
Kilalanin ang pinaka-cute na virtual pet na likha ng OutFit7 sa artikulong inihanda ng Laro Reviews para sa inyo. Si Angela ay isang cute at irresistible na pusa na tampok sa isang larong tinatawag na Talking Angela Color Splash. Isang casual at puzzle game na siksik sa makukulay na graphics at nakakatuwang animation. Huwag ng malungkot dahil si Angela ang bahala sa iyo. Kailangan mo ng kausap? Makikinig sya sa iyo. Gusto mo ng mapaglilibangan? Tutulungan ka nya. Tunghayan natin ang kanyang buhay at alamin ang kanyang pinagmulan. Antabayanan din sa artikulong ito ang isang app na pwede mong laruin at pagkakitaan.
Sino si Angela sa Talking Angela Color Splash?
Ang Talking Angela ay isang chatterbot app na nilikha ng Outfit7 Limited sa Slovenia bilang bahagi ng serye ng Talking Tom & Friends. Inilabas ito noong Nobyembre 13, 2012, at Enero 2012 para sa iPhone, iPod, at iPad, Enero 2013 para sa Android, at Enero 2014 para sa Google Play. Sa kabilang banda, ang Talking Angela Color Splash (Package) ay isang puzzle game na binuo ng naturang developer. Ang pinakabagong bersyon ng Talking Angela Color Splash ay inilabas noong Setyembre 20, 2017. Papasukin mo ang mundo ng fashion sa pamamagitan ng pagresolba sa daan-daang kapanapanabik na mga level ng puzzle. Kung mas maraming kumbinasyon ng kulay at splashes ang gagawin mo, mas maraming mga disenyo ng fashion ang tatapusin at ire-rate mo!
Mga Tampok ng Laro
Pumasok sa makulay na mundo ng Talking Angela Color Splash, isang one-of-a-kind match 3 puzzle game kung saan nabubuhay ang fashion! Pagdugtungin ang mga kulay at manalo sa bawat level sa nakakahumaling, masaya, at libreng app na ito. Abangan ang mga natatanging booster para matulungan kang malampasan ang mga mapanghamong level. I-pop ang mga makukulay na blocks, mangolekta ng mga diamonds, at pasabugin ang mga rainbow stars upang malutas ang higit pang mga nakakatuwang level.
Tampok sa larong ito ang mga sumusunod. Una, kailangan mong mag-link ng tatlo o higit pang magkakaparehong kulay upang lumikha ng mga nakakamanghang fashion design. Kailangan mo ring gumawa ng koleksyon ng mga fashion designs na iyong nagawa. Tapusin ang bawat mapanghamong mga level na may dagdag na sumasabog na power-up. Palakihin din ang iyong pang-araw-araw na gantimpala sa pamamagitan ng pag-ikot ng wheels. Pwedeng-pwede ka ring makipag-usap sa iyong mga kaibigan sa pamamagitan ng social media kung nais mo. Ganap na malalaro ang Talking Angela Color Splash ng libre maliban na lang kung nais mong mag-avail ng mga in-app purchases.
In-app Purchases
Kahit na libre ang larong Talking Angela Color Splash ay marahil hindi mo mararanasan ang lahat na mga magagandang maio-offer ng laro at ng Outfit7 kung hindi ka kukuha ng in-app purchases. Ang in-app purchases ay magsisigurado sa iyo ng mga promotional product at advertising mula sa Outfit7. Magkakaroon ka din ng mga link sa kanilang website at iba pang Outfit7 application. Ngunit, depende sa kasalukuyang antas ng manlalaro, ang iba’t ibang mga item ay magagamit para sa iba’t ibang mga presyo gamit ang virtual na pera. Kung hindi mo naman afford ang mga in-app purchases nila ay may mga alternatibong pamamaraan para sa pag-access sa lahat ng feature ng app nang hindi gumagawa ng anumang in-app na pagbili gamit ang totoong pera.
Gumagamit si Talking Angela ng virtual na coin system para bumili ng ilang feature, gaya ng mga regalo at accessories, mula sa mga sumbrero at handbag hanggang sa makeup. Ang sinumang gumagamit ng app ay tumatanggap ng 25 libreng coins bawat araw na may mga karagdagang barya na available mula sa isang in-app store, mula £0.69 o ₱46 para sa 4,200 coins hanggang £17.49 o katumbas ng ₱1,179 para sa 146,500 coins.
Ipagpalagay din natin na mayroon kang mga kontrol bilang isang magulang at mga paghihigpit sa app store. Kung ganoon, mas maganda dahil hindi makakapag-download ang iyong mga anak ng mga libreng app o gumawa ng mga in-app purchases na wala ang iyong pahintulot. Nasa sa iyo kung komportable ka sa mga nabanggit na tampok.
Mga Sabi-sabi at Isyu sa Talking Angela Color Splash App
Ang usapin hinggil sa app na Talking Angela ay paksa ng isang hoax sa Internet noong Pebrero 2014. Sinasabi nito na hinihikayat nito ang mga bata na ibunyag ang personal na impormasyon tungkol sa kanilang sarili, na kung saan ay tila ginagamit ng mga pedophile upang mahanap ang mga batang ito. Sinisisi ng iba pang mga bersyon ng tsismis ang app para sa pagkawala ng isang bata o sinasabing ang Talking Angela ay pinamamahalaan ng isang pedophile ring.
Ayon sa Outfit7, ang chatbot nito na si Angela ay humihingi ng personal na impormasyon tulad ng pangalan at edad ng user. Gayunpaman, ang impormasyong ito ay “na-anonymize” at inalis na. Dahil ang app ay nakabatay sa chatbot software, hindi makokontrol ng isang tao ang sinasabi ni Angela sa laro. Ang Talking Angela hoax ay na-debunk noong 2014 ng security firm na Sophos at The Guardian, ngunit ito ay muling lumitaw noong 2015.
Konklusyon
Likas sa ating mga tao ang maghanap ng mga bagay na mapaglilibangan, mapa-virtual man o personal. Walang masama kung responsable nating mapapamahalaan ang ating social self lalung-lalo na sa panahon ngayon na laganap ang pagsasamantala sa kahit anong edad. Maigi na alam natin ang ating mga limitasyon sa paglalaro o paggamit ng mga gadgets. Ang My Talking Angela Color Splash ay isang laro na nababagay sa lahat ng edad, mapabata man o matanda. Sino ba naman ang hindi maaliw sa isang pusa na ubod ng cute na nakatira sa isang makulay na virtual world? Bukod sa madali lamang itong laruin ay nakakabawas din ng stress ang pagbababad kung minsan sa mga ganitong laro. Sandali, paano kung sabihin ko sa iyo na may isang app na maraming larong pamilyar sa atin na gawa din ng mga Pilipino? Balita ko maaari ka ring kumita ng totoong pera. Nakakamangha di ba?
Kilalanin ang Big Win Club App na madaling mada-download sa Play Store at App Store. Tampok sa app na ito ang mga sikat na Pinoy casino games na patok sa panlasa ng bawat Pilipino. Magandang alternatibo ang gaming app na ito sa mga Pinoy na nais kumita ng totoong pera ng hindi na kailangan pang lumabas ng bahay. Hamunin na at magsaya kasama ang iyong mga kaibigan at kamag-anak sa larong ang panalo ay sigurado!
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- August 16, 2022