TEPPEN Review

Nakita mo na ba ang mga paborito mong CAPCOM Heroes sa isang card game? Kung hindi pa ay maaari mong silipin ang larong ito, ang TEPPEN, na inilabas ng GungHo Online Entertainment, Inc. na maaaring ma-enjoy ng bawat fan ng ganitong genre at laro. Sa larong ito, kailangan mo lamang pumili ng isang Hero at bigyan ito ng malakas na deck upang magamit na panlaban sa iba’t ibang klase ng laban na mayroon sa larong ito. Muling gamitin ang talino, hasain ito sa pamamagitan ng pagpili ng mas epektibong card upang mapatumba ang iyong mga kalaban, mapa-PvE man o PvP.

Features ng TEPPEN

Ang TEPPEN ay naglalaman ng mga karakter na mula sa mga kinalakihan na nating game series at heroes noon. Narito ang ilang mga sikat na karakter na mula Street Fighter, Monster Hunter, Mega Man X, Darkstalkers, Devil May Cry, Resident Evil, Ōkami, Sengoku BASARA, Strider, Ace Attorney, Dead Rising, Breath of Fire at Red Earth. Lahat ng mga ito ay malaya mong piliin sa bawat labanan. 

Dahil ito ay isang uri ng card game, ang bawat Hero ay may kanya-kanyang deck of cards. Laman ng bawat deck ang iba’t ibang klase ng rarity gaya ng Common, Rare, Epic, at Legendary. Kung magtutungo sa Cards section ay malalaman mong maaari mong i-edit ang mga ito depende sa nais mo. Maaari mong tanggalin ang nakahandang deck at palitan ito base sa kanilang ability, rarity at card class gaya ng Normal, Golden at Secret. Kung nais mo ang guide pagdating sa pag-eedit nito, maaari mong gamitin ang Deck helper na option upang ito ang pumuno ng slot sa deck depende sa nais mong elements ng iyong Hero.

Maraming iba’t ibang klase ng game mode na malayang malalaro sa TEPPEN. Mayroon ditong Single na isang PvE. Laman nito ang tulad ng Hero Stories kung saan maaari mo ring subaybayan ang kwento na mayroon ang bawat karakter. Bawat isa sa mga ito ay mayroong tig-tatlong chapter na kailangan mo ring lampasan bago makausad sa panibagong character. Kasunod nito ang Chronicles kung saan laman nito ang maiikling quest. Panghuli rito ang Practice kung saan may kalayaan kang mamili ng iyong makakalaban at kung nais mo ang intense na labanan. Ang Coliseum at Battle naman na game mode ay ang maituturing na PvP ng laro dahil maaari mo namang makalaban ang iba pang naglalaro ng TEPPEN.

Maraming features sa larong ito na maaari mong mapagkuhanan ng iba’t ibang klase ng rewards na bukod pa sa nakukuha mo sa bawat naipapanalo mong laban. Mayroon ditong tinatawag na quest board kung saan makikita ang ilang mga task na maaari mong malagpasan kapalit ng rewards na siyang makikita mo rin dahil magkatabi lamang ang dalawang ito. Mayroon itong apat na set at isa-isa lamang nagbubukas ang mga ito, maaaring kapag natapos mo na ang lahat ng nakalistang task sa unang set. Bukod dito ay mayroon din itong Mission kung saan laman nito ang Achievements, Season Pass at Event. Ang Present Box naman ay naglalaman ng mga rewards na maaari mong makuha sa nakatakdang oras.

Saan maaaring i-download ang TEPPEN?

Ang larong ito ay nangangailangan lamang ng 86MB sa Google Play Store habang 2.6GB naman pagdating sa App Store. Maaari ka namang gumamit ng emulator gaya ng MEmu Play para naman sayong PC. Kung nais mo itong laruin, i-click lamang ang link na nasa ibaba depende sa device na iyong gamit.

