Stickman Destruction 4 Annihilation Review

Ang Stickman Destruction 4 Annihilation o Stickman Annihilation 4 ay sequel at ang ika-apat na bahagi ng larong Stickman Destruction. Ito ay parehong nasa kategorya bilang stickman games at simulation na sinamahan ng mga elemento ng ragdoll physics.

Sa paglalaro nito, ang manlalaro ang magmamaneho ng sasakyang may kasamang stickman. Layunin nitong malagpasan ang bawat karakter at terrain na madaraanan. Habang tumatagal, pahirap ng pahirap ang terrains sa bawat level, kung saan kailangan munang magbayad gamit ang coins bago ma-unlock ang mga ito. Maaaring pumili ang manlalaro ng sasakyang gagamitin sa paglalaro. 

Simple lang ang controls ng laro. Parang nagmamaneho ng automatic na sasakyan ang manlalaro sapagkat ang kailangan lang pindutin ay ang buttons ng gas at brake pedals para makontrol ang sasakyan. Sinamahan din ito ng opsyong magdagdag ng stickman sa daan.

Stickman Destruction 4 Annihilation - Laro Reviews

Stickman Destruction 4 Annihilation – Laro Reviews

Features ng Stickman Destruction 4 Annihilation

Choose a Vehicle – Iba’t ibang sasakyan ang maaaring pagpilian ng manlalaro. Mayroong kabuuang bilang na 14 na sasakyan ang pwedeng magamit sa laro. Bukod sa default na sasakyan, ang bawat isa ay may katumbas na halaga kaya maa-unlock lamang ito kung bibilhin gamit ang coins.

Multiple Levels – Maraming levels ang maaaring laruin dito. Ang bawat isa nito ay may iba’t ibang terrain at nakaabang na mga balakid. Bukod sa First Blood na kung saan ito ang una at nag-iisang libreng level na malalaro, maaaring i-unlock ang mga sumusunod: Nonstop, Speed, Rugby, Vertigo, Darkness, Lawnmower Man, Oil, City, Stone Man, Gravity, Beach, Explosion, Picnic, Catacomb, Puppeteer, War, at Top Secret. Kailangan munang magbayad ng coins bago ma-unlock at malaro ang bawat level. 

Offline Mode – Hindi na kailangang nakakonekta sa Wi-Fi o data connection para laruin ito. Dahil sa Offline Mode nito, maaari nang maglaro anumang oras o kahit nasaan man. Pwede itong laruin habang naghihintay sa pila o ng inorder na pagkain, sa madaling salita, posible na itong malaro kahit nagpapalipas lamang ng oras.

Motion at Sound Effects – Ma-enganyong masaksihan ang pag-slow-mo ng sasakyan habang binabangga ang mga stickman sa daanan. Gayunpaman, pwedeng ma-adjust ang Slow Motion sa Settings. Maaari mo ring baguhin ang Camera Zoom dito kung nais mong mas malayo o malapit ang view na nakikita sa screen. Bukod pa rito, nakakadagdag ng dating ang sound effects habang naglalaro. Mayroon itong tunog ng makina ng sasakyan pati na rin ang sigaw ng mga stickman kapag nasasagasaan.

Saan Pwedeng I-download ang Stickman Destruction 4 Annihilation?

Narito ang Laro Reviews para magbigay ng instruksyon kung paano i-download ang Stickman Destruction 4 Annihilation para sa Android at iOS users. Dahil free-to-play (F2P) ang laro, hindi na kailangang magbayad para mai-download ito. Kung ikaw ay iOS user, pumunta sa App Store at ilagay ang Stickman Annihilation 4 sa search bar. Hanapin ang laro sa search results at pindutin ang Get button. Kailangang may sapat kang space sa phone para magkasya ang size nitong 160.4 MB. Nakakuha ito ng 3.1 out of 5 stars sa loob ng 260 ratings. Samantalang kung ikaw naman ay Android user, pumunta sa Google Play Store at i-search ang Stickman Destruction 4 Annihilation. Kapag nahanap na ito sa search results, pindutin ang Install button para mai-download ang laro. Maliit lang ang size ng app, ito ay 41 MB. Mayroon itong 15,446 kabuuang bilang ng reviews kung saan nakakuha ito ng 3.9 out of 5 stars. Buksan ang app pagkatapos itong mai-download at kumpletuhin ang mga kailangan sa sign-in details. Pagkatapos ng lahat ng ito, pwede nang simulan ang paglalaro!

