Townscaper Review

Ang Laro Reviews ay magbibigay ng isang natatanging paraan para palawakin ang iyong imahinasyon at maging malikhain sa paggawa ng isang bayan sa gitna ng malawak na tubig! Sa Townscaper, maaari kang lumikha ng iyong sariling bayan nang walang limitasyon. Ang iyong mga ideya at pagkamalikhain ay walang limitasyon. Ito ay ganap na nakasalalay sa iyo kung anong disenyo at istraktura ang iyong itatayo. Sa sandaling buksan mo ang application, sasalubungin ka ng isang malawak na tubig na walang hangganan kung saan maaari kang magtayo ng mga nayon, gusali, katedral, tulay, at anumang iba pang bagay na maiisip mo.

Townscaper

Townscaper

Ano ang layunin ng laro?

Gaya ng naunang sinabi, ang program na ito ay hindi isang gaming app kundi isang laruan (toy). Ito ay katulad ng Mega Blocks na may isang hanay ng mga bloke kung saan maaari mong gamitin upang bumuo o magtayo ng anumang istraktura o bagay na pumasok sa iyong isip. Sa larong ito, walang limitasyon sa iyong imahinasyon at pagkamalikhain. Walang kompetisyon o hamon dito para subukin ang iyong kakayahan ka sa madaling salita walang layunin sa paglalaro nito, pero nakatutulong ito sa iyo na mapabuti ang iyong talento sa pagiging malikhain. Ito ay isang magandang application para sa mga indibidwal na gustong maglaro nang walang mga panuntunan habang nagsasaya sa pagbuo ng isang nayon sa ibabaw ng tubig.

Paano ito laruin?

Itinatampok ng Townscaper ang pagtuklas kung paano bumuo at gumawa ng mga daungan at mga komunidad sa tabing dagat. Ang Townscaper ay tila higit na isang virtual na laruan kaysa isang laro. Para itong uri ng Mega Blocks na mga laruan para sa paggawa ng mga magagandang cobblestone na maaaring masikip o maluwag ang pagkakabuo depende sa iyong gusto. Ito ay naka-focus lamang sa pagbuo ng mga gusali at hindi mo na kailangan problemahin ang pagkabit ng mga kable ng kuryente dahil kusa na itong magkakaroon. Ita-tap mo lamang ang tile na gusto mong ilagay at kusa na itong magtatayo o bubuo ng isang bagay.

Iyon lamang ang iyong gagawin, ang mag-tap at pumili ng tile swatches na naka-display sa gilid ng iyong i-screen. Mayroon din itong iba pang features na iyong matutuklasan sa oras na ginamit mo na ang application na ito. Bilang panimula, ang Townscaper ay bibigyan ka ng isang malawak na tubig na parang isang malawak na karagatan na kung saan ay maaari kang magtayo ng mga gusali, bahay, o mga establisyimento. Gagawa ka ng sarili mong layout o itsura ng bayan. Maaari mong i-zoom in at baguhin ang mga kulay ng susunod na mga brick na ilalagay mo, baguhin ang oras kung araw o gabi, kumuha ng screenshot, at mag-eksperimento.

Townscaper

Townscaper

Paano i-download ang laro?

Ang mga kailangan para matagumpay na mai-download ang Townscaper sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 11.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 30 MB at 75.9 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang magkapag-download:

  • Download Townscaper on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.OskarStalberg.Townscaper
  • Download Townscaper on iOS https://apps.apple.com/us/app/townscaper/id1549531491
  • Download Townscaper on PC https://www.gog.com/game/townscaper

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Townscaper

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Townscaper. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Townscaper!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Townscaper

Ang Laro Reviews ay naghanda ng ilang tips kung paano bumuo ng mga istraktura sa Townscaper. Dapat tandaan na walang hangganan sa iyong imahinasyon o pagkamalikhain sa application na ito. Hayaan ang iyong sarili na ipahayag ang lahat ng iyong mga hangarin at pagyamanin ang mga ito upang maging mas dalubhasa.

