Unblock Me Premium Review

Ang Unblock Me Premium ay isang klasik puzzle game na sinubok na ng panahon. Mayroon itong mahigit 40,000 puzzles na hahamon sa iyong kakayahan. Ang larong ito ay may tatlong kapanapanabik na modes: ang Daily, Challenge, at Relax. Ang larong ito ay angkop para sa buong pamilya at sa kahit anong edad.

Ang Unblock Me Free at Unblock Me Premium ay maaaring ma-enjoy online man o offline. Sa tuwing makakakonekta ang gadget online, ang progreso sa laro ay maisi-sync.

Basahin ang kabuuan ng Laro Reviews upang higit na maunawaan ang game features nito at kung paano mas ma-eenjoy ang paglalaro.

Unblock Me Premium

Unblock Me Premium

Layunin ng Laro

Ang tanging layunin ng laro ay ang matanggal ang mga block na nakaharang at tulungang makalabas ang red block sa pinaka kaunting bilang ng galaw. May kabuuang 14,500 puzzles ito at ang bawat puzzle ay nangangailangan ng sapat na oras bago malulong sa paglalaro at mahirapan ng makabitaw dito.

Maaaring magpatuloy na i-challenge ang sarili o mag-relax at mag-enjoy habang nagso-solve ng puzzle sa paglalaro ng mga gameplay modes ng Unblock Me Premium. Kumuha ng tatlong stars mula sa bawat puzzle habang naglalaro sa Challenge Mode. ito ay karagdagang benepisyo nito sa nauna kaya parating subukang makakuha ng tatlong stars sa bawat puzzle. Ang standings at accomplishments ay inilagay upang makapagbigay ng dagdag na pagsubok. Subukang pagyamanin ang abilidad ng mabilisang pag-iisip araw-araw upang maging King ng puzzles.

Unblock Me Premium: Pag-download ng Laro

Mag-enjoy sa pag-solve ng mga puzzles sa Unblock Me Premium mula sa Android devices sa pamamagitan ng pag-download nito sa Google Play Store at sa App Store naman para sa mga gumagamit ng iOS devices. Maaaring malaro ito sa PC kung gagamit ng emulator sa pag-download ng laro.

Maaaring i-download ang laro dito:

  • Download Unblock Me Premium game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.kiragames.unblockme
  • Download Unblock Me Premium game on iOS https://apps.apple.com/us/app/unblock-me-premium/id315021242
  • Download Unblock Me Premium game on PC https://pcmac.download/app/315021242/unblock-me-premium
Unblock Me Premium

Unblock Me Premium

Mga Taktikang Magagamit sa Unblock Me Premium

Bukod sa tatlong uri ng game modes, ang Unblock Me Premium ay mayroon ding mga puzzle packages gaya ng Beginner, Starter, Original, Expert, Advanced, at Intermediate. May simpleng game tutorials ang laro upang matulungan ang mga manlalaro na mas mabilis matuto kung paano laruin ito.

Ang daily rewards at free hints ay ginawang available upang mapanatiling entertaining ang laro at maiwasan ang pagka-stuck ng mga manlalaro sa isa sa mga levels.

Ang Unblock Me Premium ay nirerekomendang gamitin sa mga paaralan upang matulungan ang mga estudyante sa mas mabisang pagkatuto. Maaaring mapraktis ang isip at manatiling mentally healthy bawat araw kung patuloy na maglalaro nito. Sa nakalipas na apat na taon, ang larong ito ay nabibilang sa mga major leagues, at ngayon ay na-develop na ang Unblock Puzzle Game Category, kung saan mas marami ang pwedeng makasali. Ang puzzle game na ito ay angkop sa mga bata man o matanda o kahit sa anong edad. I-enjoy ang paglalaro ng mag-isa o hamunin ang iba pa at pagkumparahin ang mga galaw. Manatiling nasa linya habang nalilibang kasama ng iyong buddy.

Kung hindi makaalis sa isa sa mga level ng puzzle at makaramdam ng pagkabigo, magpahinga muna sandali sa paglalaro, pagkatapos ay i-restart ang puzzle upang magsimula muli o lumipat sa ibang puzzle. Maaaring makatulong ang pagbabalik kapag na-refresh na ang mga mata at isip sa paglutas ng puzzle at pagtatagumpay sa level na binalikan.

