Titan Throne Review

Ang Titan Throne ay panibagong strategy at castle building real-time strategy MMO (massively multiplayer online) game na ipinakilala ng game developer na Camel Games para sa mobile devices. Bilang manlalaro, ang papel mo ay ang pagiging isang lider na nangunguna sa hukbo ng troops, heroes, at beasts para sakupin ang buong mundo. 

Nakatatag at napapalibutan ang iyong siyudad ng mga siyudad ng ibang players, mga halimaw, resources, at nakakubling treasure. Dahil sa lokasyong ito, pwedeng sugurin ang iyong syudad anumang oras. Kaya bilang Commander, dapat maging handa palagi sa pagprotekta ng iyong siyudad. Sa larong ito, magagawa mong pataasin ang battle power, magtayo ng castle, at mag-upgrade ng heroes, buildings, research, at troops.

Features ng Titan Throne

Four Unique Races – Binubuo ng apat na races ang Titan Throne, ang Humans, Elf, Orc, at Undead. Kapag sinimulan ang laro, kailangang mamili ng manlalaro kung saang race siya magiging parte. Ang mga ito ay may kani-kanyang natatanging katangian at abilidad. Tunghayan din ang nakakamanghang 3D castle ng bawat isa!

Titan Throne - Laro Reviews

Titan Throne – Laro Reviews

Build Your Empire – Matapos pumili ng race, sisimulan mo na ang pagsasaayos ng mga gusali, research projects, at panibagong mystic spells sa pamamagitan ng pag-a-upgrade ng mga ito. 

Collect Heroes – Mangolekta ng makapangyarihang heroes mula sa iba’t ibang background. 

Alliance System – Makakakuha ang manlalaro ng maraming benepisyo sa pagsali ng alliance. Bilang parte ng alliance, may kontribusyon ka sa pangkalahatang kagalingan ng bawat miyembro. Madali lang sumali ng alliance sa laro, at minsan pa ay nag-iimbita ang mga aktibong nagre-recruit ng miyembro. Asahang tutulungan at ipagtatanggol ka ng ibang miyembro sa labanan. 

Saan Pwedeng I-download ang Titan Throne?

Para mai-download ang laro sa iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman para sa iOS users, ilagay ang Titan Throne sa search bar, hanapin ito sa search results at pindutin ang Get o Install button. Free-to-play (F2P) ang laro kaya direkta na itong maida-download dahil walang kailangang bayaran dito. Pagkatapos makumpleto ang pag-download, kumpletuhin lang ang mga kailangan sa sign-up details. Maaari mo nang simulan ang paglalaro!

Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Titan Throne on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.camelgames.throne

Download Titan Throne on iOS https://apps.apple.com/us/app/titan-throne/id1298915029

Tips at Tricks sa Paglalaro

Basahin ang inihandang tips at tricks ng Laro Reviews para tulungan ka sa iyong paglalaro. Sa umpisa ng laro, kailangan mong mamili ng race na iyong kabibilangan. Maaari mong basahin ang deskripsyon ng bawat isa sa kanang itaas ng screen. Dito, tatalakayin ang detalye ng strengths nito pati na rin ang troops na pwede nilang makuha. Maaaring mamili sa apat na races: Human, Elf, Undead, at Orc. Malaki ang pagpapahalaga ng Humans sa kabanalan at liwanag. Mataas ang kanilang morale at mayroong support spells tulad ng healing at buff. Balanse ang distribusyon sa pagitan ng close combat at ranged troops, samantalang ang damage ay halos physical. 

Related Posts:

Castle Clash: Guild Royale Review

Vainglory Review

Titan Throne - Laro Reviews

Titan Throne – Laro Reviews

Ang Elf naman ay elegante at matiyaga. Naniniwala rin sila sa kalikasan at pagkakaisa. Kilala sila sa kanilang makapangyarihang spell-casting, mahusay na agility, at walang kapantay na galing sa range combat. Nakakapag-boost ang troops nito ng malakas na ranged attacks at mataas na level ng luck.

Sa Orc naman, kinahihiligan nila ang malawak na lupain at tunay na kinasisiya ang kalayaan. Maituturing na sila ang kabaligtaran ng Elf. Ang Orc ang may pinakamalakas na physical attack at natatangi ang kanilang close combat melee battles. Bukod pa rito, kaya nilang tumanggap ng mataas na physical damage dahil ang kanilang health points ay mas mataas sa karaniwan. 

Panghuli, ang Undead. Ang sentro ng sibilisasyon nito ay ang pagsamba sa patay. Magaling sila sa paggawa ng spells na nagpapahina at nagtatanggal ng kakayahan ng mga kalaban. Karamihan ng troops dito ay natitira sa matagalang labanan sapagkat kaya nilang panatilihin ang kanilang health dahil sa life-drain abilities. Malamang ang inisyal na magiging reaksyon mo ay isipin kung alin sa mga ito ang pinakamalakas. Ngunit, walang makapagsasabi kung ano ba ang pinakamahusay na race. Kaya ang maipapayo ko sa iyo ay piliin nang mabuti ang race na tutugma sa iyong kagustuhan at istilo ng paglalaro. Kaya mainam na basahing mabuti ang bawat deskripsyon bago mamili dahil hindi ka na pwedeng magpalit pa ng race sa susunod. 

