Totem Story Farm Review

Mahilig ka ba sa mga laro kung saan kasama mo ang mga karakter na naglalakbay sa isang kakaibang adventure? Kung gayon ay saktong-sakto rito ang tatalakayin ng Laro Reviews sa article na ito. Ipagpatuloy ang pagbabasa para malaman kung ano ito!

Mula sa mga nilikha ng https://play.google.com/store/apps/developer?id=Enixan+Limited, kabilang dito ang Totem Story Farm na isang farming simulation game. Sasamahan mo ang mga karakter na sina Martin at Jane sa kanilang paglalakbay pabalik sa nakaraan. Marami kayong makakasalamuha at makikilalang ibang mga karakter sa daan. Magkakaroon din kayo ng pagkakataong magtayo ng sariling farm, pangalagaan ang mga halaman, magtanim ng vegetables sa garden, at marami pang iba. 

Totem Story Farm - Laro Reviews

Totem Story Farm – Laro Reviews

Gabay para sa mga Bagong Manlalaro ng Totem Story Farm 

Ang una mong makikita pagkatapos mong umpisahan ang laro ay ang halamang kumikinang-kinang. Dahil may arrow na tumuturo roon, kailangan mo itong i-tap. Ngunit sa oras na hawakan ito ni Martin, may lalabas na message sa screen kung saan nagpapaalala ang Professor na huwag hawakan ang kahit ano hangga’t wala niya itong pahintulot. Pagkatapos nito, may lalabas na orasan sa screen kung saan magiging indikasyon ng pagbalik niyo sa nakaraan. Nabigla pareho sina Martin at Jane dahil nagbago rin ang kanilang kapaligiran pwera na lamang sa kanilang backpack. Kapag nakita mong may arrow na nakaturo sa backpack, i-tap mo ito upang makakuha ng maraming coins, gems, cookies, at flour.

Bagaman napunta kayo sa lugar at panahong hindi kayo pamilyar, kailangan niyo pa ring gumawa ng paraan para makaligtas. Kaya naman ang una mong gawain ay mag-pitch ng tent mula sa Warehouse. Gagamitin niyo ito hanggang sa maggabi. Kapag pinindot mo ang question mark button na itinuturo ng arrow, mapupunta ka sa Warehouse na ang lugar kung saan mo mahahanap ang lahat ng materials. Para mabili ang tent, kailangan mo itong i-tap at pagkatapos ay ida-drag mo para iposisyon ang pwesto nito. Dapat ilagay mo ito sa kulay berde na area kung saan magiging kulay berde rin ang tent kapag nasa tamang posisyon na ito. I-tap ang check button para maitayo na ang tent sa pwesto nito.

Lalapitan kayo ng karakter dahil mapapansin nitong hindi kayo mukhang aborigines. Siya ay si Zikimo, ang chief ng lugar na ito at handa siyang tumulong sa inyo. Pero bago ito, kailangan niyo munang kumain dahil malamang ay nagugutom na kayo pagkatapos ng inyong pinagdaanan. Ang susunod mong gagawin ay ang mag-harvest ng carrot. I-click ang crop at lalabas ang basket button na ida-drag mo papunta sa field. Ayan, mapupunta ka na sa Level 2 at magiging available na ang Bamboo fence, Mask, Bench, at Garnet deposits! Ganito lang din ang gagawin mo sa mga susunod na level kaya siguraduhing basahin ang tips at tricks section para malaman kung ano pa ang inihanda ng Laro Reviews para gabayan ka sa paglalaro.

Saan Pwedeng I-download ang Totem Story Farm?

Totem Story Farm - Laro Reviews

Totem Story Farm – Laro Reviews

Sa bahaging ito ng article ituturo kung saan at paano i-download ang Totem Story Farm. Kasalukuyang available ang laro sa Android, iOS, at PC devices. Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman sa iOS users. Ilagay sa search bar ang pamagat ng laro. Kapag nahanap na ito, pindutin ang Install o Get button at hintaying matapos ang pag-download. Hindi na kailangang magbayad para i-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Buksan ang app at kumpletuhin ang lahat ng kailangan sa sign-in details. Pagkatapos ang lahat ng ito, pwede mo nang simulan ang paglalaro!

Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Totem Story Farm on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.enixan.TotemFarm

Download Totem Story Farm on iOS https://apps.apple.com/us/app/totem-story-farm/id1173802043

Download Totem Story Farm on PC https://napkforpc.com/apk/com.enixan.TotemFarm/

Tips at Tricks sa Paglalaro

Kung gusto mong dumami ang iyong visitors, importanteng pataasin mo ang kabuuang appeal ng iyong farm. Ngunit paano mo ito gagawin? Ang kailangan mong gawin ay maglagay ng maraming facilities at gamitin ang combos. Dagdag pa rito, mainam na bigyan ng equipment ang staff sa lodges para ma-improve ang kanilang stats. Nang sa gayon ay mas mapabuti nila ang kanilang gawain sa pangangalaga ng iyong Fields at nasasakupang Ranches. Tandaang may mga partikular na items na may kakayahang mag-enhance ng growth sa abilidad ng staff. 

Alinsunod dito, ang susunod nating tatalakayin ay ang mga abilidad ng staff. Ang Know-how ay nakakaapekto sa kabuuang bilang ng EXP points na natatanggap ng Field at Livestock kapag inaalagaan ito ng staff. Sunod naman ang Zeal, kung saan naapektuhan nito ang bonus matapos alagaan ang Field at Livestock. Kapag mas mataas ang Stamina, mas matagal na makakapagtrabaho ang staff nang tuluy-tuloy. Samantalang ang specialty ng Florist ay sa Flowers, ang Farmer ay sa Fruit at Veggies, at ang Rancher ay sa Livestock. Bilang panghuli, ang Odd-jobber ay walang specialization.

Kapag nakagawa ka na ng Fields o Ranches, ang staff na ang mag-aalaga sa Crops, Flowers, o Livestock hanggang sa maging handa na itong maipakita sa visitors. May preferences ang visitors sa gusto nilang makita. Gayundin, pwedeng pataasin ang kanilang stats sa tuwing tumataas ang kanilang Satisfaction rating. Mainam na mag-fokus at i-cater mo ang iyong audience, nang sa gayon ay mas mabilis na tataas ang Satisfaction ng iba’t ibang age o gender groups.

Totem Story Farm - Laro Reviews

Totem Story Farm – Laro Reviews

Related Posts
Apo Casino Review
Mega Win Casino Review

Pros at Cons ng Totem Story Farm

Nakakuha naman ito ng mataas na rating sa Google Play Store na may 4.1 stars rating at sa App Store na may 4.3 stars rating. Maraming wika ang available sa laro kaya pwede itong malaro ng maraming audience. Kabilang na rito ang English, Russian, Dutch, Polish, Spanish, French, Italian, at Portuguese. Maganda ang graphics ng laro at disente rin ang animations nito. Gayunpaman, mayroon pa ring pwedeng ma-improve dito, partikular na sa text nito. Hindi ganoong eksakto ang grammar sa wikang English sapagkat may ilang errors kang mapapansin. Mas mainam din kung iibahin ang font color ng text na nakikita sa speech bubble ng mga karakter. Dahil ito ay kulay puti, nagiging mahirap itong basahin kaagad lalo na kapag ang gamit mo sa paglalaro ay mobile device na may maliit na screen.

Ang maganda rin sa paglalaro nito ay hindi ka mawawalan ng pwedeng gawin para magkaroon ng progress sa laro. Kaya lalo kang maeengganyong maglaro para palaguin ang farm. Mayroon ding pagkakataon ang mga manlalaro na mag-add ng friends dito. Magagawa ito sa pamamagitan ng pag-connect ng kanilang Facebook account para mag-invite ng iyong friends at sama-sama kayong mag-enjoy sa paglalaro.

Konklusyon

Batay sa article tungkol sa Totem Story Farm, nagustuhan mo ba itong laruin? Kung gayon ay naghihintay na sa iyo ang kakaibang time travel adventures kasama sina Martin at Jane! Kakaibang istorya ang iyong matutuklasan, kung saan sinamahan pa ito ng magagandang tanawin. Kaya naman ano pa ang hinihintay mo? Inaantay na ng mga mamamayan dito ang magiging heroes nila! Alamin ang mga sikreto at istoryang nakatago sa nawawalang mundo. Kolektahin ang parts ng Totem at maglakbay sa iba’t ibang lugar!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...