Para makakuha ng mga daily log-in incentives at free hints, maglaro araw-araw. Makakatanggap ng limang hints sa pamamagitan lamang ng pag-sign-in ng limang araw na magkakasunod. Sa buong Multiplayer mode, maaaring magsimula ng pag-bid para sa hints. Ang mapapanalunang 3 stars sa Challenge at Daily puzzle modes ay maaaring magresulta ng hints.

Ibuhos ang konsentrasyon sa resultang makukuha. Kung minsan ay parang mas lalong nagiging magulo ang pagkakaayos ng mga blocks matapos mong galawin. Ang trick na dapat tandaan ay ang pag-focus sa pangunahing layunin na mailabas ang red block at hindi ang bawat isang galaw. Unti-unti, magugulat ka na lang na nakagawa ka na ng daan nang hindi mo namamalayan.

Huwag sumuko kung may mahirap at nakaharang na block. Kahit na naging masyadong masikip ang daan, makakahanap at makakahanap pa rin ng lulusutan. Gayunpaman, kung susuko agad, hindi mo malalaman kung hanggang saan ang kakayanin mo.

Unblock Me Premium

Unblock Me Premium

Unblock Me Premium: Laro Reviews

Ang Unblock Me Premium ay isang simple ngunit nakakaengganyong puzzle game na nagawang makahakot ng mahigit 120 million downloads.

Ang konsepto ng Unblock Me Premium ay simple ngunit epektibo: ilipat ang blocks sa loob ng kahon upang mapakawalan ang red block na nasa loob. Subalit sa katagalan, ang larong ito ay unti-unting nagiging mapanghamon. Ma-eenjoy ng die hard puzzle fans ay larong ito dahil pag-iisipan at susubukan nilang galawin ang mga block hanggang sa makahanap ng angkop na solusyon. Sa kabilang banda, ang casual players naman ay maaaring makalbo sa kakakamot ng ulo sa pag-solve ng puzzles dito. Kung ikaw ay may mahabang pasensya at matiyaga, ang Unblock Me Premium ay maaaring maituring na isang magandang intelligent task. Sa apat na antas ng pagiging kumplikado at mahigit 3,000 puzzles, mapapanatili kang abala ng larong ito sa mahabang oras.

Related Posts:

My OldBoy! – GBC Emulator Review

Monument Valley 2 Review

Ang pagsubok na malutas ang mahihirap na puzzles sa Unblock Me Premium ay mas matatagalan kaysa sa inaasahan. Ito ay larong para sa mga puzzle fans na sadyang may mahabang pasensya at dedikasyon. Ang mga batang madaling mairita o mabagot ay hindi nababagay na maglaro nito. Ang mga top scores ay maaaring ibahagi sa Game Center o sa Openfeint social networks, bagaman ang pagpiling gawin ito ay boluntaryo lamang. 

Konklusyon

Ang Unblock Me Premium ay simpleng maintindihan ngunit mahirap makabisado. Maaaring gamitin ito bilang pampalipas-oras habang nakapila o sa naghihintay ng meetings upang ipahinga ang isip sa pagtatapos ng isang araw, o kung gustong makaramdam ng paghamon sa iyong talino pagkatapos ng isang mahabang araw. Nagbibigay ito ng smooth execution, iba’t ibang stages, at pagkakumplikado upang mas pagandahin ang laro.

Ang paglalaro ng Unblock Me Premium ay tulad din ng totoong buhay. Madalas ay may mararanasan tayong mga balakid na talaga namang nakakapanghina ng loob. Ngunit ang pagsisimula gamit ang kung anuman ang mayroon ka ay makakapagdala sa iyo ng isang mas magandang bagay. Sa paglalaro, tinatanggal mo ang mga nakaharang na blocks upang makadaan ang red block. Sa buhay natin, sinusubukan din nating tanggalin ang kahit anong maaaring maging balakid sa ating tagumpay. Tinatanggal natin ang mga bagay, pangyayari, at mga taong hindi kailangan. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng mas malaking oportunidad na makagalaw at magawa ang mga dapat gawin.

Ang puzzles ay hindi lang ginawa bilang libangan kundi para patalasin din ang iyong kaisipan. Kaya huwag nang magpatumpik-tumpik pa, i-download na ng Unblock Me Premium at i-enjoy ang laro!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...