Tempest: Pirate Action RPG Premium Review

Tempest: Pirate Action RPG Premium – Kumusta, magiting na kapitan! Sa larong ito, maglalayag ka sa malawak na karagatan, makikipaglaban sa mga pirata at makasaysayang nilalang tulad ng Kraken, Leviathan, at iba pang nilalang na hindi pa natutuklasan ng sangkatauhan. Maghandang maglayag, sumakay sa mga sasakyang pangkalakal na puno ng kayamanan, at maghanda sa isang epikong pakikipagsapalaran sa karagatan. Tuklasin ang mythical artifacts na maaari mong mahanap sa gitna ng paglalayag. Napakalaki ng dagat na maraming mga bagong bagay at uri ng hayop ang makikita.

Tempest

Tempest

Ano ang Layunin ng Laro?

Ang Tempest: Pirate Action RPG Premium ay walang partikular na layunin. Sa buong laro, bibigyan ka ng isang hanay ng mga kakaiba at kapana-panabik na mga misyon para tapusin. Nakatuon lamang ang larong ito sa iyong paglalayag kasama ang iyong grupo at makipaglaban sa mga kakaibang nilalang at kapwa mo pirata. Sa iyong pakikipagsapalaran, maaari mong makalaban ang mga maalamat na halimaw. Maaari kang magkamkam ng mga kayamanan sa mga barkong pangkalakal dahil iyon ang karaniwang ginagawa ng mga pirata. Kaya tuklasin lahat ng features ng laro para iyong malaman ang iba pang nakalilibang na bagay na hatid nito.

Paano Ito Laruin?

Ipapakita ng Laro Reviews ang nakakaintrigang gameplay ng larong ito. Ang Tempest: Pirate Action RPG Premium ay isang laro na nagbibigay-daan sa mga manlalarong maisakatuparan ang kanilang pangarap na maging isang pirata sa karagatan. Maglalayag ka gamit ang iyong barko at lilibutin ang buong karagatan kasama ang iyong grupo.

Sa sandaling buksan mo ang laro, agad kang dadalhin nito sa isang tutorial sa labanan kung saan malalaman mo ang mga pangunahing kaalaman sa pagmamaniobra, pag-target, at pagbaril sa mga barko ng kalaban. Dito ay agad kang dadalhin sa labanan dahil ito ang pangunahing feature ng laro. Pagkatapos sumailalim sa isang tutorial, diskubrehin ang iba pang mga elemento ng laro para sa mas kapana-panabik na karanasan.

Related Posts:

Bright Memory Mobile Review

Papa’s Bakeria To Go! Review

Ang mekaniks ng larong Tempest: Pirate Action RPG Premium ay madali at hindi komplikado. Kapag wala ka sa labanan, maaari kang gumamit ng world map upang maglakbay mula sa daungan patungo sa iba pa, makipagpalitan ng mga kagamitan, gumamit ng mga tripulante, makipagsapalaran, at pagandahin ang iyong barko. 

Tempest

Tempest

Paano I-download ang Laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Tempest: Pirate Action RPG Premium sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 9.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 63 MB at 436.3 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

  • Download Tempest: Pirate Action RPG Premium on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.herocraft.game.tempest
  • Download Tempest: Pirate Action RPG Premium on iOS https://apps.apple.com/us/app/tempest-pirate-action-rpg/id1127729015
  • Download Tempest: Pirate Action RPG Premium on PC https://napkforpc.com/apk/com.herocraft.game.tempest/

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Tempest: Pirate Action RPG Premium

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Tempest: Pirate Action RPG Premium. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Tempest: Pirate Action RPG Premium!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Tempest: Pirate Action RPG Premium

Mayroon kang magiging crew dito, pati na rin mga ammo, mga medikal na supply, iba’t ibang kayamanan, at mga upgrade ng barko. Mayroon itong sariling hanay ng mga layunin na dapat mong tapusin at ang karamihan dito ay ang mga bagong barko na mapupuntahan lamang sa mga partikular na daungan. Maaari mong i-upgrade ang mga kasanayan ng iyong pagiging kapitan, ang iyong mga crew, o anumang armas o mga bala na ginagamit sa labanan. Maaari mong paghusayin ang iyong mga kasanayan bilang isang kapitan at ang mga kasanayan ng iyong mga miyembro upang magkaroon ng kalamangan sa bawat labanan.

Tempest

Tempest

Pros at Cons sa Paglalaro ng Tempest: Pirate Action RPG Premium

Nakikita ng Laro Reviews na mas nakakaengganyo ang larong ito sa larangan ng digmaan kaysa sa paglalakbay. Dito, nakatuon ang iyong pansin sa pakikipaglaban sa iba pang mga alamat na hayop tulad ng Kraken at Leviathan, pati na rin ang iba pang mga piratang makakaharap sa dagat. Susubukin mong bawiin o magnakaw ng ilang mga kayamanan dahil ito naman ay karaniwang gawain ng mga pirata. Ang gameplay nito ay nakasentro nang husto sa pagmamaniobra ng iyong barko at pag-atake sa iyong mga kalaban gamit ang mga kanyon at iba pang armas na mayroon ka.

Upang kontrolin ang iyong barko, gamitin ang on-screen na mga kontrol na arrow sa gilid ng screen. May kakayahan ang mga manlalaro na gumawa ng mga madiskarteng atake tulad ng kung aling mga kanyon ang gagamitin at kung aatake ba o hindi ang mga barko ng kalaban. Ang dagat dito ay maaaring pinapalibutan ng maraming barko ng kalaban. Ang mga kuta ng isla at mga nilalang sa dagat ay bihira lamang lumabas sa mga labanan pero nakadaragdag pa rin ito sa intense ng laro.

Sa ngayon, ang laro ay walang tutorial para sa ilang mga tampok nito na magsisilbing isang oryentasyon. Kapag sinimulan mo na ang laro, agad kang itatapon sa karagatan kasama ang iyong unang barko at sa isang lugar na dapat mong tuklasin. Marahil ay dapat linawin ng mga developer ang mga bagay-bagay para hindi maguluhan ang mga manlalaro. Ang laro ay nangangailangan pa rin ng maraming pagsasaayos upang mapahusay ito. Ang visual at music effects ay nakatutulong sa intensity ng laro at maganda ang display nito sa mga maliliit na screen ng mga smartphone device.

Konklusyon

Ang Tempest: Pirate Action RPG Premium ay hindi pa ganoon kahusay na laro dahil ang ilang mga manlalaro ay nalilito pa rin sa ilang mga function nito. Nangangailangan pa rin ito ng pagsasaayos at mga update para matugunan ang mga reklamo ng mga manlalaro tungkol sa playability nito. Ang mga virtual na kontrol ay maayos na naka-display sa buong screen na mas pinapadali ang pagmamaniobra ng iyong barko. Dahil naglalaman ito ng ilang hindi kanais-nais na eksena, hindi ito angkop para sa lahat ng bata, ngunit ito ay magiging isang napakahusay na time-killer app para sa mga nasa hustong gulang na.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...