Used Car Dealer 2 Review

Maligayang pagbati kapwa manlalaro! Inihahandog ng Laro Reviews ang bago at  nakakapanabik na larong ito upang ikaw ay maihanda sa mabilisang pagkabisa. Ang Used Car Dealer 2 ay isang offline RPG game na ginawa ng B-Games AI. Kung nais na mas kilalanin ang laro na ito, basahin ang artikulong isinulat ng Laro Reviews para sa iyo.

Mga Tampok ng Laro

Ang laro  na ito ay role-playing game – ikaw bilang manlalaro ay maglalaro sa panahong aktwal kung saan ikaw ay maghahanap ng car deals upang magbenta at mangalap ng ipinagbibili na gamit ng sasakyan. Itinatampok ng laro ang tila makatotohanang buhay ng mga negosyante sa larangan ng pagbebenta ng sasakyan. Mangalap at magbenta mula sa  50 unique car models na nakapaloob sa laro. Makisosyo sa mga kapwa negosyante, makipag-transaksyon at pumirma ng mga kasunduan. Intindihin at mangilatis sa mga pamantayan na nais ng customer upang matugunan ang pamantayan na hinihiling ng kliyente at masigurado na makabenta upang kumita ng limpak na salapi. Makipagkalakan at makipag-ayos ng magagandang deals na tulad sa totoong buhay. Kalakip din sa laro na maaaring pagpapatayo ng iyong car empire business. Maaaring gumawa ng iyong personal na logo brand para sa iyong negosyo. Pwede ding magpatakbo ng marketing campaigns at advertisements upang maka-enganyo ng mas maraming customer. May buildings at assets na maaari mong i-unlock at i-upgrade upang mas mapalago ang iyong negosyo. Maaari ding mag-organize ng car shows.

Sa patuloy na paglalaro at pag-angat ng level, dadagsain ng mas maraming customer ang iyong negosyo at mas mahihirapan kang pagsilbihan ang mga ito. Huwag mag-alala dahil meron namang mga booster item tulad ng gems na epektibong pabibilisin ang pagbibigay serbisyo ng iyong maglilingkod. Napaka-inklusibo ng laro dahil ito ay libre at madaling matutunan lalo na sa mga baguhang manlalaro na magpapasaya sa pangkalahatang karanasan ng iyong paglalaro. Hindi rin ito mabigat kumunsumo ng data storage sa iyong cellphone dahil nangangailangan lamang ito ng humigit kumulang na 230mb para buong ma-download, mainam sa mga manlalarong gumagamit ng hindi ganoon kamamahaling smartphone. Maaari rin na mas pagandahin at i-upgrade ang iyong mga establishment, buildings at bilis ng pagde-deliver ng order upang makapagbigay ng may kalidad na serbisyo. Kalakip din dito ang nakakapanabik na customer rating satisfaction na magbibigay ng makatotohanang karanasan sa paglalaro. Mayroon din itong patas na reward system kaya siguradong hindi ka mauubusan ng dollar bills at gems. Ito ay ilan lamang sa mga tampok ng laro na siguradong magpapaligaya sa bawat manlalaro.

Paano i-download ang Used Car Dealer 2?

Para sa mga Android smartphone user pumunta lamang sa Google Play Store at kung Iphone naman o iOS users naman pumunta lamang sa App store. I-type sa search bar ang pangalan nitong laro pagkatapos ay i-click ang install. Para naman sa PC, pumunta sa http://gameloop.com at hanapin ang larong ito sa nasabing website at i-click ang Download.

Para sa mabilis na pag-access, maaaring i-click ang mga link sa ibaba:

Download Used Car Dealer 2 on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.bestgames.usedcardealer2

Download Used Car Dealer 2 on iOS https://apps.apple.com/us/app/used-car-dealer-2/id1608950002

Download Used Car Dealer 2 on PC https://www.gameloop.com/game/casual/used-car-dealer-2-on-pc


Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Payo sa mga bagong manlalaro, mainam na alamin kung paano gumagana ang controls at hasain ang kasanayan sa tamang pagkasunod-sunod na pagbibigay ng utos. Ugaliin na manood at intindihin ang game tutorial upang mabilis ang pagkatuto at makabisa ang mga alituntunin ng laro. Sa pagbebenta ng sasakyan, tignan ang mga hinahanap na pamantayan ng customer sa bibilhin na sasakyan tulad ng klase, budget, at taon nang pagkakabili. Ibigay ito ng mabilis at maayos upang mapadali ang pakikipag-transaksyon. Ito ay epektibong paraan upang mapadali ang pagpapataas ng level lalo na sa mga baguhan. Isa sa mga paraan ng pagsasanay ay ang mahabang patuloy na paglalaro upang makabisado at maging eksperto. Sa bawat level na matagumpay mong natatapos nagbibigay ito ng gantimpala na dollar bills at exp na maaari mong ipunin at kolektahin upang i-upgrade ang mga buildings at assets.

