TNT: Artilleryman Review

Nagsimula ang setting ng TNT: Artilleryman nang matagpuan ni Mr. Kiatsu ang isang mahiwagang lagusan na may taglay na kakaibang kapangyarihan. Nang siya ay magising, napunta na siya sa Battle Kingdom na kasalukuyang may hinaharap na malaking krisis. Sinakop ng masasamang loob ang kaharian at kasalukuyang nagaganap ang isang malawakang digmaan para protektahan ang kanilang kaharian at soberanya. Ang hindi inaasahang pagdating ni Mr. Kiasu mula sa ibang dimensyon ang sinasabing rason kung bakit siya ang magiging tagapagligtas ng sanlibutan. Mula rito, gagampanan mo ang tungkuling nakaatang kay Mr. Kiatsu. Handa ka na bang tugunan ang iyong mga responsibilidad? 

TNT: Artilleryman Features 

Arena – Makipagtunggali sa ibang manlalaro! Subukin ang iyong angking galing sa pakikipaglaban at pataasin ang iyong katungkulan. Makakatanggap ng dagdag na rewards sa bawat maipanalong laban. 

TNT: Artilleryman - Laro Reviews

TNT: Artilleryman – Laro Reviews

Gashapon – Ito ay ang gacha system ng laro upang makakuha ng bagong Pets, Pet Essence, Pet Handbook, at Pet Food. Nahahati ito sa dalawa: ang Ordinary at Top Gashapon. Sa Ordinary, tanging Class B at C lamang ang pwedeng makuha. Sa Top naman, dito pwedeng makakuha ng mga pet na may mas mataas na rarity. Dito pwedeng makakuha ng Class A at S grade pets na may 4% at 0.83% na posibilidad. 

Marriage System – Maaaring ikasal sa kapwa manlalaro sa larong ito. Pwede lamang magpadala ng proposal ng isang beses. Kung gustong magpalit ng partner, kailangan munang dumaan sa proseso ng Break Up. Maa-unlock lamang ito oras na tumuntong ang manlalaro sa level 11. Kapag ang nais mong bigyan ng proposal ay nasa battle, auto reject ito. 

Boatyard – Mula sa mapa ng iyong siyudad, makikita ang Boatyard na naglalaman ng iba’t ibang adventures na maaaring gawin. Mayroon itong limang kategorya sa kasalukuyan. Ito ay ang Solo Adventure, Team Expedition, City of Sky, Death Realm, at Mech Zone. Unti-unting maa-unlock ang mga zone kapang tumuntong sa mga nakatakdang level. 

Saan Pwedeng I-download ang TNT: Artilleryman? 

Pumunta sa Google Play Store para sa mga Android user at App Store naman para sa mga iOS user. I-type sa search bar ang TNT: Artilleryman at pindutin ang icon ng app. Dahil free-to-play (F2P) ang larong ito, hindi na kailangan magbayad para magsimula. I-click lang ang install o get button at hintaying mai-download. Pagkatapos nito, pindutin ang app at kumpletuhin ang sign-in details.

Narito ang mga link mula sa Laro Reviews kung saan pwedeng mai-download ang laro:

TNT: Artilleryman - Laro Reviews

TNT: Artilleryman – Laro Reviews

Download TNT: Artilleryman on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.tsixi.mzgat.muzhi

Download TNT: Artilleryman on iOS https://apps.apple.com/us/app/tnt-artilleryman/id1574671053

Tips at Tricks

Mahalagang pagtuunan ng pansin ang iyong gear na makakatulong sa iyo upang ma-enhance ang iyong kakayahang umatake. Nahahati ito sa pitong bahagi: Brain Barrier, Alloy Armor, Gas Mask, Battle Headset, Night Vision, Combat Set, at Combat Weapon. Kapag in-upgrade ang mga ito, madadagdagan ang iyong Attack, Defense, at HP level. Sa pito, unahing pataasin ang level ng iyong Combat Set, sunod ang Combat Weapon, at balansehing i-upgrade ang ibang equipment. 

