Temple Run 2 Review

Ano ang Temple Run 2?

Ang Temple Run 2 ay isang mobile action game. Makikita dito ang isang karakter na tumatakbo palayo sa isang halimaw habang kumukuha ng coins. Ang karakter na ito ay ang iyong avatar. Makikita mo sa iyong paligid na ikaw ay nasa isang templo at gumaganap ka bilang isang adventurer. 

Ano ang Layunin ng Temple Run 2?

Kapag nakuha mo na ang isang treasure na ang tawag ay “IDOL” at hinabol ka ng isang halimaw, kailangan mong makalabas ng templo habang nangongolekta ng mga coins. Mayroon kang best score at kailangan mo ito malagpasan para makakuha ng rewards. Para magka-score, kailangan mong mangolekta ng maraming coins at maiwasan ang mga sagabal. Tapusin mo ang bawat objective para makakuha ng bago at maraming rewards.

Paano Simulan ang Temple Run 2?

Pag-download mo ng Temple Run 2 gamit ang akmang app store para sa iyong device ay i-click ang application at pindutin ang Play button. Pagkatapos ay tapusin ang tutorial at pwede ka nang maglaro.

Paano ito I-download?

Mayroon itong bersyon na nasa Play Store (Android) at AppStore (iOS). Gumagana  lamang ito para sa mobile devices at hindi uubrang magamit sa PC o console devices.

Naghahanap ka ng download link para masubukan ang laro? I-click ang isa sa mga sumusunod. Piliin lamang ang tamang link para sa iyong device.

  • Download Temple Run 2 on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.imangi.templerun2&hl=en&gl=US
  • Download Temple Run 2 on iOS https://apps.apple.com/us/app/temple-run-2/id572395608
Temple Run 2

Temple Run 2

Paano gumawa ng Account?

Step 1: Gumawa ng account sa Play Store o AppStore gamit ang iyong email at password.

Step 2: Pag-log in ay hanapin ang Temple Run gamit ang search bar.

Step 3: I-download ito at hintaying ma-install.

Step 4: Kapag na-download na ito ay i-click mo lang ang app at pwede ka nang maglaro ng Temple Run. Hindi na kakailanganin ng iba pang account o detalye para makapag-log in.

Extra Step: Pwede mo ring i-connect ang iyong Facebook account sa Temple Run para makita ng iyong mga kaibigan ang pinaghirapan mong makamit sa laro.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Ang konsentrasyon ay importante sa  game na ito dahil marami itong hadlang at iba’t ibang sorpresa. Kailangan mo rin ng mabilis na reaction time. Huwag kang magpahabol sa halimaw!

1.Maging listo at handang gumalaw anumang oras

Tumingin lamang sa direksyong tinutungo ng iyong avatar at iwasang magpalinga-linga para makita mo ang iyong dadaanan at maging listo sa pagdedesisyon kung kinakailangan.

2.Huwag sumuko at matakot na sumubok muli

Kung ikaw ay natalo sa unang subok, maglaro ka ulit para makapagpraktis pa at mapabilis mo ang iyong reaction time. Kailangan mong subukan ng paulit-ulit ang laro para makabisado mo ang mga obstacle at teknik ng pag-iwas sa mga patibong.

3.Mangolekta ng coins hangga’t kaya

Mangolekta ka ng mga coins upang magkaroon ng boost at revive options. Kolektahin mo din ito para sa score at bagong character o avatar, hats, cosmetics, at iba pa. Pwede ka ring makabili ng abilities gamit ang coins na nakolekta mo. 

4.Concentrate

Importante ang pagtutok habang gumagalaw ang iyong karakter sa laro. Kung mayroong distraction ay paalisin ito kung maari dahil isang maling galaw lang sa iyong background ay pwede kang matalo. Kailangan ding pag-isipan ng mabuti ang moves para makaiwas sa maling desisyon.

5.Maging wais sa paggamit ng power-ups

Maging wais sa paggamit ng power-ups dahil ito ang magliligtas sa iyo mula sa tiyak na kapahamakan at pagkatalo. Upang makakuha ng power-ups, magpatuloy lang sa pangongolekta ng coins at punuin ang green bar sa kaliwang itaas na bahagi ng screen. 

Related Posts:

Blackout Bingo – Win Real Cash Review

8 Ball Pool™ Review

Temple Run 2

Temple Run 2

6.Ipunin ang mga gems o hiyas na makokolekta

Importante ang gems para makabili ng bagong map at revival. Hindi porke’t nakaipon na ng kaunti ay lagi mo nang gagamitin ang mga gems bilang panubos sa bawat pagkakataong namatay ka at para i-revive ang sarili sa laro. Mas maganda kung gagamitin mo ito para bumili ng map o character, o kaya naman ay gamitin ito kapag natalo ka sa isang magandang run.

