat asintahing mabuti. Sa tuwing aabante sa laro at makakapatay ng maraming stickmen, ang system ay babaguhin ang lokasyon at ipakikita ito nang random upang iwanan kang nanghuhula at mapipilitan kang i-adjust muli ang target mo. Iminumungkahi ng Laro Reviews na magkaroon ka ng mas maraming hanay sa laro sa pamamagitan ng pag-unlock ng iba’t ibang karakter at level styles gamit ang kinita.

Tinutulungan ka ng larong magtipon ng marami at iba’t ibang arrows, bawat isa ay may tiyak na kakayahan tulad ng rockets na maaaring makapagpaliyab ng mga kalaban at iba pa. Ang battleground ay malimit na nagpapalit. Ang abilidad na mabasa ang pattern ng hangin upang matukoy ang tamang oryentasyon ng shooting ay isang mahalagang bagay para sa tagumpay.

Pros at Cons ng Stickman Archer Online 

Ang Stickman Archer Online ay isang enjoyable na play-shooting game na puno ng misteryo. Ang mga manlalaro ay dinadala sa particular na real-life na labanan nang random. Sa pamamagitan ng pagguhit ng bow upang ma-estimate ang curve ng shot, ang mga player ay maaaring sumubok na talunin ang kanilang mga kalaban. Sa kabuuan ng laban, unang mawawala ang shields na susundan ng life points.

Kahit na ang karakter ay stickman, ang game’s art ay maganda hindi lang dahil sa ang mga sequence nito ay unique, kundi dahil ang mismong stickman ay may mga koleksyon ng iba’t ibang gestures.

Maaaring pagsamahin ang magkakaibang arrows na may magkakaibang kakayahan tulad ng cactus arrow, laser arrows, at iba pa. Maaaring pataasin ang arrow level gamit ang mga nakuhang bagay mula sa labanan. Kawili-wiling maintindihan ang archery techniques at mangalap ng malawak na hanay ng arrow features, subalit upang matamaan nang sakto ang kalaban, kailangan ng ibayong pagsasanay.

Konklusyon

Ang laro ay isang challenging bow and arrow combat game kung saan ang mga manlalaro, gayundin ang mga kalaban, ay parehong stickmen. Sa kabuuan ng laban, titirahin nila ang kalaban at ang maunang makatama ang siyang mananalo.

Nais ng Laro Reviews na maintindihan mong ang lahat ay maaaring makinabang sa paggamit ng mga libreng oras na mayroon tayo. Hindi magandang maniwalang makakatagal ka at maglalaan ng oras sa pag-upo sa harap ng computer na hindi man lang nakakapag-relax o gagawa ng isang kasiya-siya o kapakipakinabang na bagay. Sa paglalaro ng Stickman Archer Online, may pagkakataong malibang habang naghihinay-hinay at pinauunlad ang mga kakayahan.

Isa pang dapat tandaan ay may iba pang gagawin maliban sa paglalaro lang o habang nilalaro at nakikipaglaban sa Stickmen. Inilalagay mo rito ang iyong mga kakayahan sa test sa mga aspetong hindi lahat ng tao ay nakagagawa. Marahil ay batid mong maraming tao ang nagsasabing ang paglalaro ay hindi isang kapakipakinabang na gawain para gamitin ang libreng oras. Ang mga taong ito ay nakatingin lamang sa mababaw na perspective ng laro. Sa madaling salita, kailangan mong tingnan ito sa ibang anggulo kung nagbabalak kang gawing parte ang Stickman Archer Online ng iyong pang-araw-araw na gawain.

Ang panghuling bagay na dapat ikonsidera ay ang pagkilala na ang Stickman Archer Online ay nakapagbibigay ng sapat na excitement. Sa totoo lang, importanteng maglaan ng oras sa mga bagay na entertaining para sa atin upang hindi maging boring ang ating buhay. Dahil dito, ang larong ito ay maaaring maidagdag sa listahan ng mga bagay na gagawin mo sa araw-araw. Hindi lamang ito nakakatulong sa paghasa ng mga kakayahan, kundi nagbibigay-kulay at kabuluhan din ito sa iyong buhay.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...