Treepeaks: Solitaire Tripeaks Review

Dinala ng FGL Indie Showcase ang larong Bingo sa iyong mobile phone gamit ang kanilang larong Bingo Quest: Summer Adventure. Nasisiyahan din ang mga player sa puzzle game na pinangalanang Ocean Blast: Fun Match-3 Games. Ang kanilang larong Treepeaks: Solitaire Tripeaks ay magiging katulad ng iba pang mga casual card game ngunit may mga karagdagang feature. Magiging kasing ganda ba ito ng ibang mga laro? Ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa nito.

Kakalipat lang ng kaibigan mong beaver sa isang bagong bahay. Sila ay isang mahusay na builder ngunit hindi isang decorator. Kaya’t humihingi sila ng tulong sa iyo upang i-renovate at i-furnish ito. Kailangan mong kumpletuhin ang mga stage upang kumita ng mga coin at gamitin ang mga ito sa pagbili ng mga kasangkapan. Ito ay isang klasikong larong solitaire na may idinagdag na home decor gameplay. Kailangan mong kolektahin ang lahat ng mga card upang makumpleto ang bawat stage.

Magkakaroon ng iba’t ibang layunin sa bawat yugto, ngunit may isang paraan lamang upang makumpleto ang mga ito. Piliin ang card na may simbolong mas mataas ng isa o mas mababa ng isa kaysa sa card sa deck. Kung ang iyong card ay nagpapakita ng 3 of Diamonds, maaari mong kolektahin ang mga card na may 4 o 5 na nakasulat sa mga ito. Maaari mo ring gamitin ang mga booster sa iyong laro. Ipapakita ng Laro Reviews kung ano ang ginagawa nila sa Features ng Treepeaks: Solitaire Tripeaks.

Features ng Treepeaks: Solitaire Tripeaks 

Stages – Hinahayaan ka nitong maglaro ng TriPeaks solitaire, at kikita ka ng mga coin kapag nakumpleto. Magkakaroon ng iba’t ibang layunin sa bawat level upang mapanalunan ang mga ito.

Rooms – Ang lugar kung saan mo maaring bilhin at i-display ang iyong mga kasangkapan. Magkakaroon ng hanggang limang silid sa laro. Ito ang sala, game room, kusina, kwarto, at banyo. Gayunpaman, maaari mo lamang i-unlock ang mga ito kapag naabot mo na ang kinakailangang level.

Spin the wheel – Subukan ang iyong swerte habang pinapaikot mo ang roleta. Maaari kang makatanggap ng mga reward gaya ng Joker booster, ngunit available lang ito tuwing 30 minuto.

Boosters – Ito ang mga item na makakatulong sa iyo sa laro. Ang mga +5 card ay nagdaragdag ng limang cards sa iyong deck. Kung napalampas mo ang isang card, gamitin ang undo upang ibalik ang mga ito sa iyong deck. Nakakatulong sa iyo ang mga Joker card na pumili ng anumang mga card na kokolektahin. Aalisin ng magic wand ang anumang card, at aalisin ng hurricane ang lahat ng hindi na-flip na cards.

Camera – Ang pag-click dito ay pansamantalang aalisin ang menu upang mabigyan ka ng buong view ng kwarto. 

Daily Quests – Ito ang mga gawaing dapat mong gawin para sa araw, at makakatanggap ka ng mga coin kapag nakumpleto mo ang mga ito.

Drawer – Naglalaman ito ng mga item na maaari mong gamitin na palamuti. Magkakaroon ng iba’t ibang dekorasyon sa bawat kwarto at mabibili mo ang mga ito gamit ang iyong mga coin.

Saan pwedeng i-download ang Treepeaks: Solitaire Tripeaks?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS user ka, at ilagay ang Treepeaks: Solitaire Tripeaks sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying mai-download.