Download TEPPEN on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=jp.gungho.teppen

Download TEPPEN on iOS https://apps.apple.com/us/app/teppen/id1460764653

Download TEPPEN on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-jp.gungho.teppen-on-pc.html

Tips at Tricks sa Paglalaro ng TEPPEN

Dahil maraming klase ng card na mayroon sa larong ito, mas mainam na magkaroon muna ng kahit maikling panahon upang pag-aralan ang mga ito; mula sa ability, types at skills na mayroon ang bawat isa nito upang hindi mabigla kung sakaling dumating man na ilalaban mo na ang mga ito. Malaya ka ring i-edit ang deck ng iyong mapipiling tauhan kaya huwag itong palampasin at sikaping ang mga ilalagay doon ay tunay na may potensyal na maipapanalo ka. Huwag ding palalampasin ang bawat quest, mission at iba pang features ng laro kung saan maaari kang makakakuha ng ilang mga rewards na siyang magagamit mo upang magkaroon ng iba pang klase ng cards at kalaunan ay mapalakas ito. Maaari kasing dumating ang pagkakataon na tila mahirap nang magawa ito kaya palaging sulitin o pagsikapan na laging natatapos ang bawat tasks na narito.

Pros at Cons ng TEPPEN

Bago at kakaiba ang hatid ng larong TEPPEN dahil ginamit nila ang mga sikat na karakter na mula pa sa kinaadikan natin noon na CAPCOM para sa isang card na genre ng laro. Sa unang tingin ay hindi mo agad aakalain na isa itong card game. Iisipin mo agad na ang larong ito ay bibigyan ka ng gameplay kung saan talagang hahasain ang iyong galing sa pagpindot ng iba’t ibang klase ng control, mapasuntok man o sipa para lamang makapuntos. Ngunit sa oras na simulan mo na ay mapapagtanto mo na maaari rin pala ito at tunay na maaaliw ka rin gaya ng kung paano ka naaliw laruin ang iba pang card game. Bukod pa rito, marami ka ring gameplay na maaaring subukan, mapa-PvE man o PvP. 

Nagustuhan din ng Laro Reviews ang graphics na nilagay para rito. Sobrang detalyado ng pagkakagawa sa mga ito at iisipin mong tunay na tao talaga ang nilagay nila para lamang sa larong ito. Hindi mo maiiwasang titigan nang mabuti ang pagkakagawa dito, mula sa detalyte ng kanilang mga damit, ekspresyon at kahit sa bawat labanan dahil sa sobrang lapit nito sa pagiging perpekto. Kahit pa sa pagkakataong sa maliit na hugis gaya ng card mo lang ito nakikita ay lalo ka lamang mamamangha dahil napapanatili pa rin nito ang magandang kalidad nito.

Ang kahinaan lamang na maaaring makita sa larong ito, base sa mga nakapaglaro na, ay ang nararanasan nilang hirap para lamang makakakuha ng golds at ticket ng laro. Isa kasi ito sa may pinakamahalagang bagay na mayroon sa laro dahil nakakatulong ito upang makakuha ka ng mga card na mas epektibong gamitin sa bawat laban. Isa ito sa problema, hindi lang ng mga libreng naglalaro nito kundi pati na rin sa mga bumili ng item sa laro gamit ang tunay na pera. 

Konklusyon

Ang TEPPEN ay hindi lamang para sa mga manlalarong nahilig noon at mapa-hanggang ngayon sa CAPCOM. Hindi lang din ito para sa mga manlalarong mahilig sa Card games. Para rin ito sa mga manlalarong naghahanap ng bagong timpla pagdating man sa CAPCOM games o kahit sa Card games dahil ang TEPPEN ang patunay na maaari palang pagsamahin ang dalawang ito sa isang laro lamang, Kakaiba, bago at talagang nakakaaliw laruin. Iyan marahil ang nais iparating ng developer nito nang likhain nila ang larong ito na siya namang pinaniniwalaan ng Laro Reviews – na hindi naman sila nabigong makita ng bawat manlalaro. 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...