Paano gumawa ng isang lumulutang na lungsod – Dapat kang lumikha ng isang bilog sa lugar na nais mong bumuo ng isang lumulutang na isla. Kung walang mga sulok na pagtatayuan, ang system ng laro ay gagawa ng mga tatsulok na istraktura na walang mga suporta upang iangat ang mga ito, kaya ang mga propeller ay gagamitin upang hawakan ang mga ito nang patayo. Pagkatapos mong mabuo ito, malaya kang punan ang mga puwang at simulan ang pagbuo. Posible rin na i-konekta sa mga lumulutang na isla.

Paano gumawa ng mga paru-paro at kalapati – Upang makagawa ng mga pigeon at butterflies sa Townscaper, kakailanganin mo ng dalawang natatanging bahagi. Ang mga kalapati ay nangangailangan ng mga bubong o scaffold bago sila makapangitlog at lumipad sa paligid. Gayunpaman, ang mga paru-paro ay maaari lamang mangitlog sa mga damo, kung saan maari silang lumipad nang malaya.

Related Posts:

Real Drift Car Racing Review

Papa’s Pizzeria To Go! Review

Paano magtayo ng lighthouse – Ang paggawa ng lighthouse sa Townscaper ay napakasimple lang, mag-stack lamang ng tatlo o higit pang mga bloke sa ibabaw ng bawat isa sa isang masikip na istraktura. Sa sandaling kumpirmahin mo na ang tatlong bloke ay nasa iba’t ibang kulay, ang tuktok na bloke ay kusang magbabago na parang isang lighthouse.

Townscaper

Townscaper

Pros at Cons sa Paglalaro ng Townscaper

Napakagandang magkaroon ng kalayaan sa isang laro. Ito ay ganap na makatutulong sa iyo upang mapahusay ang iyong talento pagdating sa pagiging malikhain. Dahil ang Townscaper ay hindi isang programa ng laro, ngunit sa halip ay isang virtual na laruan kung saan maaari mong idisenyo o itayo ang iyong sariling bayan sa isang malawak tubig. Dito, makakakita ka ng mga lumulutang na konstruksyon na walang mga suporta para panatilihing nakatayo o nakalutang, gayundin ang mga lighthouse, tore, gusali, at iba’t ibang imprastraktura. Ang lahat ay nakasalalay sa iyong ideya kung paano mo ito gustong idisenyo. Walang kompetisyon o mga misyon na dapat tapusin dito, dahil nakasaad na walang mga panuntunan sa paglalaro kapag sinimulan mong gamitin ito.

Maaari ka ring kumuha ng mga screenshot dito upang i-save ang progress o ang litrato ng iyong ginawa. Ito rin ay nakakahumaling dahil walang mga limitasyon dito. Marami kang pagpipilian sa kung ano ang maaari mong gawin dito. Maaari kang pumili mula sa iba’t ibang mga swatch. Ang mga tile ay kusang umaayon sa kapaligiran. Ang mga hagdan ay kusang nabubuo sa pagitan ng mga sahig, ang mga bubong ay nagiging mga kalye, at ang mga arko ay nabubuo kapag ang mga tore ay nagkaharap. Available ang larong ito para sa lahat ng user ng Android, iOS, at PC. Ito ay angkop para sa lahat ng edad, lalo na para sa mga bata na ang kuryosidad ay nagsisimula nang umusbong at tiyak na mahahasa ang kanilang mga kakayahan sa pagiging malikhain at gawing mas aktibo ang kanilang imahinasyon.

Konklusyon

Ang laro ay tunay na nakahuhubog ng kakayahan sa pagiging malikhain at nakakaengganyo sa mga manlalarong gustong paganahin ang kanilang imahinasyon pagdating sa pagtatayo ng iba’t ibang mga gusali. Ang laro ay nangangailangan pa rin ng kaunting pagsasaayos at karagdagang features para mas marami pang manlalaro ang maengganyo sa paggamit nito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...