Supremacy 1914 – WW1 Strategy Review

Naisip mo na ba kung ano ang pakiramdam ng isang kumander ng militar at may malaking tungkuling ipagtanggol ang iyong bansa? O gusto mo bang subukin ang iyong sarili kung mayroon kang mga kakayahan at talino upang maging isang pinuno at magdala ng karangalan at katanyagan sa iyong bansa? O gusto mo lamang ng isang larong humahamon sa iyong kritikal na mga kasanayan sa pag-iisip at kahusayan sa paggawa ng desisyon? Kung gayon, ang larong ito ay tiyak na nababagay sa iyo. Ang Supremacy 1914 – WW1 Strategy ay isang multiplayer online strategy game na ginawa ng Bytro Labs. Ang unang paglabas nito ay noong Enero 31, 2019.

Mga Tampok ng Laro

Upang mas malaman ang tungkol sa larong ito, tingnan ang artikulong itong ginawa ng Laro Reviews at alamin ang ilang pangunahing tampok nito.

Maglaro sa lahat ng iyong device – Nangangahulugan itong hangga’t mayroon kang account, maa-access mo ang iyong account sa anumang device. Kaya hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa pagkawala ng iyong laro, o kung nawala mo ang iyong telepono o aksidenteng nabura ito.

Mga Alyansa – Maaari kang bumuo ng isang grupo kasama ang iyong mga kaibigan o iba pang mga manlalaro. Ginagawa nitong mas kakaiba ang laro dahil sa mga tuntunin ng pagbuo ng mga strategy at taktika.

Mga Koalisyon – Kasama ang iyong alyansa, maaari kang magbigay ng suporta sa iyong kasama sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga kayamanan o pagtulong sa kanilang atakihin ang kalaban o ipagtanggol ang kanilang base.

Real-time Multiplayer – Nangangahulugan itong may aktwal na setting ng time zone ang larong ito

Mga Tunay na Kalaban – Maaaring makaharap ka ng hanggang 500 na tunay na manlalaro kaya huwag masyadong maliitin ang iyong kalaban dahil hindi mo alam kung sino sila at kung ano ang kanilang mga kakayahan.

Katumpakan ng Laro – Ang mga distansya at galaw ng unit ay batay sa aktwal na sukat. Nangangahulugan itong ang bilis ng paglalakbay ng iyong mga unit ay maaaring mag-iba depende sa uri ng mga ito at ang distansyang kailangan nilang lakbayin. Gayundin, ang larong ito ay may tumpak na mga troop at sasakyan batay sa kasaysayan.

Mga Mapa at Eksena – Maraming mapa at eksena ang mapagpipilian dito.

Paano i-download Supremacy 1914 – WW1 Strategy

Kung Android phone ang gamit mo, pwede kang pumunta sa Google Play Store at i-type ang title ng larong ito sa search icon pagkatapos ay i-click ang download. Ang proseso ay pareho para sa iOS ngunit sa halip na play store, pumunta sa App Store. Kung ang gamit mo naman ay PC, maaari kang mag-dowload ng bluestacks emulator at i-download ang laro.O maaari mo lamang i-click ang link sa ibaba at simulan ang iyong pakikipagsapalaran kaagad.

Download Supremacy 1914 – WW1 Strategy on Android here

Download Supremacy 1914 – WW1 Strategy on iOS here

Download Supremacy 1914 – WW1 Strategy on PC here

Tips at Tricks sa mga Nagsisimula

Kung bago ka sa larong ito at nahihirapan kang buuin ang iyong base at palakasin ang iyong bansa, narito ang mga tip at tricks na hatid sa iyo ng Laro Reviews.