7.Huwag pahuhuli!

Minsan nagkakamali ka sa pagpindot at naaabutan ka ng halimaw. Maging concious sa mga galaw ng daliri upang hindi ka mahabol.

8.Magsama ng mga kaibigan sa laro

Makipaglaro sa iyong mga kaibigan at tingnan ninyo kung sino ang tatagal sa inyong lahat, isa itong tip para ma-level up mo ang iyong gameplay.

9.Huwag malito

Kailangan mong tignan ng mabuti kung ano ang nasa harapan mo, dahil nakakalito ito pag mabilis at matagal na ang iyong run, kabisaduhin hangga’t maaari kung ano ang mga hadlang na makikita mo sa buong run.

10.Relax lang!

Manatiling naka-relax lang habang naglalaro. Huwag kabahan dahil ito ang magiging sanhi ng pagbitiw at pagkatalo sa laro. Kailangan panatilihin ang maayos na paghinga habang naglalaro para totoong ma-enjoy ang ginagawa.

Ang pinakaimportante ay mag-focus at mag-relax habang naglalaro para totoong ma-enjoy ang Temple Run. Ito ang mga tips and tricks na galing sa aking sariling experience sa paglalaro ng Temple Run. Maaari itong makatulong at magamit bilang gabay. Tandaan mo lang na ang mga games ay dapat enjoy-in at huwag masyadong siniseryoso kapag natatalo. 

Pros at Cons

Masasabi ba natin na ang Temple Run 2 ay isang perpektong laro? Hindi, sa palagay ko. Ang larong ito ay may negatibo at positibong dulot sa mga naglalaro nito. Gayunpaman, hindi ibig sabihin na pangit ang laro at hindi karapat-dapat subukan.

Pros

Ang larong ito ay isang adrenaline rush game. Punung-puno ito ng suspense at tiyak na papatalunin ka nito mula sa iyong upuan. Ang laro ay madaling laruin at intindihin ngunit masasabi kong mahirap itong tapusin at talagang makakaramdam ka ng challenge dito. Hahasain nito ang iyong reaction time at tiyak na bibigyan ka nito ng kaba sa dibdib. Mapapasigaw ka sa bawat tira at pagliko. Masasabi kong makakalimot ka sa problemang dinadala mo sa oras na laruin mo ito sapagkat malilibang ka talaga. Ang larong ito ay hindi nagtatapos sa kung ano lang ang nakikita mo. Marami itong updates at laging may bago. 

Temple Run 2

Temple Run 2

Cons

Ang Temple Run 2 ay pinakamagandang laruin sa device na mataas ang specifications dahil sa animation at graphics nito. Hindi ito mae-enjoy ng mga manlalarong may low-end phones. Lagi man itong may bagong updates, hindi pa rin nagbabago ang sistema at wala itong misyon o everyday task katulad ng ibang laro kung saan aabangan mo araw-araw kung ano ang iyong gagawin o kung ano ang dapat mong tapusin sa bawat araw. Hindi nito kailangan ng grabeng husay o estratehiya. Mararamdaman mong maibabalik nito ang liksi ng iyong reaction time. Pwede ito sa mga taong naghahanap ng kaunting thrill at suspense ngunit paniguradong madali itong pagsawaan.

Konklusyon

Magandang game ang Temple Run at nagawa nitong manatili sa market ng matagal ng panahon. Maganda itong libangan dahil sa thrill at excitement na ibinibigay nito. Pwede rin ito laruin ng mga bata dahil wala namang censored elements ang content nito. Kailangan mo lang talaga ng concentration at mabilis na reflex para malaro ito ng maayos at kung gusto mong tumagal sa laro. Pwede ito para sa mga casual na gamers na naghahanap lamang ng relaxation, maganda din ito para makipagpaligsahan sa mga iyong kaibigan. Malalaman na kung sino ang mas matibay at may pinakamatagal na buhay. Sa kabilang banda, walang masyadong reward system para sa Temple Run 2, kundi ang characters at maps. Pwede rin namang ulit-ulitin ang mga mapa lalo na’t matagal mo nang nilalaro ito. Asahan ang pagla-lag sa mga phones na mahihina at mababa ang processor. Kung ikaw naman ay isang competitive gamer ay hindi ito bagay sa iyo dahil madali kang mabo-bore o mababato, dahil hindi competitive-type ang tema ng laro. Ngunit ito ay may sapat pa rin namang mga paandar upang maaliw ang lahat sa paglalaro. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...