The Walking Dead No Man’s Land Review

Makakaligtas ka ba sa zombie invasion? Halika’t dadalhin ka ng Walking Dead No Man’s Land sa nakamamanghang labanan sa pagitan ng mga survivor at zombie. Bumuo ng grupo at magsanay sa campground kasama ang mga huling nakaligtas sa mundo at punan lahat ng kanilang mga pangangailangan sa panahon ng zombie invasion. Kailangan mong gumawa ng Farm Plot para sa supply ng pagkain at pagpapalawak ng iyong teritoryo upang bumuo ng mga gusali at tirahan. Kailangan mong pamahalaan ang iyong komunidad at kumpletuhin ang ilan sa mga pinakapangunahing pangangailangan nito. Kumuha ng mga armas at kagamitan upang bigyan ka ng lakas sa pakikipaglaban, mahanap ang iba pang survivor, at makumpleto ang mga layunin ng laro.

Ano ang Layunin ng Laro?

Ang bawat level ng laro ay naglalaman ng iba’t ibang layunin. Magsisimula kang mamahala sa isang maliit na teritoryo at isang maliit na grupo ng mga survivor. Gumagawa ka ng isang maliit na komunidad sa gitna ng zombie apocalypse. Ang pagtapos at pagkumpleto ng mga level ay tiyak na magbibigay sayo ng maraming rewards tulad ng ginto, mga supply ng pagkain, kagamitan, armas, at iba pang kinakailangang bagay na makakatulong sa kanila na mabuhay. Isa sa iyong mga layunin sa bawat level ay ang dalhin ang mga survivor sa exit area.  Ito ay umiilaw ng kulay berde. Kapag nadala mo silang ligtas doon ay magiging tagumpay ang iyong misyon. Maaari kang magpatuloy sa susunod na level, mag-unlock ng mga feature, at mangolekta ng maraming reward at bonus!

The Walking Dead No Man's Land - Laro Reviews

The Walking Dead No Man’s Land – Laro Reviews

Paano ito laruin?

Ang laro ay madali lamang laruin. Ang mekaniks at kontrol ay simple lamang maunawaan. Patuloy na basahin ang artikulong ito na inihanda ng Laro Reviews upang malaman ang mga tampok na maaari mong tuklasin dito. Huwag mag-alala ang mga baguhang manlalaro dahil ito ay mayroong tutorial na magpapaliwanag sa mga pangunahing aspeto at bagay na kailangan mong malaman.

Ilalagay ka kaagad nito sa labanan, kung saan matututunan mo kung paano kontrolin ang iyong mga karakter at salakayin ang mga zombie. Ang iyong battleground ay isang grid pattern at magkakaroon ang bawat isa sa inyo ng pagkakataon na gumalaw at umatake. Kapag pagkakataon na ng mga survivor na umatake, i-swipe lang at i-drag ang mga ito patungo sa mga zombie at kusa nitong sasaksakin o aatakehin ang mga kalaban, ganoon din ang mangyayari kapag pagkakataon naman ng kalaban na umatake. Layunin mo na madala ang lahat ng kasama mo sa exit area kapag napatay mo na ang lahat ng zombie para i-clear ang stage. Kung matagumpay mong natapos ang mga gawain, gagantimpalaan ka ng iba’t ibang mga item at reward.

Maaari kang bumalik sa campsite at magtayo ng mga building doon. Ang unang bagay na dapat mong gawin ay ang “Farm Plot.” Ang Farm Plot ay gumagawa ng supply na pagkain na kailangan para magtayo at mag-upgrade ng mga building. Pagkatapos ay kakailanganin mo ayusin ang isang sasakyan na iyong gagamitin sa misyon. Ang “Gas” ay ginagamit upang simulan ang mga misyon. Ito ay nagre-recharge tuwing 10 minuto. May mga item na umiilaw sa labanan. Upang buksan ang mga ito, i-swipe lamang ang mga karakter patungo sa bagay na iyon. Available din ang Daily Quests, Achievements, at Newbie Bonus. Habang umuusad ka, magagawa mong ma-unlock ang iba pang mga building pati na rin ang mga bagong karakter.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang The Walking Dead No Man’s Land sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 491 MB at 520 MB naman para sa iOS.

