
Isa sa mga card game na talagang patok sa maraming Pinoy ay ang Tongits. Marami ang naglalaro nito kahit saan mang sulok ng bansa. Sa katunayan, ang Tongits offline ay isa sa mga paboritong laro ng ating mga kababayang OFW. Isa kasi itong nakakaaliw at kapanapanabik na laro para makapag-bonding ang magkapamilya, magkaibigan o magkabarkada. Mainam din itong aktibidad para magpalipas ng oras.
Simple lang ang larong ito at kayang-kayang matutunan ng kahit na sino. Karaniwan itong nilalaro ng tatlong players pero pwede ring dalawa o apat na manlalaro. Sa umpisa, ang players ay magkakaroon ng tig-12 cards. Samantala, ang dealer naman ay magkakaroon ng 13 cards. Ang unang manlalarong makapag-eliminate ng lahat ng baraha o kaya ay may hawak ng tirang cards na may pinakamababang card value ang mananalo.
May iba’t ibang paraan para ma-enjoy ang Tongits. Bukod sa aktwal na paglalaro nito gamit ang isang card deck at kasama ang ibang manlalaro. Pwede rin itong laruin gamit ang mobile o computer devices. Maaari kang maglaro online kung saan makakalaban mo ang ibang manlalaro. Bukod rito, pwede mo ring ma-enjoy ang Tongits offline games download kung saan ay makakatapat mo ang computer-generated players. Kung naghahanap ka ng magandang game apps para makapaglaro ng Tongits kung kailan mo naisin, sagot ka ng Laro Reviews. Ang mga sumusunod ay tatlo sa pinakapatok na Tongits offine app na pwede mong pagpilian.
Tongits Offline (iDream Game Studio)
Ang Tongits Offline ng game developer na iDream Game Studio ang isa sa pinakasikat at pinakapatok na offline Tongits app. Ito ay inilabas noong 2020. Sa loob ng dalawang taon ay nakapagtala ito ng mahigit limang milyong downloads at 4.5 star-rating sa sa Google Play Store. Available rin ito sa App Store para sa iOS users at pwede ring laruin gamit ang laptop o desktop.
Ito ay nagtatampok ng tatlong game rooms o modes na pwedeng pagpilian. Ang 3-player Beginner room nito ay bagay para sa mga nagsisimula at baguhang manlalaro. Mayroon din itong maikling tutorial na nagsisilbing gabay sa paglalaro. Ang natitirang dalawang game rooms ay ang 3-players with Hit-pot (x2 bet) at 3-players with Extra Hit-pot (x5 bet). May customizations features din ang app na ito na pwede mong gamitin upang palitan ang disenyo ng game tables at themes. Kahit na offline game ito ay pwede ka pa ring maglaro online, makipagkumpitensya sa ibang manlalaro at manguna sa leaderboards. Wala kang dapat ipag-alala dahil sakali mang maubos ang iyong game credits ay marami ka namang karagdagang resources na maaaring makuha dito tulad ng hourly at daily bonuses.
Tongits Plus (Mobilix Solutions Private Limited)
Ang Tongits Plus ay inilabas ng Mobilix Solutions Private Limited noong 2017. Sa kasalukuyan, ito ay may mahigit isang milyon downloads at average rating na 4.2 stars sa Google Play Store. Samantala, ito naman ay may 3.8 star-rating at 233 downloads lamang sa App Store. Mas marami at kakaiba ang features nito kung ikukumpara sa ibang offline Tongits app. Mayroon itong single-player at multiplayer game modes. Ito ay gumagamit ng AI technology kaya mapapasabak ka talaga sa matinding hamon at masusubok ang iyong galing. Kumpara kasi sa regular na computer-generated na mga katunggali ay mas magagaling ang mga ito. May auto-sort feature rin ito kung nais mong mapabilis ang pag-aayos ng iyong baraha. Pwede mo ring gamitin ang customization features nito upang i-adjust ang animation speed, game music at sound effects ng laro.
Bukod sa mga nabanggit, ang mga manlalaro ay maaaring gumawa ng sarili nilang game room. Kung nais mong i-personalize ang disenyo ng room na iyong gagamitin ay pwede rin. May leaderboards feature rin ito kung saan ay makikita ang mga magagaling at nangungunang manlalaro. Kung wala kang alam sa paglalaro ng Tongits ay wala ring problema. May tutorial din kasi ito kung saan ay matututunan mo ang mahahalagang bagay tungkol sa app at kung papaano ito laruin.
Tongits Offline (Gamostar)
Bagama’t ang Tongits Offline ng Gamostar ang pinakabago sa tatlong ito, isa rin ito sa kinahuhumalingan ng marami. Inilabas ito noong Mayo 2020. Sa paglipas ng mahigit dalawang taon, ito ay mayroon ng mahigit 100,000 downloads mula sa Google Play Store. Kung pag-uusapan naman ang features nito ay wala itong halos ipinagkaiba sa aktwal na bersyon ng Tongits. Kumpara sa dalawang nabanggit, mas simple at kakaunti lang ang features nito. Ito ay mayroong dalawang game modes: Knock o No Knock. Ang game terminologies na ito ay ginagamit talaga sa card games. Ito ay nagsisilbing pass sign. Ang mga manlalaro ay pwedeng kumatok sa mesa kapag gusto nilang mag-pass.
Ang mga manlalaro rito ay maaaring mamili kung sino at ilan ang nais nilang makalaro. Mayroon kasi itong 2-player at 3-player modes options. Marami ring paraan upang makakuha ng karagdagang game credits dito. May Mini-Game feature ito kung saan ay maaari kang maglaro ng Scratch at Spinner Bonus upang makakuha ng premyo at special game items.
Konklusyon
Isa sa mga magandang naiambag ng teknolohiya at modernisasyon ay ang pagbibigay nito ng makabagong anyo sa mga nakagawiang libangan at card game tulad ng Tongits. Sa paraang ito, nagkakaroon pa rin ang marami ng paraan upang makapag-enjoy at makapaglaro nang ligtas lalo na ngayong panahon ng pandemya. Hindi nakakapagtaka kung bakit naglipana ang larong tulad nito sa samu’t saring gaming sites. Ngayong alam mo na ang tungkol sa tatlong magagandang alternatibo sa paglalaro ng Tongits offline ay siguradong hindi ka na makapaghintay na subukan ang mga ito. Upang hindi ka mahirapan sa pagpili, isaalang-alang ang features ng bawat isang tinalakay. Mas mainam kung pipiliin mo ang swak sa iyong gaming style.
Sa kabilang banda, kung sawa ka na sa paglalaro offline at makipagtunggali sa AI o computer-generated players, pwede ka rin namang makipagtapatan sa mga aktwal na manlalaro online sa https://bigwinclub.site/. Bukod sa Tongits ay marami ka pang pwedeng pagpilian dito tulad ng Pusoy, Lucky 9, slot machines at marami pang iba. Maaari kang maglaro ng libre kung ang nais mo lang maglibang at magpalipas-oras. Subalit, kung gusto mo ng mas challlenging na gaming experience ay maaari kang tumaya at manalo ng totoong pera at mga bonggang premyo rito. Simple at napakabilis ng cash in at cash out process dito. Ito ay isang lehitimong online casino site na subok at pinagkakatiwalaan ng maraming Pinoy saan mang panig ng mundo.
- 0 Comment
- Casino Game Apps, Reviews
- August 8, 2022