Paano pataasin ang level ng hero?

Kailangan mong makuha ang XP ng hero para mapataas ang level nito. Kadalasang makukuha ang experience ng hero sa pamamagitan ng XP cards, at magagamit ito sa kahit sinong hero. Para makakuha ng experience cards, kailangan mo munang umatake ng halimaw. Kapag ganito, direkta itong mapupunta sa hero ng iyong campaign, ngunit makakatanggap ka pa rin naman ng ilang experience cards para sa iba. Bukod dito, makakakuha ka rin ng hero experience cards sa quests at kapag natapos ang bawat level ng Normal at Hard sa Instance. Kapag nag-hire ka rin ng heroes sa tavern, nagbibigay ito ng hero experience cards sa lahat. Pwede ka rin namang bumili ng Hero XP cards na ibinebenta sa Black Market. Kung may hero kang hindi mo na gagamitin, pwede mo itong gamitan ng reset potion para maibalik ang lahat ng experience ng hero para maging cards. 

Paano protektahan ang Resources? 

Mayroong limang pangunahing resources sa laro: Gold, Wood, Ore, Crystal, Sulfur. Magagamit ang mga ito sa pag-upgrade, pagtayo, at pag-research ng buildings at maging sa pag-ensayo ng troops. Ang paglikha ng resources ay manggagaling sa production centers tulad ng Quarry, Sawmill, at iba pa. Pwede mo itong kolektahin sa world map, at habang tumatagal, kakailanganin mo ng mas marami nito. Kaya naman mainam na protektahan ang iyong resources dahil kapag umatake ang kalaban, tatalunin nila ang mga guwardiyang nasa city wall at kukunin ang resources mula sa production centers. Kapag ganito ang nangyari, magiging malaking kawalan ito sa iyong siyudad. Para protektahan ang resources, ang dapat mong gawin ay pataasin ang defense power o kaya ay i-upgrade ang depot. Sa ganitong paraan, mapupunta ang lahat ng resources galing sa production centers diretso sa depot, kung saan ito ang magpoprotekta para hindi manakaw ang iyong resources. Napakahalagang mai-upgrade ito para tumaas ang kapasidad nitong protektahan ang mas maraming resources. 

Titan Throne - Laro Reviews

Titan Throne – Laro Reviews

Mahalaga ring parte ng iyong progreso ang sasalihang alliance. Kaya makakatulong na sumali agad ng alliance sa lalong madaling panahon, ngunit bago mamili, ang tip ko sa iyo ay tingnan ang bilang ng miyembro nito at ang overall strength ng alliance. Isaalang-alang ang mga ito kapag mamimili dahil hindi madaling magpalipat-lipat pagkatapos. Dahil may kontribusyon ang lahat ng gagawin mo bilang miyembro, mainam na bukod sa pagbibigay ng donasyon at pagtulong sa iba, mainam ding mag-participate sa maraming joint ventures at battles. 

Pros at Cons ng Titan Throne

Isa sa pros ng laro ang nakakaakit na ganda ng graphics ng laro at ang background music nito. Nakakatulong din sa mga bagong manlalaro ang tutorial sa simula para maging pamilyar sa laro. Dagdag pa rito, nakaka-enganyo rin ang alliance system nito sapagkat maraming pwedeng gawin at matanggap na benepisyo rito. 

Pagdating naman sa cons, nagiging sagabal sa paglalaro ang madalas na pag-glitch at tuluy-tuloy na pag-lag ng laro. Sinasabi ring parehong-pareho ang nilalaman ng larong ito sa War and Order na nilikha ng parehong game developer. Masyado ring pay-to-win ang laro dahil kinakailangang gumastos ng pera para mapanatiling maganda ang iyong progreso. Bukod dito, kailangan ding gumastos para makapag-upgrade sa loob ng makatwirang haba ng panahon. Dahil kung hindi, magmimistulang pain ka lang ng mga malalakas at magagaling na manlalaro. May mga kaso rin kung saan hindi natanggap ng manlalaro ang gems na binili matapos magbayad ng in-app purchase. 

Konklusyon

Kung nagustuhan mo ang features ng Titan Throne, maganda kung subukan mo itong laruin. Tandaan din ang tips at tricks na ibinigay ng Laro Reviews para mapadali ang iyong paglalaro. Ngunit maging handa sa madalas na isyu ng pag-glitch at pag-lag habang naglalaro. Hindi rin ito maituturing na pangmatagalang laro dahil sa pagiging P2W nito, maliban na lang kung nais mong gumastos ng malaking halaga para rito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...