Tongits ZingPlay-Free Card Game Online &amp Review

Nahihirapan ka bang maghanap ng card games na epektibong pampawala ng stress? Tapos na ang iyong paghahanap! Narito na ang pinakabagong nakakaaliw na card game – ang Tongits ZingPlay-Free Card Game Online & Fun Event! Tangkilikin ang makatotohanang mga kaganapan sa laro ng pagsusugal at mahamon sa pakikipagkumpitensya sa mga manlalaro mula saan mang panig ng mundo.

Huwag mag-panic dahil hindi ito nangangailangan ng totoong pera para sa pagsusugal o para manalo ng totoong pera o mga premyo. Magalak mula sa pagtaya, pakikipagkumpitensya, at pagtuklas sa mga tampok ng larong nito. Hindi lamang card games ang hatid nito, tuklasin din ang iba pang laro na nasa app tulad ng mga board game, sports game, puzzle game, at strategy game!

Hikayatin ang mga kaibigang maglaro at magsaya nang magkakasama. Tumanggap  araw-araw ng gantimpala at maglakas-loob na hamunin ang mga kaibigan, kamag-anak, o kahit pa isang estranghero. Isang nakakalibang at nakakatuwang card game ito na pumapawi ng stress at binubuhay ang iyong isipan.

Ano ang layunin ng laro?

Ang pangunahing layunin ng laro ay akitin ang interes ng mga manlalarong sugarol. Ito ay pangkaraniwan nang rason sa pagbuo ng isang game app na tulad nito. Espesyal itong ginawa para sa mga matatanda upang maibsan ang kanilang stress at buhayin ang kanilang isip sa pamamagitan ng paglalaro.

Tongits ZingPlay

Tongits ZingPlay

Habang nararanasan natin ang social distancing sa panahon ng pandemya, kailangan nating maging malikhain at gumawa ng mga bagong paraan upang libangin ang ating sarili para sa ating mental at emosyonal na kalusugan. Makakatulong ang mga card game sa paglilibang. Ang pakikipagpaligsahan ay nakakatulong din para maging likas ang iyong pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa iba pang mga manlalaro.

Ang larong Tongits ZingPlay-Free Card Game Online & Fun Event ay nag-aalok ng iba’t ibang kategorya ng laro: Mga board game, sports game, puzzle game, at strategy game. Ang layunin sa lahat ng nabanggit na laro ay para manalo. Ngunit sa kahit anong laro, dalawa lamang ang maaaring maging kalabasan o resulta nito – ang manalo o matalo. Kaya naman dapat mong paghusayan at gawan ng paraan upang talunin ang iyong mga kalaban.

Paano laruin?

Kailangan mo munang i-download ang laro mula sa app store. Sa sandaling na-install na ito sa iyong device makakakita ka ng log-in form na mayroong pamimilian kung saan mo gusto ikonekta ang laro, maaaring sa Facebook o Google account. Kung mayroon ka ng ZingPlay account, pwede mo rin itong magamit.

Sa pagbubukas ng app, awtomatikong lalabas sa screen ang paunang regalo para sa iyong araw-araw na pag-log-in. Mula sa unang araw hanggang sa ika-pitong araw, makakakuha ka ng hindi bababa sa 50,000 at hindi hihigit sa 120,000 na gintong gantimpala. Mapapansin mo rin ang icon na backpack sa ibaba ng screen, kapag pinindot mo ito, makikita rito ang setting para sa sound, voice message, invite at chat.

Para mabuksan ang mini-game event kailangan mong maabot ang Level 7. Para makalahok sa isang tournament, kailangan mong maabot ang Level 20. Maaari ka ring pumunta sa in-app store upang makakuha ng karagdagang ginto at kailangan mong bilhin ito gamit ang totoong pera. Kapag bumili ng ginto, makakakuha ng mga letter na ginagamit para makasali sa mga special event ng laro at VIP points. May pagkakataon ding bumili ng ibang items gaya ng mga avatar, interact, emo, at kapag nagkaroon ka ng green star, gamitin ito para makakuha ng voucher. Kumuha ng mga puso sa pamamagitan ng pag-imbita sa mga kaibigan at referral code. Kailangan araw-araw ay nakokolekta mo ang mga puso nang walang mintis dahil mare-reset ang mga dating naipon kapag napalampas mo ang isang araw. Kaya tandaan na dapat balik-balikan ang laro.

Tongits ZingPlay

Tongits ZingPlay

Paano i-download ang laro

  • Download Tongits ZingPlay-Free Card Game Online & Fun Event on Android https://play.google.com/store/apps/details?hl=fil&id=com.zingplay.tongits
  • Download Tongits ZingPlay-Free Card Game Online & Fun Event on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.zingplay.tongits-on-pc.html

Ang mga kinakailangan para ma-download ang Tongits ZingPlay-Free Card Game Online & Fun Event sa mga Android phone ay dapat Android 4.1 o mas mataas ang gagamitin at ang laki ng app para sa Android ay 74 MB. Sa kasamaang palad, walang bersyon nito para sa iOS devices.

