Tongits Lite: Play Tongits Online

Nakadikit na sa kultura ng mga Pilipino ang paglalaro ng baraha. Bigyan mo nga lang ng baraha ang mga ito, maaari na silang magkumpulan sa gilid para lamang aliwin ang kanilang mga sarili gamit ito. Sa katunayan nga niyan, bago pa man sumikat ang paborito nating UNO, mayroon nang card game na talagang kinagiliwan na ng mga Pilipino noon at masasabing magpasa hanggang ngayon, ito ang Tongits. Ang larong ito ay maikukumpara sa isa ring sikat na Asian card game na mahjong at Rummy dahil sa pagkakapareho nito ng gameplay kung saan kailangan mo lamang ubusin ang cards na nasa iyong mga kamay upang manalo. Sa paglipas ng panahon, ang paborito mong card game ay maaari na ring malaro online. Marami-rami na rin ang mga app na na-feature ng Laro Reviews pagdating sa Tongits. Ngunit kung nais mong sumubok ng iba pa, heto’t inihahatid namin sa iyo ang Tongits Lite ng Mobilix Solutions Private Limited. Halina’t himayin natin ang nilalaman ng larong ito.

Paano nga ba laruin ang Tongits Lite?

Kung ikukumpara pagdating sa gameplay ang Tongits Lite sa iba pang Tongits app na makikita mo sa Play Store at App Store ay wala namang nabago o idinagdag rito para lamang maging kaakit-akit sa maraming manlalaro. Kung paano mo ito nilalaro online man o sa bahay-bahay kasama ang iyong mga kaibigan ay ganoon din itong nilalaro sa Tongits Lite. Kaya naman, para sa mga may alam na at bihasa na sa paglalaro ng card game na ito, hindi na mahirap para sa kanilang laruin ito. Ngunit kung isa kang beginner at naghahanap ka ng maaaring magturo sa iyo kung paano nga ba nilalaro ang Tongits, malaya kang basahin ang artikulong ito.

Upang makapagsimula sa paglalaro ng Tongits, nangangailangan muna ito ng tatlong manlalaro at isang standard Anglo-American deck na may 52 na bilang ng baraha (hindi kasama ang joker dahil hindi ito ginagamit sa Tongits). Ang bawat klase ng baraha ay mayroong nakalaang value. Ang mga barahang gaya ng Jack, Queen at King ay mayroong kalakip na 10 puntos habang ang Ace naman ay mayroon lamang isang puntos. Ang mga baraha namang may bilang na 2 hanggang 10 ay may katumbas na value depende sa kung anong numero ang makikita rito. Halimbawa nito ay kung 2 ang nakalagay sa baraha ay iyon na rin ang magiging bilang ng puntos nito.

Bilang panimula, ang 52 na baraha ay isha-shuffle muna bago ipamahagi sa mga kasapi. Bawat manlalaro ay makatatanggap ng tig-12 na bilang ng baraha ngunit 13 naman kung ikaw ang dealer sa laro o distributor ng mga baraha. Iyon ay dahil ang dealer ang siyang unang maglalabas ng baraha upang sundan naman ng dalawa pang kasapi. Ang dealer o distributor ng baraha ay maaaring mapalitan ng manlalarong mananalo sa bawat laban. 

Ang pinaka misyon mo sa laro ay ang sikaping ikaw ang may pinakamamabang value ng cards o ubusin ang lahat ng barahang nasa iyong mga kamay bago pa maubos ang iba pang mga barahang inilagay sa gitna. Upang mabawasan ang iyong baraha ay kailangan mo lamang lumikha ng meld o makapagbaba ng tatlo o apat na magkakaparehong itsura ng baraha. Halimbawa nito ay ito: ♥4, ♥5, ♥6 o kaya naman ay ♠8, ♠9, ♠10, ♠J. Samantala, hindi naman maaaring pagsamahin ang Ace, King at Queen dahil maliit lamang ang value ng Ace sa laro. Bukod dito ay maaari ka rin namang makapagbaba ng baraha na bagaman magkakaiba ng simbolo ay magkakapareho naman ng numero gaya ng ♥7, ♣7, ♦7. 

Ganito umiikot ang laro sa oras na magsimula na kayong laruin ang Tongits:

  • Bawat manlalaro ay kailangan munang mag-draw o kumuha ng isang card sa mga barahang nakalagay sa gitna bilang panimula o bago lumikha ng meld.
  • Kung mayroon kang barahang maaaring maging meld, maaari mo itong ilagay malapit sa iyong pwesto. 
  • Bilang panghuli ay kailangan mong magbaba pa ng isang card na sa tingin mo ay may malaking value. Maaari mo itong ilagay sa tabi ng mga natirang baraha kanina bago magsimula ang laro.

Paano naging iba ang Tongits Lite kumpara sa ibang Tongits app?

