Survival Play: Octopus Party Review

Habang naglalaro ka ng Survival Play: Octopus Party, makakahanap ka ng mga nakakamanghang hamon, nakakaaliw na level, at napakaraming iba pang nakakagulat na eksena sa laro. Gumanap bilang Huggy, mag-crack ng dalgona candy, tumawid sa isang glass bridge, at marami pang nakaka-enganyong level ang naghihintay sa iyo! Makaligtas sa bawat hamon at maaari kang makatanggap ng perang gagamitin sa pagbili ng mga accessories para sa iyong karakter. Sa pamamagitan ng pag-customize nito, maaari mong gawing nakakatawa ang iyong sariling karakter! Ang larong ito ay libre upang i-download at i-install sa parehong Android at PC user. Subukan na ito ngayon at subukin ang tatag ng loob!

Ano ang layunin ng laro?

Ang laro ay walang tiyak na layunin dahil mayroon itong iba’t ibang mga hamong dapat tapusin. Dadalhin ka nito sa isang natatanging senaryo, gameplay, at iba’t ibang kondisyon ng bawat level. Hindi namin masasabi kung ano ang eksaktong layunin ng laro kundi ang makaligtas lamang sa bawat hamong ibibigay nito sa iyo. Kapag nagawa mong makaligtas ay makatatanggap ka ng perang maaari mong gamitin para makakuha ng bagong karakter. Huwag mag-alala, ang laro ay madali lamang at hindi kumplikado. Kaya tara na’t tuklasin ang mga kapanapanabik na aktibidad at magkaroon ng magagandang karanasan sa paglalaro nito!

Paano ito laruin?

Patuloy lamang basahin ang artikulong itong ginawa ng Laro Reviews upang makakuha ng pangkalahatang ideya sa mekaniks nito at kung ano ang maaari mo pang matuklasan dito. Bago magsimula, ipakikita sa iyo ng laro ang pangunahing features at magbibigay sa iyo ng ideya kung ano ang gagawin para sa isang partikular na hamon. Pagkatapos ay maaari mo na agad simulan ang laro.

Kung nabigo kang makaligtas sa isang level ay maaari mo ulit buhayin ang iyong sarili. Maaari kang makakuha ng mga karagdagang item at karakter sa pamamagitan ng panonood ng mga advertisement o paggamit ng perang napanalunan mo. Ito ay libre at walang anumang in-game purchases kaya ang kailangan mo lang gawin ay tapusin ang mga hamon at maglibang habang naglalaro.

Higit pa rito, ang ilang mga hamon ay paulit-ulit ngunit asahan mong may ilang mga pagbabago o mga hadlang na dapat mong pagtagumpayan. Bilang resulta, ginagawa nitong mas mahirap at mapanghamon ang laro na nagbibigay sa iyo ng isang kapanapanabik na karanasan. Maaari itong subukan agad pagkatapos mong i-download at i-install ito mula sa Google Play Store.

Paano i-download ang Laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Survival Play: Octopus Party sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit at ang makukuhang space ng app para sa Android ay 65 MB. Ito ay wala pang bersyon para sa mga iOS user.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Survival Play: Octopus Party on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amplayin.survival.play

Download Survival Play: Octopus Party on PC https://www.bignox.com/appcenter/com-amplayin-survival-play-pc.html

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Survival Play: Octopus Party

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng Survival Play: Octopus Party. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na mase-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Survival Play: Octopus Party!

Tips at tricks sa Paglalaro ng Survival Play: Octopus Party

Walang partikular na tip o diskarteng dapat sundin kapag paglalaro nito. Ang kailangan mo lang gawin ay kumpletuhin ang lahat ng mga hamon nito. Ilalagay ka sa iba’t ibang mga sitwasyong nangangailangan ng iba’t ibang mga diskarte. Halimbawa, sa isang hamon na ang tawag ay “Crack a Dalgona Candy”, bibigyan ka nito ng apat na lalagyan. Sa loob ng mga lalagyan ay may mga kending may iba’t ibang hugis na dapat mong magawa. Dahil limitado lang ang oras mo para gawin ito, ikaw ay dapat maging maingat sa pag-tap para hindi mo ma-crack o masira ang hugis na dapat mong magawa.

Sa ganoong sitwasyon, ang kailangan mo lang gawin ay i-tap ang gilid ng hugis para maiwasang masira ito. Ilan lamang ito sa mga hamong kakaharapin mo rito. Ang pagbuo ng diskarte ay sa mismong oras na ng paglalaro. Samakatuwid, hinihimok ka naming magsaya lamang sa buong laro at maglibang dahil walang kumpetisyon o tunggaliang magagandap dito. Huwag mag-alala, ang rules ay ipapakita sa iyo bago mo simulan ang isang level.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Survival Play: Octopus Party 

Una, suriin natin ang mga magagandang feature ng laro. Napag-alaman ng Laro Reviews na ang larong ito ay nakakahumaling at nakaka-enganyo dahil dadalhin ka nito sa iba’t ibang mga hamong nangangailangan ng iba’t ibang mga diskarte. Ang buong konsepto ng laro ay batay sa isang sikat na serye sa TV na “Squid Game”. Kung napanood mo na ang palabas, malamang na pamilyar ka sa mga hamon o tema ng larong ito. Ang ilan sa mga hamong makikita rito ay ang pag-crack ng dalgona candy, pagtawid sa glass bridge, tug of war, at paghagis ng holen. Ito ay simple ngunit mahirap dahil bibigyan ka ng limitadong oras, tulad ng nasa serye. Ang mga karakter ay maaaring i-customize at maaari kang bumili ng bago o bihisan ito ng mga nakakatuwang accessories.

Dahil walang in-game purchases, umaasa ang laro sa panonood ng mga ad para makakuha ng karagdagang reward at ng mga bagong item. Bukod doon, wala nang iba pang mga tampok na matutuklasan dito. Ito ay ganap na nakasentro sa pagkumpleto ng mga hamong ibibigay nila sa iyo. Isa sa mga nakakainis na bahagi ng laro ay ang panonood ng ads para lamang makakuha ng karagdagang rewards at wala nang ibang paraan pa maliban sa pagkumpleto ng bawat level. Dapat kang maging matiyaga at masanay sa mga paulit-ulit na panonood ng mga video.

Dapat nilang bawasan ang ads dahil ang mga ito ay talagang nakakaabala at maaaring maging sanhi ng pag-lag ng laro. Habang naglalaro ka ay nagiging mabagal ang laro, na nagiging sanhi ng pagkatalo mo at dapat kang manood uli ng ads upang makabalik muli si laro. Dapat isipin ng mga developer ang mga isyung ito at tugunan sa lalong madaling panahon.

Konklusyon

Ang larong Survival Play: Octopus Party ay magbibigay ng kasiyahan at isang napakahusay na paraan upang magpalipas ng oras. Nag-aalok ito ng iba’t ibang hamong hango sa serye ng palabas sa TV na “Squid Game”. Maging handa lamang at matiyaga para sa maraming ads na lalabas sa buong laro. Tiyak na ikaiinis mo ang mga ito kaya habaan lamang ang iyong pasensya. Sa pangkalahatan, maaari mo pa rin itong subukan at libre itong i-download mula sa inyong mga device.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...