The Room Review

Ang “The Room” ay isang 3D puzzle game kung saan may mga puzzle boxes na kailangan mong malutas. Isa sa “most critically acclaimed” puzzle game noong taong 2010 at hindi maitatanggi kung bakit. Pulido ang pagkakagawa sa lahat ng aspeto ng laro kaya naman nagkaroon pa ito ng mga sequels. 

Narito ang ilan sa mga awards na natanggap ng The Room noong 2012:

  • Best Game of The Year ng Apple, Inc. 
  • Best British Game ng British Academy of Film at Television Arts 
  • Best Handheld/Mobile Game ng Game Developers Choice Awards
  • Excellence in Visuals ng The International Mobile Game Awards
  • Best Game Design ng The Independent Game Developers’ Association

Narito ang mga sequels ng The Room:

  • The Room Two (2013)
  • The Room Three (2015) 
  • The Room: Old Sins (2018) 

At kung gusto mo ng kakaiba at mas realistic na gameplay ng The Room, mayroon ding VR: A Dark Matter kung saan maaari mong malaro ang The Room gamit ang iyong virtual reality goggles. 

The Room

The Room

Simple lang ang plot ng The Room. Nasa isa kang kwarto na may nakakandadong kahon at kailangan mo itong mabuksan. Mukhang madali, ‘di ba? Sa una, oo pero habang tumataas ang level, mas pahirap nang pahirap ang kailangan mong gawin upang ma-unlock ang mga kahong ito. May mga clues na ibibigay sa iyo upang mabuksan mo ang mga kahon. 

Hindi istorya ang bentahe ng The Room. Sa katunayan, pwedeng-pwede mong laruin at gawing libangan ito nang hindi sinusubaybayan ang daloy ng kwento dahil sa mismong laro pa lang, malilibang ka na sa hirap ng mga puzzle. 

Ngunit kung interesado ka sa kwentuhan, ang istorya ng The Room ay umiikot sa isang Victorian scientist na nakadiskubre ng mga sikreto mula sa supernatural na mundo at bilang manlalaro ay kailangan mo ring alamin ang kanyang mga natuklasan. Ang laro ay tungkol din sa pagtuklas ng “null element” – isang tagong elemento sa apat na classical elements (lupa, hangin, apoy, tubig). 

Sa una, iisipin mo na baka horror game ang The Room dahil sa kapaligiran at sound effects nito. Hindi naman nakakapagtaka dahil karamihan ay ito nga ang unang impresyon. May magandang blending ang The Room na nagpapaalala sa lahat ng mga larong hango sa Lovecraftian horror games gaya ng Eternal Darkness. Ngunit, hindi kailangang mangatog ng tuhod mo dahil puro puzzle lang ang larong ito. 

Paano laruin ang The Room?

Madali lang ang controls ng The Room. Kung ang gamit mo ay iOS o Android, ang kailangan mo lang gawin ay i-swipe ang screen kung gusto mong iikot ang camera, i-double tap kung gusto mong mag-zoom in sa isang bahagi ng box, at “expand gesture” naman para mag-zoom out. Isang click naman ang kailangan upang ma-select ang clue o item para malutas ang puzzle. 

Kung sa PC naman maglalaro, double click ang para sa zoom in, right click ang zoom out, i-click ang clues at item, at drag para igalaw ang camera sa ibang direksyon. 

Kung maglalaro sa Switch, pindutin ang R para i-sentro ang pointer, “A” o “Z” naman para i-select ang clues at igalaw ang camera, at mag-zoom in at zoom out gamit ang “A” o “B”. Pero kung ayaw mong gumamit ng Joy-Con, pwede mo ring laruin sa Switch gamit ang touchscreen controls. 

Walang kumplikadong controls ang The Room. Matapos malaman ang controls, may lalabas na tandang pananong sa kanang bahagi ng screen upang mabigyan ka ng clue sa kung ano ang susunod mong gagawin. Oo, bibigyan ka ng clue, pero hindi diretso o lantarang sasabihin sa iyo ang susunod mong gagawin upang hindi mawala ang “thrill” ng The Room. 