The Walking Dead No Man's Land - Laro Reviews

The Walking Dead No Man’s Land – Laro Reviews

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download The Walking Dead No Man’s Land on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.nextgames.android.twd

Download The Walking Dead No Man’s Land on iOS https://apps.apple.com/us/app/the-walking-dead-no-mans-land/id970417047

Download The Walking Dead No Man’s Land on PC https://www.bluestacks.com/apps/strategy/the-walking-dead-no-mans-land-on-pc.html

Hakbang sa paggawa ng account sa Larong The Walking Dead No Man’s Land 

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong The Walking Dead No Man’s Land pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o mase-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng The Walking Dead No Man’s Land!

Tips at tricks sa paglalaro ng The Walking Dead No Man’s Land 

Ang Laro Reviews ay magbibigay ng ilang ideya o tips kung paano mabuhay sa gitna ng isang zombie apocalypse. Ito ay ang mga sumusunod: 

Bumuo ng solidong lineup ng mga survivor at magdagdag ng mga extra slot – Sa bawat laban, importante ang pagbuo ng isang grupo na binubuo ng malalakas na miyembro. Maaari ka ring magdagdag ng slot upang lumakas ang iyong grupo at tumaas ang tsansang manalo ka sa laban.

The Walking Dead No Man's Land - Laro Reviews

The Walking Dead No Man’s Land – Laro Reviews

I-upgrade ang iyong Campsite – Ang campsite ang iyong pinakaligtas na lugar sa sitwasyong ito. Magagawa mong magtayo ng mga building tulad ng mga farm plot, training camp, tent, at council – ilan lamang ito sa maaari mong itayo rito. Maaari mo ring i-upgrade ang mga ito upang makakuha ng mga karagdagang supply at XP/BP habang pinapalawak ang iyong teritoryo. Ito ay makakatulong sa iyo na mapabilis ang pag-level up.

Mangolekta ng mga malalakas na armas – Ang laro ay magbibigay sayo ng mga kagamitan at armas na maaari mong gamitin sa pakikipaglaban. Dapat mong malaman ang iba’t ibang critical points na maibibigay nito sa mga zombie.

Palakasin ang iyong mga karakter – Ito ang pinakamahalagang aspeto ng laro. Dapat mong i-upgrade ang mga ito upang maubos ang mga zombie at manalo sa bawat laban. Ang mga zombie ay nagiging mas malakas, kaya dapat mo ring palakasin ang iyong mga karakter.

Pros at cons sa paglalaro ng The Walking Dead No Man’s Land 

Ang Walking Dead No Man’s Land ay tumanggap ng napakagandang feedback mula sa mga manlalaro nito. Ito ay talagang mahusay na laro at nag-aalok ng maraming features para tuklasin. Dadalhin ka nito sa kahanga-hangang aksyon at labanan ng mga zombie at mga survivor. Mararanasan mo rin ang magtayo ng mga building para mapalago ang iyong maliit na camp site. May kakayahan kang i-upgrade at ilipat ang mga ito sa lugar na gusto mo. Ang mekaniks ay madali lamang kabisaduhin at ang tanging gagawin mo lamang dito ay i-swipe ang mga karakter patungo sa mga zombie. Kapag nanalo ka, ang laro ay magbibigay ng maraming reward na maaari mong gamitin para i-upgrade ang mga karakter at mga building. Maaari kang makakuha ng mga karagdagang reward sa pamamagitan ng pagkumpleto ng Daily Quests, Achievement, at Newbie Bonus.

Related Posts:

Fantastic Beasts’ Legend Review

Heroes Infinity: Super Heroes

Ang visual designs ay maayos na nai-display sa maliit na screen at ang sound effect nito ay lumilikha ng isang kapanapanabik na tunog na impresyon ng mga zombie at survivor habang umaatake sa isa’t isa. Maaari mo ring ikonekta ito sa iyong Google Play account upang i-save ang iyong progress at ilipat ang data ng laro sa isa ibang device. Maa-access ito sa lahat ng gumagamit ng Android, iOS, at PC. Libre din itong i-download mula sa mga app store. 

Kabilang dito ang in-app purchase kung saan maaari kang gumastos ng totoong pera online. Ito ay hindi angkop para sa mga bata dahil ito ay naglalaman ng karahasan, ngunit ito ay isang mahusay na stress reliever at entertainment app para sa mga matatanda. Ito ay nakaka-enganyong laruin at gumagana ng maayos sa mga smartphone. Subukan ito at iyong mararanasan ang hatid na tuwa at nakaka-aliw na gameplay nito.

Konklusyon

Ang laro ay nakamamangha at mahusay ang performance sa mga device. Ito ay tunay na nakaka-aliw at nagpapasigla sa maraming mga manlalaro. Subukan itong laruin at maranasan kung paano mabuhay sa gitna ng zombie apocalypse.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...