Una ay ang pagpili ng tamang bansang lalaruin. Mayroong ilang mga kahinaan at kalakasan sa bawat bansa depende sa heolohikal na lokasyon nito. Halimbawa, ang China ay maraming troops, makina o sasakyan at ito ay sagana sa mga mapagkukunang yaman. Ngunit sa kabilang banda, mayroong itong malaking lugar na mahirap ipagtanggol kaya dapat mayroon kang matalas na mata at malakas na intuitive na kasanayan sa pagpapadala at pagposisyon ng iyong mga troop. Tandaan lamang na ang pinakamahusay na depensa ay ang pinakamahusay na opensa. Kung mapagtagumpayan mo ang mga pag-atake ng kalaban, ito ay magreresulta sa kanila ng matinding kawalan at maaari mo nang ilunsad ang iyong pag-atake kung makita mong mahina na sila. Pangalawa, pamahalaan ang iyong produksyon ng mga materyales. Ang mga mapagkukunan ng yaman ay mahirap makuha kaya huwag mag-overproduce ng isang bagay. Suriin kung ano ang iyong mga pangangailangan at gumawa lamang batay sa mga pangangailangang iyon. Ang mga alyansa ay maaaring magbigay sa iyo ng malaking kalamangan kung ito ay magagamit nang tama. Siguraduhing ang mga manlalarong kaalyado mo ay aktibo at handang magpadala ng mga troop o mag-donate ng mga kayamanan. Upang mapanatili ang iyong alyansa ay dapat mong gawin ang parehong sa kanila. Sa pagpapadala ng iyong mga troop, siguraduhing mayroon kang sapat na troops upang ipagtanggol ang iyong base dahil kapag naipadala mo na sila, maglalaan sila ng oras para bumalik sa iyong base kung sakaling kakailanganin mo silang muli dahil sa ilang hindi inaasahang pangyayari. Tiyaking mayroon kang kumpletong pang-unawa sa iyong lakas at kahinaan pati na rin sa iyong kalaban.

Mga Kalamangan at Kahinaan ng Supremacy 1914 – WW1 Strategy

Kung ikaw ay isang masugid na tagahanga ng strategy na uri ng laro, tiyak na magugustuhan mo ito. Ang graphics ng larong ito ay simple lang. Ang makikita mo lamang ay ang mga mapa at ilang mga tuldok na kumakatawan sa iyong mga troop ngunit ang kagandahan nito ay ang gameplay na lubhang sopistikado. Ang katumpakan sa mga tuntunin ng mobility ng iyong mga troop at ang makasaysayang background ay halos nasa punto. Maaari mong piliing maglaro bilang isang agresibong uri o defensive na uri batay sa iyong kapasidad. Maaari ka ring makakilala ng mga bagong kaibigan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang alyansa, kaya ito ay perpekto para sa sinumang gustong magkaroon ng isang bagay upang makipaglaro sa iyong mga kaibigan. Ito ay may mahusay na balanse at hindi rin ito isang pay-to-win na uri ng laro na hindi mo na kailangan pang bumili ng kanilang mga espesyal na item upang manalo. Ang kailangan mo lang gawin upang mangibabaw sa larong ito ay tamang pagbuo ng diskarte, taktika at maraming pasensya. Mayroon lamang isang bagay na maaaring kainisan mo sa paglalaro nito. Ito ay ang mahabang oras ng laro. Ang pananakop ng isang bansa ay maaaring tumagal ng halos isang araw o kahit na buwan, dahil sa real time function nito ay napakahirap umunlad ngunit nagbibigay din ito ng oras upang muling isaalang-alang at pag-aralan ang mga bagay. Kaya hindi ito ganoon kalalang issue.

Konklusyon

Para sa Laro Reviews, ang larong ito ay sulit na subukan. Sa Google Play Store, mayroon itong overall rating na 3.9 stars at sa App Store ay mayroon itong 4.8 out of five star rating. Kung ikaw ay talagang mahilig sa mga larong tumututok sa diskarte at taktika, tiyak na magugustuhan mo ang larong ito. Ang sopistikadong gameplay na hinaluan ng mga interactive na manlalaro nito ay tiyak na iyong kagigiliwan.

Leave a Comment

Login
Loading...
Sign Up
Loading...