Total Conquest Review

Total Conquest – Maghanda para sa isang matinding labanan ng mga legion! Lumikha ng iyong sariling lungsod na may malakas na depensa at mahusay na hukbo. Maaaring gamitin ang mga tore, bitag, harang, at ang iyong hukbo para protektahan ang iyong lungsod. Sanayin at palakasin ang sampung uri ng unit na ang bawat isa ay may natatanging kakayahan. Sumabak sa Solo Campaign upang matutunan ang sining ng pakikidigma. Makipagkumpitensya laban sa mga manlalaro mula sa buong mundo at pamunuan ang iyong grupo upang makamit ang tagumpay. Subukan ang isang mahusay at adventurous na paglalakbay na puno ng nakakatakot na pakikipaglaban sa iba pang mga legion. Bumuo ng isang matatag na relasyon sa iyong mga ka-alyansa at magsanib pwersa upang sakupin ang mga bagong lupain at teritoryo.

Ano ang layunin ng laro?

Ang Total Conquest ay isang larong pandigma kung saan gagampanan mo ang papel ng isang pinunong Romano, na nangangahulugang dapat mong kontrolin ang iyong sariling lungsod. Pagkatapos ay dadalhin ka nito sa isang maliit na komunidad kung saan ka magtatatag at magtitipon ng isang hukbo upang labanan ang iba pang mga kalaban. Ang iyong layunin ay pangunahan ang iyong mga sundalo at palawakin ang iyong lungsod upang masakop ang ibang mga rehiyon at teritoryo. Magsisimula ka sa isang nakakamanghang paglalakbay kasama ang iyong mga kaalyansa at susubukang manalo sa digmaan. Dapat kang gumawa ng mga taktika upang maisahan ang iyong mga kalaban; huwag papasok sa isang labanan ng hindi handa, sanayin at kumalap ng mga pwersa na makakatulong sa iyo sa pakikipaglaban habang pinoprotektahan ang iyong lungsod.

Total Conquest - Laro Reviews

Total Conquest – Laro Reviews

Paano ito laruin?

Ang mekaniks ng laro ay simple at madali lamang. May kasama itong maikling tutorial o pagsasanay na nagpapaliwanag kung ano ang mga bagay na maaari mong matuklasan dito. Ang Laro Reviews ay naghanda ng ilang impormasyon sa mga feature ng laro at kung ano pa ang mga bagay na dapat mong malaman, kaya manatili at magpatuloy sa pagbabasa. Upang magsimula, ang laro ay magbibigay ng ilang mga gusali at karakter na maaari mong magamit sa digmaan. Ikaw ang magiging pinuno ng iyong sariling lungsod, kumokontrol at nangunguna sa iyong hukbo para makamit ang tagumpay.

Upang isabak ang iyong mga mandirigma sa digmaan, i-tap lang ang mga ito sa berdeng bahagi ng labanan at direktang magmamartsa ang iyong hukbo sa teritoryo ng iyong kalaban. Kapag pinili mo ang icon na “Battle”, bibigyan ka nito ng tatlong opsyon: Campaign, Join Conquest at Find a Match. Mayroon itong preview ng mga posibleng reward na maaari mong makuha sa oras na matagumpay mong mapanalo ang laban. Ang mga gantimpala ay maaaring ginto, mga korona, at pagkain na iyong gagamitin upang magtayo ng mga gusali at mag-upgrade ng iyong hukbo.

Sa “Market” mo makikita ang mga Resources, Military, Defense, Economy, Potions, at Immunity. Maaari mong gamitin ang iyong mga reward bilang pera upang bumili ng mga item dito o mula sa in-app purchases. Ang iyong pangunahing gusali dito ay ang City Hall na dapat mong pahusayin sa lalong madaling panahon upang ma-access ang ibang mga feature ng laro. Nakatuon ang laro sa pakikipaglaban sa iba pang mga legion at pagpapaganda ng iyong teritoryo sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga kinakailangang gusali at pasilidad upang makagawa ng Resources. May mga misyon na maaari mong kumpletuhin upang makakuha ng mga karagdagang reward.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Total Conquest sa Android devices ay dapat Android 4.1 o mas mataas pang bersyon ang gamit at ang makukuhang space ng app para sa Android ay 30 MB. Ito ay wala pang bersyon para sa mga iOS users.

Total Conquest - Laro Reviews

Total Conquest – Laro Reviews

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Total Conquest on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.gameloft.android.ANMP.GloftKIHM

Download Total Conquest on PC https://appsplayground.com/total-conquest-pc/

Hakbang sa paggawa ng account sa larong Total Conquest 

  1. Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Total Conquest pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook o Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Total Conquest!

