Text or Die Review

Text or Die – Ang larong ito na binuo ng Rollic Games ay tungkol sa pagsagot sa mga tanong mula sa dalawang players kung saan ang nag-type o nagbigay ng pinakamahabang sagot ang siyang mananalo. Sagutin lang ang bawat tanong na may pinakamahabang sagot na maiisip mo upang maitayo ang iyong tore at mailigtas ang sarili sa pagtaas ng tubig. Kung mas maraming titik ang iyong ginagamit sa sagot, mas malaking tambak ng mga tiles ang iyong makukuha. Kung mas malaki ang naipon mong tambak ng tiles, hindi ka maabot at makakain ng isang pating. Kung gusto mong iwasan ang masaklap na kapalarang nakaamba, buuin lamang ang pinakamahabang sagot para sa bawat tanong.

Ang Text or Die Gameplay

Ito ay isa sa mga klasikong trivia at general knowledge game na makikita mo online. Sa laro, nakatayo ang isang avatar sa ibabaw ng mga stack ng mga bloke na isang ligtas na kanlungan. Sa ibaba ay may karagatan na puno ng mga pating na lalamunin ka kapag nagsimula ka ng malunod. Kailangan lamang ng manlalaro na magbigay ng tamang sagot sa mga tanong. Lumilitaw ang mga tanong sa screen at ang bilang ng mga titik ng tamang sagot ay katumbas ng bilang ng mga tiles na makukuha mo. Ang antas ng tubig ay patuloy na tumataas habang tumatagal, kaya dapat tama ang iyong bawat sagot.

Layunin ng Laro

Ang tanging layunin lamang sa laro ay bumuo ng pinakamahabang salita upang makakuha ng maximum na mga stack. Kung magtatagal ka hanggang sa huling round, ikaw ang magiging panalo sa laro. Makakakuha ka ng mga random na tanong na may kaugnayan sa mga karaniwang bagay.

Related Posts:

Magic Jump: EDM Ball Dancing Review

Critical Strike Review

Text or Die

Text or Die

Ang Coins at Shop sa Laro

Maaaring gamitin ang mga coins sa pagdaragdag ng higit pang mga tiles sa iyong pile o sa pagkuha ng pahiwatig kung natigil ka man sa isang salita. Gayunpaman, bihira na kakailanganin mo ang alinman sa mga bagay na ito. Nangangahulugan din ito na walang gaanong punto ang panonood ng mga video ads upang makakuha ng mas maraming coins.

Sa Shop section naman, maaari mong i-customize ang iyong avatar, mga blocks at sumbrero. Maaari kang manood ng mga ads upang i-unlock o gamitin ang mga coins kung sakaling gusto mo ng ilang mga pampaganda. Makakakuha ka rin ng mga in-game drop kung ikaw ay nakakonekta sa internet.

Ang mga Paksa sa Bonus Round

Sa bonus round ng Text or Die, bibigyan ka ng pahintulot na pumili ng mga paksa kagaya ng Words, Food, Sports, Game, Music, Animals, Science at Geography.

Text or Die Download

Gaya ng nabanggit, ito ay isang mobile app na maaari mong i-download sa Android, iOS at PC. Ang kabuuang downloads ng app ay umabot na ng mahigit 500,000. Kung mag-i-install ka ng Text or Die sa iyong device, dapat mayroon itong 14mb space at kailangan din ng mataas na bersyon ng OS.

  • Download Text or Die Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.fullfat.textordie&hl=en_US&gl=US&auao=false&referrer=utm_source%3Dgoogle%26utm_medium%3Dorganic%26utm_term%3Dtext+or+die+android&pcampaignid=APPU_1_YcKjYfnSEc-X-Abvg7zwBw
  • Download Text or Die Game on iOs https://apps.apple.com/us/app/text-or-die/id1562313985
  • Download Text or Die Game on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.fullfat.textordie-on-pc.html
Text or Die

Text or Die

Ilang Text or Die Tips 

Kung nasagot mo na ang ilang tanong o nagta-type ka para sa iyong buhay sa unang pagkakataon, makakahanap ka ng ilang mga bagay sa laro na makakatulong sa iyo upang manatili ka sa tuktok ng pile.