Narito ang mga link kung saan mo masaring ma-download ang laro:

Download Treepeaks: Solitaire Tripeaks on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.steelfeather.tripeaks.card.adventures.gp

Download Treepeaks: Solitaire Tripeaks on iOS https://apps.apple.com/us/app/treepeaks-solitaire-tripeaks/id1574239568

Gayunpaman, hindi mo ito malalaro sa iyong PC.

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Sundin ang ilan sa mga tip na ito upang matulungan kang makaipon ng mga coin nang mas mabilis at maiwasan ang ma-stuck sa isang stage.

Basahin ang mga Objective

May mga stage kung saan hindi mo na kakailanganing makuha ang lahat ng cards. Ang ilan ay mangangailangan lamang na kolektahin mo ang mga may espesyal na frame, at matatapos mo na ang laro. Palaging basahin ang mga objective bago ito laruin upang mabigyan ka ng ideya kung ano ang dapat mong gawin.

Suriin ang Spin the Wheel

Palagi itong tignan tuwing 30 minuto para makuha ang iyong reward. Maaari ka ring manood ng ad kung gusto mo itong paikuting muli.

Kumpletuhin ang Daily Quests

Kung naubusan ka ng mga coin, gawin ang lahat ng mga gawain dito. Siguraduhing kumpletuhin ang mga ito bago ito mag-refresh.

Piliin ang unit na may mga card sa likod nito.

May mga pagkakataong makakatagpo ka ng mga card na may parehong mga simbolo. Pinakamainam na piliin ang mga card na may isa pang card sa likod upang mabuksan ang mga ito.

Gamitin ang Hurricane nang mabuti.

Aalisin ng item na ito ang lahat nang nakabukas na cards. Kaya gamitin ito kapag walang naka-flip na cards sa iyong mesa.

Pros at Cons ng Treepeaks: Solitaire Tripeaks 

Ito ay may isang simpleng UI interface. Ginagawa nitong mas madaling kontrolin ang laro dahil maayos ang pagkakaayos ng menu. Nagbibigay din ito ng instructions nang dahan-dahan sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga booster at ang kanilang mga gamit sa iba’t ibang stage. Ang mga developer ay hindi nag-i-info dump sa mga manlalaro kung paano gamitin ang mga ito, kaya hindi ka malilito sa paglalaro nito. Kahit na mayroong itong simpleng gameplay, ang laro ay maraming maiaalok. Ang paggastos ng kanilang mga coin sa pagbili ng mga kasangkapan para sa home decor ay naghihikayat sa mga manlalarong maglaro pa. Mas masaya ang pag-grind kapag magagamit mo ito sa isang bagay.

Gayunpaman, dapat ay panatilihing aktibo ng developer ang kanilang mga event. Kahit gaano karaming gameplay ang inaalok, magsasawa ang mga manlalaro sa iyong laro sa katagalan. Palagi silang nangangailangan ng bago, kaya pinakamahusay na lumikha ng panibago kapag natapos na ang huling event. Karamihan sa mga player ay nauunawaan kung mayroong mga ad sa laro. Gayunpaman, maaari itong maging balakid kung kailangan mong manood ng isang ad sa gitna ng iyong laro. Minsan kailangan mong tapusin ang isang unskippable ad upang magpatuloy. Dapat nilang pamahalaan kung paano nila ipakikita ang mga ito sa laro.

Konklusyon

Ang TriPeaks solitaire ay isa sa mga sikat na card game na maaari mong laruin sa mobile. Ginawa ito ng marami ng developer sa isang casual game upang makapaglaro ang mga player kahit kailan nila gusto. Gayunpaman, karamihan sa kanila ay naging monotonous. Ang tanging premise ay ang paglalaro ng TriPeaks solitaire. Ang home decor sa Treepeaks: Solitaire Tripeaks ay nagdaragdag ng higit na saya sa laro. Inirerekomenda ng Laro Reviews ang larong ito sa mga player na naghahanap ng isa pang card game na may mas maraming features.

 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...