May clues sa mga puzzles ng The Room na hindi mo makikita sa unang tingin dahil nakatago ang mga ito. Oras na makuha mo ang lens, gamitin ito upang makita ang mga clue para sa susunod mong gagawin. May mga pagkakataon rin na makakakuha ng items gaya ng mga susi para may mabuksan kang isang kandado. Lahat ng items mo ay nakatabi sa iyong inventory kaya mainam na palagi itong tingnan. 

The Room

The Room

Saan maaaring malaro ?

  • Download on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.FireproofStudios.TheRoom&hl=en&gl=US
  • Download on iOS https://apps.apple.com/us/app/the-room/id552039496
  • Download on PC https://store.steampowered.com/app/288160/The_Room/
  • Download on Nintendo Switch https://www.nintendo.com/games/detail/the-room-switch/
  • Kung gusto mo naman ng in-game content gaya ng phone wallpapers at posters, maaari kang mag-download https://www.fireproofgames.com/downloads

Mga diskarte sa paglalaro ng The Room 

Gaya ng karamihan sa puzzle games na makikita mo online, maraming walkthrough kung paano mo matatapos ang The Room. Ngunit, mas nakakatuwa kung matatapos mo ito nang walang alalay, dahil ang punto ng isang puzzle game ay maging isang palaisipan. 

Upang mas madaling matapos ang The Room, mainam na basahin ang bawat clue na ibibigay sa iyo. Kailangan mo ring maintindihan na hindi direkta ang mga clue na ito. Halimbawa, kapag may clue na “it smells burning,” maaaring ibig sabihin ay kumuha ng bagay na may kinalaman sa apoy gaya ng kandila o posporo. 

Dapat na maging mapagmasid ka rin sa buong puzzle. Bawat sulok ng kahon ay dapat mong matingnan dahil minsan naroon mismo ang mga clue. 

The Room

The Room

Pros at cons ng The Room 

Isa sa pinakakahanga-hangang katangian ng The Room ay ang pagiging nakakalibang nito kumpara sa ibang action games kahit na ito ay isang puzzle game lamang. Kung susubukan mong i-zoom in ang puzzle na nasa screen, makikita mo ang pagiging detail-oriented ng mga developer ng The Room sa paggawa ng graphics. Mas lalo lang gumanda ang graphics nito nang magkaroon ng PC version. 

Related Posts:

King of Avalon: Dominion Review

Moshquito! Review

Kung pagbabasihan naman ang audio ng laro, masasabing akma ang sound effects. Bawat bulong, langitngit, at ihip ng hangin ay nakakadagdag sa kapaligirang gustong ipadama sa mga naglalaro nito. Dahil sa kumbinasyon ng gameplay, graphics, audio, at pagiging simple nito, hindi kataka-taka kung bakit ito nakahakot ng papuri mula sa mga kritiko. 

Sa kabilang banda, masyadong maikli ang Switch version ng The Room at may ilang review na nagsasabi na walang replay value ang laro. Oo, masaya itong tapusin ngunit ito ang tipong uulitin-ulitin mo kapag natapos mo na. Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na hindi magandang laro ang The Room. 

Marahil, ang dahilan kung bakit nasabi ng ilan na walang replay value ang The Room ay dahil alam na ng manlalaro ang sagot sa mga puzzle oras na matapos nila ito. Karamihan ng mga puzzle games ay nasa ganitong sitwasyon. 

Konklusyon  

Sa pangkalahatan, ang The Room ay isang natatanging puzzle game. Ang isa sa mga kahanga-hangang bahagi ay ang mga disenyo ng palaisipan na talagang susubok sa iyong talino. Para sa mga mahilig sa larong puzzle, ang The Room ay lubos na makatwiran sa lahat ng papuri rito. Kung hindi mo pa ito nasubukan, huwag mo nang palampasin ang pagkakataon at i-download na ito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...