Stickman Destruction 4 Annihilation - Laro Reviews

Stickman Destruction 4 Annihilation – Laro Reviews

Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Stickman Falling on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.stickman.destruction.annihilation4

Download Stickman Falling on iOS https://apps.apple.com/us/app/stickman-annihilation-4/id1529472714

Tips at Tricks sa Paglalaro

Kung lalaruin mo ito sa unang pagkakataon, malamang ay malilito ka sa kung paano ba ang dapat gawin sa laro. Huwag mag-alala dahil narito ang Laro Reviews para magbigay ng tips at tricks sa paglalaro nang sa gayon ay maging gabay ito upang matulungan sa iyong progreso sa laro.

Kontrolado mo ang sasakyan gamit ang dalawang gas at brake pedals buttons sa baba ng screen. Gayundin, maaari kang magdagdag ng mga stickman sa daan kapag pinindot ang button na ang icon ay larawan ng nahuhulog na stickman. Makakasalubong ka rin ng mga pampasabog at nakaayos na mga stickman sa daan. Pwede mo ring baguhin ang pose ng karakter depende sa iyong gusto. 

Related Posts:

Dream Restaurant Review

Stickman Fight Multicraft Review

Dahil minamaneho mo ang sasakyan, suriin kung kailan dapat gamitin ang gas at brake pedals. Kung patag ang dinadaanan, mainam na gamitin ang gas pedal na matatagpuan sa kanang ibaba ng screen, upang bumilis ang takbo ng sasakyan. Sa kabilang banda, kung nais mo namang bagalan ang pagtakbo nito, pindutin lang ang brake pedal na nasa kaliwang ibaba ng screen. Kapag pataas ang dinaraanan, siguraduhing pinipindot mo ang gas pedal para tuluy-tuloy ang pag-akyat ng sasakyan dahil kung hindi ay aatras ito pababa. Bukod dito, kung mangyaring tumaob ang sasakyan, ang gawin mo lang ay pindutin ang ikalawang button na katabi ng brake pedal para maibalik ito sa maayos na tayo. Gamitin lang ang button na ito kahit paulit-ulit na tumaob ang sasakyan dahil ang mahalaga ay makaabot ka sa finish line.

Ang maipapayo ko sa iyo ay palaging lagyan ng karagdagang stickman sa daan dahil nakakadagdag ito ng score. Maaari kang pumili kung ang stickman ay nakadiretso ang katawan o tumatakbo. Sa pamamagitan din nito, may karagdagang tsansa na mas maraming butong mabali at katawang maputol. Isa pang bagay na dapat ikonsidera para magkaroon ng mataas na score ay ang Air Time. Ito ay tumutukoy kung gaano katagal nasa himpapawid ang sasakyan, kaya mas mainam na matulin ang takbo nito kapag mahuhulog sa bangin para magpaikot-ikot ito sa himpapawid. Bukod sa Air Time, ang batayan din sa magiging score ay ang Damage, Bone Breaking, at Body Parts. Kung ano ang makuhang Total Score, iyon ang katumbas na coins na matatanggap mo sa laro. Posible ring madoble ang halagang iyon kung manonood ng ads. 

Pros at Cons ng Stickman Destruction 4 Annihilation

Stickman Destruction 4 Annihilation - Laro Reviews

Stickman Destruction 4 Annihilation – Laro Reviews

Nakakatulong na pwedeng i-adjust ang Camera Zoom sa Settings sapagkat nakaayon sa kagustuhan ng manlalaro kung saan siya mas komportableng maglaro. Malaya rin ang manlalarong baguhin ang bilis ng Slow Motion ng laro. Bukod dito, nakakadagdag sa ganda ng laro ang mga pagpipiliang sasakyang gagamitin sa bawat level. Mas nakakaengganyong maglaro ng paulit-ulit para magkaroon ng maraming coins at ma-unlock ang bawat klase ng sasakyan. 

Sa kabilang banda, labis na inaangal ng karamihan ang napakaraming ads sa laro. Dahil ito ay F2P, hindi na nakagugulat na gagamit ito ng ads ngunit nakakasagabal na sa paglalaro ang madalas na paglitaw ng panibagong ads kahit pumindot ka lang ng button. May pagkakataon ding kung saan hindi nadodoble ang halaga ng nakukuhang coins kahit na piliing manood ng ads.

Konklusyon

Bilang kabuuan, kung nalaro mo na ang mga naunang Stickman Destruction games, tiyak na ma-eenganyo ka sa paglalaro nito. Bukod sa nakakaaliw ang paggamit at pag-unlock ng mga sasakyan, kakaibang feature rin ang opsyong madagdagan ang mga stickman sa daan. Nakakatuwa ring subukan ang iba’t ibang pamamaraan para tumilapon ang sasakyan at makasagasa ng mas maraming stickman. Kung pasok sa iyong panlasa ang ganitong laro, ano pang hinihintay mo, i-download na ang Stickman Destruction 4 Annihilation sa iyong mobile phone!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...