Ang anumang salita ay mas mabuti kaysa sa isang pagkakamali

Kung nahihirapan kang mag-isip ng mahahabang salita, pumili lang ng mas maikli. Magkakaroon ka pa naman ng pagkakataong makakuha ng mas mahabang salita sa susunod na round, at mas mahusay na makakuha ng apat o limang tile kaysa wala. Huwag masyadong ma-stress sa pagsisikap na mag-isip ng salita na may maraming titik. Basta panatilihin lamang ang pagpapataas ng stack pile.

Tandaan ang mga Sagot

Marami sa mga tanong ang inuulit, o ginagamit sa iba’t ibang paraan. Kaya siguraduhin na tandaan ang iyong mga tamang sagot. Tingnan rin kung ano ang ginagawa ng iyong mga kalaban, kung gumamit ba sila ng mas mahabang salita kaysa sa iyo. Siguraduhing idagdag ito sa iyong memorya upang matiyak na makakakuha ka ng higit pang mga puntos sa susunod na bumalik ang isang tanong.

Hindi kailangan ang mga space

Hindi mo kailangan pang maglagay ng mga puwang sa pagitan ng mga salita. Halimbawa, ang “black shoes” ay magiging “blackshoes”. Syempre pa, ang mga sagot na binubuo ng ilang salita ay magbibigay sa iyo ng mas maraming titik. Kaya kung makakaisip ka ng isang salita o mga salita na tumutugma sa ipinapakitang mga clue, huwag mag-alangan na gamitin ito.

Huwag magmadali

Walang limitasyon sa oras sa pag-iisip ng isang salita, kaya siguraduhin na maglaan ng oras. Suriin ang nabuong sagot upang matiyak na nabaybay mo ito nang tama. Wala ng mas masahol pa sa isang typo na makakasira sa iyong paglalaro. 

Text or Die

Text or Die

Pros ng Text or Die

Mahusay ang pagkakagawa ng konsepto ng laro. Napakadali lang din makuha at sundin ng mekaniks kaya mas na-eenjoy ng mga manlalaro na mahilig sa mga trivia. Hinahamon din nito ang iyong pag-iisip upang mailabas at matandaan mong muli ang iyong mga natutunan. Ang larong ito ay puno ng iba’t ibang kaalaman at mga teorya kaya ito ay may potensyal na maging nakakaadik.

Cons ng Text or Die

Ilan lamang sa mga kabiguan sa laro ay ang hindi pagkakaroon ng option para makipaglaro sa totoong mga tao. Nakikipaglaro ka lang laban sa isang AI. Nakakawalang-gana nga naman kapag napagtanto mong hindi mga tao ang kasabay mong naglalaro. Kinakailangan ding magbayad ng pera upang maglaro ng ad free sa bersyong ito. Dahil sa dami ng mga ads na lumalabas ay halos hindi mo na magawang laruin ang laro. Ang ilan pa sa mga ads na ito ay bugged. Mayroong black screen bug kung saan ay itim na lang ang iyong makikita at maaari pang ikasira ng iyong device. Ang isa pang napuna sa laro ay limitado lamang ang bokabularyo nito. Kaya huwag nang magtaka kung minsan ay minamarkahang mali ang iyong sagot kahit taman naman ito.

 Konklusyon

Ang Text or Die ay isang napakaganda at epektibong brain teaser. Marami itong itinuturo sa iyo tulad ng mga tatak ng kotse, mga pangalan ng mga presidente sa alin mang bansa, pati na rin ang mga bansa sa Africa.

Mayroon din namang maraming maliliit na premyo sa laro kaya hindi na rin ito masama. Pero kung gusto mo pa ng mas maraming coins, panoorin lamang ang ads napasulput-sulpot kung ito naman ay walang kaso sa iyo.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...