Tips at tricks sa paglalaro ng Total Conquest 

Narito ang listahan ng tips na inihanda ng Laro Reviews para tulungan ka sa pagpapaganda ng iyong teritoryo!

I-upgrade ang iyong City Hall – Ito ang isa sa pinakamatalinong opsyon na maaari mong gawin, ang unahin ang pag-upgrade ng iyong City Hall. Ito ang pinakamahusay na paraan para magkaroon ng access sa ibang features gaya ng mga gusali, karakter, at pagpapalawak ng iyong lugar. Ang City Hall ang iyong pangunahing base dito, kaya dapat mo itong i-upgrade.

Related Posts:

Clash of Lords 2: Español Review

Might and Glory: Kingdom War Review

Sanayin ang iyong mga mandirigma – Ang barracks ang nagsisilbing lugar ng pagsasanay para sa iyong mga mandirigma. Ilagay sila doon at patuloy na sanayin sila para pagbutihin ang kanilang mga katangian at palakasin sila sa pakikipaglaban. Habang sumusulong ka, lalong nagiging mahirap ang laro at dapat mo ring isaalang-alang ang pagpapahusay sa mga ito bago magpatuloy sa bawat level ng laro.

Gumawa ng diskarte – Sa sitwasyong ito, hindi mo lang ipoposisyon ang iyong mga mandirigma sa lugar ng kalaban. Iwasang sumabak sa isang digmaan na walang anumang paghahanda; sa halip, suriin ang iyong mga kalaban at magpasya kung paano ka aatake. Gamitin ang malakas na hukbo na maaari mong gamitin at iposisyon ito sa pinaka-mahinang bahagi ng kanilang teritoryo.

Total Conquest - Laro Reviews

Total Conquest – Laro Reviews

I-upgrade ang gusaling gumagawa ng resources – Ang ginto at pagkain ang mga pangunahing resources na kailangan dito para mapaunlad ang iyong teritoryo at mga mandirigma. May mga gusaling bumubuo ng mga ito at dapat mong pagtuunan ng pansin ang pagpapahusay sa mga ito pati na rin ang mga imbakan kung saan maaari mong ilagay ang mga nakukuha mong resources.

Pros at cons sa paglalaro ng Total Conquest 

Ang Total Conquest ay sadyang kahanga-hanga at nagbibigay ito ng isang nakakaengganyong strategy game sa mga manlalaro. Maaari mong imbitahan ang iyong mga kaibigan at ibahagi ang iyong saya at kasabikan sa kanila. Maaari kang lumikha ng mga alyansa at humingi ng tulong sa oras ng pangangailangan. Napakasimple at madali ng mekaniks ng laro at hindi mo na kinakailangang dumaan sa tutorial. Ang sistema ng pakikidigma ay simple at maaari mong aliwin ang iyong sarili habang nilalaro ito. Ang kailangan mo lang gawin ay ilagay ang iyong mga mandirigma at hintayin silang magmartsa papunta sa teritoryo ng kalaban.

Tungkol sa visual elements ng laro, ang graphical component ng Total Conquest ay napakahusay at ito ay nagdaragdag sa magandang performance ng laro. Ang pinakamalaking positibong aspeto ng laro ay ang makinis na mga disenyo ng karakter at ang mga ito ay gumagana ng maayos at mahusay. Higit pa rito, ang mga modelo ng karakter ay maganda at kaakit-akit na para bang makatotohanan ang mga ito. Ang mga texture nito ay mahusay na nagawa dahil hindi sila masyadong malabo. Ang tunog sa larong Total Conquest ay maayos din nailapat at hindi maingay pakinggan. 

Bagama’t namumukod-tangi ang mga visual na feature at sound effect ng laro, mayroon pa ring maliliit na error at isyu na dapat tugunan ng mga developer upang mabigyan ang mga manlalaro ng mahusay na karanasan sa paglalaro. Ito ay available sa mga Android at PC users. Subukan na ito ngayon upang maranasan ang nakakaaliw na features na hatid nito sa mga manlalaro at masabik sa mga intense na labanan sa pagsakop ng mga teritoryo.

Konklusyon

Ang Total Conquest ay ganap na magbibigay sa iyo ng mahusay na social strategic war game at aakitin ka sa kamangha-manghang gameplay nito. Magsaya at anyayahan ang iyong mga kaibigan upang lumikha ng mga alyansa at magtulungan sa pakikipaglaban. Maraming mga aspeto na maaaring tuklasin dito ngunit may mga maliliit na problema lamang na dapat ayusin. Tangkilikin at tuklasin ito kasama ng iyong mga kaibigan at maglibang!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...