Ang pag-upgrade ng iyong mga buildings at assets ay magpapabilis sa pagbibigay ng serbisyo at mabisang paraan din sa mabilisang pag-angat ng level. Sa pag-angat ng level, mas dumarami ang mga customer na pagsisilbihan kung kaya’t kailangan ang patuloy na pag-upgrade ng gear at equipment. Ito rin ay upang gawing mas mabilis ang pag-aalok ng serbisyo kung saan mangangailangan ito ng maraming resources lalo na ng dollar bills at gems. Para naman mabilis na makapag-ipon, maaaring manood ng advertisements na kapag buo mong napanood ay nagbibigay ng dobleng gantimpala. Ugaliin din ang araw-araw na pag-log in  at pagtatapos sa questline dahil sa pagtupad nito, mabilis na mapapataas ang level. Subukan din ang iyong swerte sa lucky spin dahil mayroon kang pagkakataon na manalo ng malalaking prizes. 

Sa mismong laro naman, isaisip ang kasabihang “to buy low and sell high”. Kapag bibili ng kotse sa auction, gawin ang mabilisan na pag-click sa bargain button upang mapababa ang presyo at ibenta sa presyo na kikita ka ng nararapat dahil kapag napamahal ka sa pagbebenta ay maaaring tanggihan ng customer at makasira ito sa iyong customer satisfaction rating. Sa kabuuan, ang pagiging pamilyar sa mga taktika at paraan ng pagbebenta ay  epektibong magpapagaling ng iyong laro. Ang matalino at maalam na paglalaan ng iyong mga mapagkukunan o resources ang susi para yumaman sa lalong madaling panahon. Ang tamang pamamahala ng oras, pag-upgrade,  masipag na pangangalap ng mga best offer na kotse at resources ang siyang magsisiguro sa iyong pagpapayaman at tagumpay. Sana ay makatulong ang mga kaalamang ibinahagi ng Laro Reviews lalo na sa mga baguhan.


Kalamangan at Kahinaan

Ang mga kalamangan ng laro ay ang mga sumusunod: ang game tutorial ay napakalaking tulong lalo na si Assistant Jennie na tutulungan kang i-set up ang iyong car dealing shop para sa mga baguhan. Masasabi na ang tutorial ay komprehensibo at madaling matutunan. Samantalang ang kontrol o command keys ay maayos na gumagana, ang character design ay minimal ngunit ito ay nakakawili sa mata at ang kabuuang animation ng laro ay kaaya-aya sa mata. Isa nga sa itinatampok ng larong ito ay maaari itong laruin offline kung kaya di kailangan na may malakas na internet or data connection para makapaglaro. Kalakip din ang akma sa temang tugtugin na lubhang nakakatulong para ikaw ay igayak sa mood ng paglalaro.

Ang bahagi ng laro na sana ay mas mapabuti  o maayos ay ang malimit na bug na nangyayari tulad ng kapag ikaw ay gumagawa ng multiple transactions. Sa panahon na nais mong sumali sa isang car auction di ka makakabili dahil no car slot kahit meron namang extra na libreng truck slot. Sa pagkakataon lalo na kapag naka-abot ka sa mataas na level mararamdaman mo ang pagkabagot dahil sa paulit-ulit na sa sasakyan na iyong nakikita. Iminumungkahi namin na maglakip ng limited edition na sasakyan na kailangan mong hintayin sa espisipikong araw o oras na maaari mo lamang itong mabili upang magdagdag kasiyahan sa pangkalahatan na karanasan sa paglalaro.

Konklusyon

Karapat-dapat talaga ang larong ito sa mga nakuhang star rating na 4.1 sa Google Play Store at 4.2 naman sa Apple Store. Talaga namang nakakabighani ang nakakawiling konsepto ng larong car dealing simulation online lalo na sa mga taong gusto maranasan ng virtual ang pagnenegosyo sa industriyang tulad nito. Huwag mo nang sayangin ang iyong mga libreng oras at maaliw sa negosyo na car dealing kung kaya i-download na ang Used Car Dealer 2!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...