Tales of Wind Review

Sa panahon ngayon, pati ang MMO games ay automated na. May ilang MMO games na nagugustuhan ng karamihan dahil sa aksyong hatid nito pero kapag automated na pati ang pakikipaglaban, mahirap magkaroon ng masasabi mong loyal na fanbase na maglalaro ng MMO games. Sa kabilang banda, may isang MMO game na hindi gaanong umaasa sa automation, at ito ay ang Tales of Wind. 

Sisimulan ng mga manlalaro ang kanilang paglalakbay sa mundo ng Arelsdore, na isang tipikal na Asian fantasy MMO. Ang App ay isang free-to-play game na may cartoon graphics na may pagkakatulad sa iba pang mga laro, tulad ng Caravan Stories. Mayroon itong kumbensyonal na pangunahing kwento ng player vs environment na may maraming side questing, mga dungeon, at maging ang player vs player (PvP) na sasalihan.

Magsisimula ang Tales of Wind sa pagpili ng isa sa apat na pangunahing klase, pag-level up hanggang 50, at pagkatapos ay pag-advance sa isa sa dalawang branching classes para sa special roles. Ang pagkolekta ng cards, paggawa sa quests, server-wide quests, PvP, pagsasaka, at iba pang aktibidad ay maaari mo ring gawin sa Game. 

Tales of Wind - Laro Reviews

Tales of Wind – Laro Reviews

Hindi gaya ng ibang MMO games, binibigyang-diin ng Tales of Wind ang pakikipaglaban na nakatuon sa aksyon at teamwork at hindi gaanong naka-focus sa automatic gameplays. Ang action-based combat ng App ay nagbibigay-daan sa mga manlalaro na mas umasa sa mga koponan at magkakagrupo upang harapin ang mapaghamong nilalaman.

Game Features ng Tales of Wind 

Pagdating sa features ng Tales of Wind, ang pinakaunang dapat mong malaman ay ang character classes sa laro. Sa Game, maaari kang maging isang Warrior na may abilidad na makontrol ang battlefield. Mataas ang HP at defense stats ng Warrior at mas kayang mag-block at mag-reduce ng damage mula sa kalaban. 

Samantala, ang Mage ay may kumpletong kontrol sa fire, ice, at magic na nagpapahintulot ditong maghatid ng damage at baguhin ang daloy ng labanan mula sa malayo. Maipagmamalaki ng Mage ang abilidad sa long-ranged na pag-atake at katalinuhan, pambawi sa kanilang kakulangan pagdating sa durability. 

At hindi gaya ng mga Cleric sa ibang MMO games, ang Cleric sa Tales of Wind ay may damage na halos kasinglakas ng isang Mage. Ang mga Cleric ay pinakamahusay gamitin para sa grupo. Bukod sa kanilang healing skills na kayang i-target ang maraming kakampi nang sabay-sabay, nagagawa nilang i-buff ang mga ito. 

Ang pagpatay ay natural na para sa mga Assassin, salamat sa kanilang mataas na base critical strike rate, at sa nakakagulat at mahuhusay na tools. Ang mabilis na malalapit na pakikipaglaban, mabilis na paggalaw, at mga ambush ay bahagi ng playstyle ng Assassin. Maaari silang makakuha ng mga combo point sa pamamagitan ng pag-strike at paggamit ng skills nila. 

Tales of Wind - Laro Reviews

Tales of Wind – Laro Reviews

Kung sawa ka nang makipaglaban sa mga halimaw at ibang manlalaro, maaari kang gumawa ng mabababaw na tasks sa Tales of Wind. Ang ilan sa mga pwede mong gawin dito ay ang makipagkaibigan, magtanim, at magkaroon ng karelasyon. Pagdating sa autoplay, hindi lahat ng aksyon sa larong ito ay pwede mong i-autoplay. 

Saan Maaaring I-download ang Tales of Wind?

Gamitin ang mga sumusunod na links mula sa Laro Reviews upang mai-download ang laro.

Download on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.emagroups.ic2&referrer=adjust_reftag%3DcVJw9TKGwYHl1%26utm_source%3Dpre_register

Download on iOS https://apps.apple.com/app/id1369687830?mt=8

Download on PC https://tow.neocraftstudio.com/en

Tips at Tricks para sa Tales of Wind 

Dapat kang lumahok ng madala sa mga event upang makakuha ng experience points na kakailanganin mo upang magkapag-level up. Mas maganda rin kung gagawin mo ang events ng Tales of Wind kasama ang iyong team upang mas madaling matapos ang quests at mas maraming experience ang makuha. 