Related Posts:

Kings Legion Review

Smashing Four Review

Para naman sa gameplay, masasabing madali ito lalo pa’t kailangan mo lang tantiyahin ang projectile motion ng iyong armas. Magagawa ito kung isasakto sa berdeng marka habang bumubwelo sa pagtira sa kalaban. I-long press lang ang attack button at abangan na dumaan ito sa berdeng marka. Siguraduhing hindi kulang at hindi lalagpas sa nakatakdang marka dahil malilihis ang landas ng iyong atake. Sa halip na mapupunta ito sa kalaban, maaaring kulangin o sumobra ang iyong tira. Dahil salitan ang pamamaraan ng pag-atake, maaaring magdulot ang maliit na pagkakamaling ito sa iyong pagkatalo. Ugaliin ding tingnan parati ang bilang ng iyong HP at ng kalaban upang mas epektibong makapagdesisyon kung anong klaseng skill ang gagamitin. Halimbawa kapag maramihan ang iyong kalaban, gamitin ang Scattershot para hindi lang isa, kundi tatlong beses titira sa kalaban. 

Mainam din kung may mga kakampi ka tuwing papasok sa Boatyard dahil mas mahirap kalabanin ang mga kaaway rito. Ngunit kung mas nanaisin mong maglaro mag-isa, palakasin ang iyong power sa pamamagitan ng pag-enhance ng iyong equipment, wings, pets, at weapons. Kagaya sa diskarteng ginagamit sa main quest, parehas lang din ang gagawin dito. Kailangan lang maging matalas sa kung anong dalawang skill ang gagamitin kada tira. Dapat mabilis ka ring mag-isip dahil may sampung segundo lamang ang nakalaan sa iyong pag-atake. 

TNT: Artilleryman - Laro Reviews

TNT: Artilleryman – Laro Reviews

Siguraduhin ding gawin ang daily quests at main quests. Mahalaga ang mga ito upang makakuha ng mga pabuya at mapataas ang iyong rank. Huwag ding gagastusin kung saan-saan ang diamonds na nakukuha dahil ito ang premium currency na ginagamit sa pag-pull sa Top Gashapon. Mula rito, mas tataas ang iyong tsansa na makakuha ng mas mataas na rarity ng pet na may mas mataas na base stats. 

Pros at Cons ng TNT: Artilleryman

Isa sa positibong aspeto ng laro ay ang dami ng pwedeng gawin. Bukod sa main quest na kailangan tapusin, may side quests, puzzles, marriage system, at arena pa na nakakadagdag sa kasiyahan ng mga manlalaro. Simple lang din ang user interface na ginamit at visual ng kabuuang TNT: Artilleryman. Gayunpaman, masasabing may i-improve pa ito. Maganda rin na walang ads na sumusulpot, hindi kagaya ng ibang laro. Bumagay rin ang tunog na ginamit tuwing nasa homepage o ‘di kaya’y tuwing nakikipaglaban. Mas mainam ang larong ito na laruin ng mga bata dahil madalas na laging nakagabay ang laro kung ano ang maaaring isunod na gawin. Kumbaga, nawawala ang hamon para sa mga mas beterano at mas nakatatandang manlalaro na i-explore ang kabuuang laro. Swak din sa mga bata ang simpleng gameplay ng laro. Kailangan lamang nilang matantiya kung gaano kalayo ang magiging projectile motion ng kanilang armas na mahahasa sa ilang ulit na pagsubok. 

Sa kabilang banda, masalimuot ang pagkuha ng diamonds, ang premium currency ng laro, at ang pinakamadaling paraan ay sa pamamagitan ng pagbili nito sa shop. Kailangang maglabas ng aktwal na pera na sasalungat sa hangarin ng ibang manlalaro na maging free-to-play (F2P). May mga nakakaranas din ng bugs at error dahil sa kasalukuyang update ng TNT: Artilleryman kaya mas lalong hindi ito naging kasiya-siya para sa mga manlalaro. Wala ring option ng skip para sa mga ayaw dumaan sa mahabang proseso ng tutorial o magbasa ng anumang uri ng diyalogo. 

Konklusyon 

Bilang pagbubuod, masasabing nakakaaliw laruin ang TNT: Artilleryman dahil sa samu’t saring maihahandog ng laro. Gayunpaman, mas mainam na laruin ito ng mas batang audience kumpara sa mga beterano at matatandang manlalaro. Kailangan lang ng sapat na gabay ng magulang o guardian sa tuwing hahayaan ito dahil may bahagyang tema pa rin ng violence. Maganda rin kung may option na i-skip ang mahabang tutorial o limitahan lamang ito sa isang level. Umabot hanggang pangatlong level ang tutorial at lagi pa ring naka-spoon fed ang sistema para sa mga susunod pang mga hakbang. Kaya maganda kung pag-iibayuhin ito ng mga game developer para maging balanse ang level of difficulty para sa mas may edad na manlalaro. Nawa’y bigyan din sana ng iba pang content ang laro para makalikom ng libreng diamonds ang mga F2P player.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...