Kung papansinin ang loob ng Tongits Lite, mapagtatanto mong ang lahat ng bagay na makikita rito ay simplified. Mula sa pagiging minimal ng disenyong ginamit para sa graphics hanggang sa mangilan-ngilan lamang na section o button na maaaring magalaw ng mga manlalaro sa loob nito. Gayunpaman, hindi naman ito naging disadbentahe ng Tongits Lite dahil nagawa pa rin nitong maging kaakit-akit sa ibang paraan. Minabuti kasi ng developer nitong maglagay ng ilang mga bagay na maaaring i-customize ng bawat manlalaro depende sa kanilang gusto. Halimbawa niyan ay ang kalayaan mong makapag-customize ng kulay ng iyong board o kung saan inilalapag ang iyong mga baraha sa tuwing naglalaro. Bukod pa rito ay maaari mo ring baguhin ang iyong mga baraha, hindi lamang pagdating sa kanilang kulay, kundi pati na rin sa magiging disenyo nito. 

Mga Maaari pang Idagdag upang mas Ma-enjoy pa ng mas Maraming manlalaro

Isa rin sa maituturing na adbentahe ng laro na talagang nagpokus ito sa kanilang layunin na bigyan ang bawat tao ng isang app kung saan maaari nilang laruin ang Tongits nang libre at pawang panlibangan lamang. Wala namang problema rito dahil ito ang naging edge ng larong ito kumpara sa ibang Tongits app. Gayunpaman, hindi maitatangging mas mae-enjoy pa sana ang larong ito kung makikita rin dito ang ilang mga bagay na maaari ring makita sa ibang Tongits App.

Una, wala itong tutorial. Kung baguhan ka pa lamang, hindi mo alam kung paano maglaro ng Tongits at unang beses mo pa lamang maglalaro sa Tongits Lite, posible kang maguluhan sa iyong unang subok. Wala kasing mano-manong tutorial para sa larong ito kung saan ituturo sa iyo kung anong unang dapat mong gawin dito. Mayroong mga description o paalala ngunit hindi naman ipinakita sa iyo kung paano ito gagawin. Mayroon ding mga hint ngunit dahil minsanan lamang itong dumarating, pakiramdam mo pa rin ay mag-isa ka lang sa laro.

Pangalawa, wala itong larong pang-multiplayer. Ang malimit na kalaban mo sa larong ito ay siguradong mga computer bot. Kahit pa mayroon kang kalayaan bilang isang manlalaro na mamili ng level of difficulty ng iyong laro, mas rewarding pa rin ang bawat panalo kung ang mga kalaban mo ay may utak din kagaya mo. Gayunpaman, bagay ang larong ito para sa mga taong nais mapag-isa sa paglalaro ng Tongits.

Panghuli, hindi ka maaaring kumita ng pera rito. Kumpara sa ibang mga Tongits app, walang cash out functions at money transaction na nagaganap dito. Sa madaling salita, hindi ka kumikita ng pera sa loob ng larong ito. Wala namang problema kung walang ganitong kalakalan dito ngunit dahil iyon ang nagiging kalamangan ng ibang larong may parehas na gameplay, malaki ang posibleng potensyal ng larong ito kung maaari ring kumita ang mga manlalaro sa pagto-tongits dito.

Tunay na ang Tongits Lite ay isang larong posible mo talagang subukan kung nais mo lamang malibang sa paglalaro ng Tongits. Ngunit kung gusto mo ring kumita ng pera habang naglalaro nito, maaari mo rin namang subukan ang isa ring best tongits app, ang https://bigwinclub.site. Sa app na ito, may kalayaan kang makipagpustahan at manalo gamit ang tunay na pera. Bukod pa rito, mayroon pa itong 500 chips na binibigay sa oras na pasukin mo ang larong ito sa unang pagkakataon. Ang chips na ito ay maaari pang madagdagan at ma-redeem sa oras na dumami gamit ang iyong gcash account. Bukod pa sa mga ito ay marami ka ring laro na maaaring pagpilian dito gaya ng pusoy, lucky 9 at slots. Marami ka ring maaaring makalaro rito dahil ang https://bigwinclub.site ay mayroong isang malaking komunidad na maaari mong salihan. Kung nais mo itong subukan, maaari mo na itong i-download ngayon.

Konklusyon

Kung babalikan natin ang kasaysayan, sinasabing ang Tongits ay nagmula raw sa mga Ilocano at unang nilaro sa Pangasinan noong dekada 80. Meron din namang nagsasabi na ito ay nagsimula nang dumating ang mga Amerikanong militar noong dekada 40. Sa kabila ng mga ito, wala pa ring nakakaalam kung ano nga ba ang totoong dahilan kung paano nagsimula ang Tongits sa Pilipinas. Wala tayong ideya sa pinagmulan nito maliban sa paniniwala nating isa itong mabisang paraan upang malibang tayo. Ang mga larong may kinalaman sa Tongits na nakikita natin sa Play Store, App Store at sa kahit saan pang online sites ang patunay na niyayakap natin at pinahahalagahan din natin ito gaya ng pagpapahalaga natin sa kulturang mayroon tayo. Kung nais mo ring maglaro nito, subukan na ang Tongits Lite.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...