Bukod sa pagsali sa events, ang paggawa ng assignments at pagtatrabaho sa bukid ang iba pang paraan upang makakuha ng experience points sa Tales of Wind. Maaaring mas kaunti ang makukuha mong experience dito, ngunit masaya namang gawin ang mga aktibidad na ito. Para naman mag-improve ang iyong skills, kailangan mo ng skill books. 

Related Posts:

Gold Fish Casino Slot Games Review

Perfect World VNG: Fly with me review

Kapag naman gusto mo na magtanim lang sa farm, makakapagpalaki ka na ng alagang hayop sa Level 2 at makakapagbukas ng bakery sa Level 4. May isang field para sa crop production naman ang madadagdag kada level. Para makapagbukas ng isang farm, kailangan mong magbayad ng 100 Kingdom Glory Points. 

Tales of Wind - Laro Reviews

Tales of Wind – Laro Reviews

Pros at Cons ng Tales of Wind 

Para sa amin dito sa Laro Reviews, may bagong maibibigay ang Tales of Wind para sa mga mahilig sa MMORPG mobile games. Hindi man ito isang larong mapapanganga ka sa sobrang ganda, isa naman itong magandang alternatibo sa dami ng pwede mong magawa rito. Mayroong iba’t ibang pakulo para sa lahat ng uri ng manlalaro. 

Tinatamad ka? Pwedeng mag-autoplay. Ayaw mo ng autoplay? Gumawa ka ng missions na kailangang gawing ng mano-mano. Ayaw mong makipaglaban? Magtanim ka. Hindi ka mawawalan ng pwedeng gawin sa Tales of Wind at importante ito para sa isang MMO. Pagdating sa graphics, nakakamangha rin ang App at may ibubuga kung ikukumpara sa iba pang mobile games. 

Ngunit kung sa PC ito lalaruin, masasabing ordinaryo lang ang kalidad ng graphics nito. Ang isa pang kagandahan sa Tales of Wind ay ang combat card system nito. May card na ibinabagsak ang iyong kaaway matapos mo itong magapi. Ang mga card na ito ay nagbibigay ng temporary skills at kung kailangan mo ng boost, makakatulong ito. 

At hindi mo na rin kailangan mag-alala tungkol sa mga paglalakbay dahil malawak ang world map ng Tales of Wind. Sobrang daming biomed areas sa Tales of Wind na pwede mong lakbayin. Katunayan, may limang areas dito at ang Laplace City ang pinakamalaki sa lahat. 

Konklusyon 

Maraming magandang katangian ang Tales of Wind at rekomendado itong panimula para sa mga taong gustong pasukin ang genre ng MMO. Ang pinakamagandang feature ng larong ito ay flexibility – mayroon kang pwedeng gawin gustuhin mo man ng quests na manual o automated. 

May alternatibong opsyon din ito para sa casual gamers lang at gusto ng gameplay na gaya ng Stardew Valley. Sa kabilang banda, magandang laruin ang App sa mobile pero kapag sa PC mo ito nilaro, nagmumukhang tipikal na MMO ang Tales of Wind. Ang payo ng Laro Reviews: Dapat mo itong masubukan.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Jackpot City Casino No Deposit Bonus: What Do You Need To Know?
Jackpot City Login – How to Access Fast and Safely?
Jackpot City: Your Premier Online Casino Experience!
Easy and Efficient: Mastering the S5 Casino Withdrawal Process
Is S5 Casino Legit? Exploring Player Reviews and Experiences
Explore S5 Casino: Detailed Review and Player Experience
S5 Casino Login Instructions for Beginners – Discover Now
Bingo Plus Customer Service Review: Dedicated and Efficient
Mga Tips at Tricks: Paano Manalo sa Bingo Plus Ngayon
How to Get Bingo Plus Voucher Code and Apply Most Effectively
Bingo Plus Download: Instructions For Safe Download And Installation
Explore Bingo Plus Net Rewards: Receive Attractive Gifts and Deals
Attractive Offer: Bingo Plus Free 20 and Chance to Win
Paano Mag-Withdraw sa Bingo Plus: Step-by-Step na Gabay
Is Bingo Plus Pagcor Legit? Unveiling the Truth About Its Legitimacy
Bingo Plus Tips and Tricks: How to Increase Your Winning Odds
Laropay – Good Legal Casino Game  Portal Philippines
Bingo Plus Login: Unique Games And Features For Players
Details: How to Play Bingo Plus Online for Beginners
Bingo Plus GCash: Complete Guide to Withdrawing and Depositing
Login
Loading...
Sign Up
Loading...