Paggawa ng account para sa larong Tongits ZingPlay-Free Card Game Online & Fun Event

Maaaring i-link Tongits ZingPlay app sa iyong Facebook o Google account. Kung mayroon ka ng ZingPlay account, i-type lamang ang iyong username at mag-log in gamit ang iyong password. Sa wakas ay mararanasan mo na ang kasiyahan ng pagsusugal at pakikipag-ugnayan sa ibang mga manlalaro sa buong mundo. Sa pamamagitan ng mga nabanggit na account, maaari kang bumili ng mga item sa in-app store at gold kahit kailan mo gusto. Tiyak na matutuwa ka sa mas kapana-panabik na mga kaganapan at paligsahan!

Tips at tricks sa paglalaro ng Tongits ZingPlay-Free Card Game Online & Fun Event

Ang Tongits ay isa sa pinakasikat na card game sa mundo. Ang mekaniks ay madali lang kahit para sa mga nagsisimula pa lang. Ang bawat card ay may katumbas na halaga sa Tongits. Ang mga may mukhang baraha (king, queen, at jack) ay 10 ang bilang bawat isa, ang mga barahang may numero (2,3,4,5,6,7,8,9,10) ay pareho lang ang katumbas na halaga, at 1 ang bilang para sa ace card. Sa isang deck ay may limampu’t dalawang (52) baraha at hindi kabilang dito ang joker.

Ang laro ay binubuo ng tatlong (3) manlalaro. Kung ikaw ang dealer, labintatlong (13) baraha ang para sa iyo at tig-labindalawang (12) baraha naman para sa dalawang manlalaro. Labinlimang (15) baraha ang matitira sa stockpile. Kapag nahawakan mo na ang iyong mga baraha, ayusin ito at gumawa ng mga “buo”. Pagkatapos ay paghiwalayin ang mga barahang walang kapareha o walang buo. Ito ay para mas malinaw tingnan at madaling makapag-isip ng diskarte para sa mga hawak mong mga baraha.

Related Posts:

Five Nights at Freddy’s Review

GardenScapes Review

Tuwing ikaw ay magtatapon ng baraha, mag-isip ng mabuti kung ano ang ilalapag mo. Mas mainam na ang mga may mataas na numero ang unahing itapon kung wala naman itong kapareho or buo dahil kapag naubos ang baraha sa bunutan ay magiging mahirap na para sa iyo ang manalo. Ang iyong mga kalaban ay obligado rin na ilantad ang kanilang mga buo. Maaari kang sumapaw ng baraha sa mga buo ng kalaban o maging sa mga nauna mo nang nailapag na buo. Sa ganitong paraan, maaari mong bawasan ang mga barahang hindi kasali sa iyong buo dahil ang pangunahing layunin hanggang matapos ang laro ay makakuha ng pinakamababang bilang ng mga hindi magkatugmang baraha o ng isang kumpletong hanay ng mga baraha.

Tongits ZingPlay

Tongits ZingPlay

Pros at Cons review para sa Tongits ZingPlay-Free Card Game Online & Fun Event

Ang larong ito ay lubhang kapaki-pakinabang sa napakaraming paraan. Kung iyong mapapansin, hinihimok nito ang mga manlalaro hindi lamang para maaliw kundi para paganahin din ang kanilang isip. Ang mga card games ay maaaring makatulong sa kasanayan sa pagmememorya at paghusayin pa ang pakikisalamuha mo sa iba. Maaaring mahirap para sa mga baguhan na makakuha ng tamang mga diskarte ngunit sa dalas ng paglalaro ay mahahanap din nila kung anu-ano ang epektibong paraan para manalo. Ang larong ito ay napaka-flexible at napakaligtas na laruin.

Isang magandang pagmulan ng kaaliwan dahil nag-aalok ito hindi lamang ng Tongits kundi ng iba pang mga kategorya ng laro gaya ng mga board game, sports game, puzzle game, at strategy game. Marami pang samu’t saring laro ang mahahanap mo rito. Hindi ka magsasawa dahil mas maraming madidiskubre dito. Ito ay nakakahumaling at isang mahusay na lunas para sa stress. Isa na itong digital na laro kaya maaari mong dalhin kahit saan mo gusto. Ang mekaniks at iba pang features ng laro ay madaling matutunan at maunawaan.

Para sa negatibong reaksyon sa larong ito, upang makapag-imbita at makapaglaro ka kasama ng iyong mga kaibigan dapat mayroon kang laging internet access o mobile data. Kung wala nito, hindi mo magagamit ang laro. Gayundin, ito ay lubhang nakakahumaling na maaaring maging sanhi para maubos lahat ng oras mo sa paglalaro, kaya maglaro lang ng tama at katamtaman! Bilang karagdagan, walang bersyon ang app na ito para sa mga gumagamit ng iOS. Maaari mo lamang i-download ang app sa pamamagitan ng mga Android phone o PC. Maliban sa mga ito ay wala na akong nakikitang masamang reaksyon muli sa mga nakasubok na ng app.

Konklusyon

Ang game app na ito ay isang magandang pagkunan ng saya at aliw para sa mga matatanda. Narito na ang lunas sa napakatinding stress at pwede pang pampahusay ng memorya! Masasabi kong ito ay isang all-in-one package na puno ng kapana-panabik na masasayang karanasan sa paglalaro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...