Vector Full Review

Ang Vector Full ay isang showcase ng malikhaing freestyle ng pagtakbo kung saan ikaw ay may gantimpala para sa paggawa ng mga madidiskarteng galaw sa parkour. Nakatuon ang free-running adventure na ito sa tamang timing para tumalon o dumausdos sa ilalim o ibabaw ng mga obstacle, lumundag sa hangin, at tumalon sa mga pader habang hinahabol ng isang hunter na may malaking katawan. Ang itsura ng mga karakter dito ay mga taong naka kurbata o office attire na kulay itim.

Ang laro ay tungkol sa isang lugar na pinamamahalaan ng sistemang diktatoryal na kung saan ang kalayaan ng bawat indibidwal ay naglaho na. Ngunit sa kabilang banda, may isang nakalaya at mabilis na nakatakbo mula sa sistemang diktatoryal na ito. Kailangan mo lang tumakbo, tumalon, mag-slide, at sabayan ng mga pambihirang galaw.

Ano ang layunin ng laro?

Si Vector ay ang pangunahing karakter ng laro at may isang humahabol sa kanya na may layunin na hulihin at ibalik siya. Ang layunin ng laro ay matapos ang level at maabot ang safe zone. Ang laro ay puno ng mga exciting na kaganapan. Sa pag-usad mo sa bawat level, ang humahabol sa’yo ay mas lalong nagiging malakas at nakatatakot na para bang naglalabas ng kakaibang awra kaya mainam na ikaw ay dumistansya at umiwas upang ‘di matatalo. Kaya mag-swipe lang at gamitin ang mga obstacle para makabuo ng pambihirang stunts.

Vector Full

Vector Full

Paano ito laruin?

Ito ay kwento ng pang-aapi ng batas. Sa Vector Full, gagampanan mo ang papel ng isang lalaki sa isang Orwellian dystopia na hindi na kayang sumunod sa mga hinihingi ng kanyang mga pinuno. Itinapon niya ang kanyang mind-control gadget at tumakas mula sa kanyang building cage. Patuloy lang siya sa pagtakbo para hindi siya maabutan.

Mahalaga na tama ang pagpindot mo sa mga virtual buttons ng laro para makabuo ka ng stunts habang nasa ere. Maaaring lumikha ng panandaliang abala sa iyong bilis dahil kapag wala ka sa tamang-timing sa pagpindot ng mga control buttons nito, ikaw ay madarapa at babagal habang sinusubukang ibalik ang iyong balanse. Sa oras na mangyari ito ay maaari kang maabutan at tuluyang matalo. Habang papalapit ang humahabol sa iyo, nagzu-zoom in ang camera at kumikislap ang nakamamatay na kidlat mula sa kanyang mga gauntlets na nagpapataas ng intensity at entertainment ng laro. 

Ikaw ay gagantimpalaan ng mga bituin kapag natapos mo ang isang level. Ang pag-survive hanggang sa maabot ang safe zone ay nagbibigay ng isang bituin, ngunit ang pagkolekta sa tatlo ay nangangailangang isagawa ang bawat stunt sa bawat level pati na rin ang kolektahin ang lahat ng nakabitin na mga bonus cube na makikita sa laro. Ang mga bituin at barya ay maaaring gamitin para makakuha ng mga bagong trick o stunts na maaaring mabili sa ilang sandali bago magsimula ang laro. Ang force blaster na panandaliang nagpapa-freeze sa humahabol sa iyo ay nagbibigay ng ilang buffer time na epektibong gamitin para makalayo mula sa humahabol.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kailangan para matagumpay na mai-download ang Vector Full sa Android devices ay dapat Android 4.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na bersyon sa 6.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 91 MB at 138.8 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-download ito sa pamamagitan ng pag-click sa mga link sa ibaba:

  • Download Vector Full on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.nekki.vector.paid
  • Download Vector Full on iOS https://apps.apple.com/us/app/vector-for-iphone/id562989701
  • Download Vector Full on PC https://www.bluestacks.com/apps/arcade/vector-full-on-pc.html
Vector Full

Vector Full

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Vector Full

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Vector Full pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Google play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o mase-save kung ili-link ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Vector Full!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Vector Full

Ang kailangan mo lang gawin dito ay i-timing ang pagtalon sa ibabaw o sa ilalim ng mga obstacle, tumalon sa ere at sa dingding habang sinusundan ng isang malaking lalake na gusto kang ibalik sa lugar kung saan ka unang nanggaling. Maaari kang tumalon sa mga rooftop at gumawa ng mga pambihirang mga trick habang nasa 100 talampakan sa ibabaw ng lupa. Sa arcade-style na larong ito na puno ng pakikipagsapalaran, ikaw ay magiging isang magaling na mananakbo.

Subuking kumpletuhin ang lahat ng 40 level na ang bawat level ay mas magiging mahirap habang umuusad ka sa laro. Para sa mga baguhan, tutulungan ka nila ng mga basic para matutunan itong laruin. Ang pangunahing layunin ay tumakbo at maiwasang mahuli. Upang i-clear ang isang level, dapat mong gamitin ang lahat ng iyong magagamit para makabuo ng stunts at makapunta sa safe zone.

Vector Full

Vector Full

Pros at Cons sa Paglalaro ng Vector Full

Ang laro ay maikli na maaaring tapusin ang lahat ng levels sa loob lamang ng tatlong oras. Gayunpaman, may ilang dahilan para bumalik sa Vector Full. Ang mga level ay mabilis na makumpleto kaya maaari mo itong ulitin upang makakuha at mangolekta ng mga bituin. Ang pagkolekta ng mga bituin ay nakatutulong sa iyo na ma-access ang mahihirap na challenge na magsasanay sa iyo na makabuo pa ng mga pambihara at mahihirap na stunt.

Gawin ang iyong best shot sa paggawa ng mga stunt para makakuha ng mas maraming reward. Dapat kang magtipon ng mga bituin upang i-unlock ang dalawa sa mga pangunahing bahagi ng laro upang magpatuloy sa mga level. Ang bilang ng mga bituin na kinakailangan upang i-unlock ang mga zone na ito ay napakalaki. Ito ay nangangahulugang kailangan mong bumili ng maraming mga stunt at makabisado ang maraming mga level upang magpatuloy. Ang pagkuha ng mga kailangang bituin upang makakuha ng pera at makabili ng skills ay nagiging mas mahirap. Humihirap ang mga challenge ng laro.

Related Posts:

XCOM®: Enemy Within

DamonPS2 Pro 64bit – PS2 Emulator Review

Ang aesthetics at graphics ng laro ay maayos na nailarawan. Ang ambiance ng anumang zone o lugar ay sapat na upang maakit ang atensyon ng mga tao. Ang mga trick dito ay medyo nakaaaliw panoorin, at ang patuloy na hinahabol ka ay nakadaragdag ng intense ng laro. Ito ay tunay na angkop para sa lahat ng edad. Ang magandang balita, ito ay isang mobile gaming app kaya maaari mong dalhin at laruin ito saan man at kailan mo naisin.

Konklusyon

Ang Vector Full ay hindi kataka-takang itinuturing na isang mahusay na program na nagbibigay ng maraming kasiyahan para sa lahat ng mga manlalaro. Gayunpaman, nangangailangan pa rin ito ng mga karadagdang features upang ang mga manlalaro ay manatiling interesado rito. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...