War Alliance – PvP Royale review

War Alliance – Ang Goodgame Studios ay isa sa mga kilalang game developers noong panahong uso pa ang mga Flash games sa internet. Ang ilan sa mga larong pinasikat ng Goodgame Studios noon ay ang Goodgame Gangster, Goodgame Empire, Goodgame Poker, at iba pa. Ngayon, mobile gaming naman ang pinasok ng kilalang studio na ito. 

Kung pupuntahan mo ang kanilang website, malalaro mo pa rin ang mga classic na laro ng Goodgame Studios sa PC pero mayroon na ring mobile games na pwede mong ma-enjoy. Kung mahiig ka sa mga real-time strategy (RTS), isa sa mga larong maaari mong laruin mula sa Goodgame Studios ay ang PvP Royale. 

May hawig ang War Alliance – PvP Royale sa Clash Royale. Ang tatalakayin natin ngayon sa Laro Reviews ay kung ano ba ang katangian ng RTS game na ito. 

War Alliance – PvP Royale

Sa War Alliance – PvP Royale, makikipaglaban ka sa isang digmaan laban sa isa pang manlalaro. Mayroon kayong isang hero at dalawang tower. Sa larong ito, dapat mong mapatay ang hero at mawasak ang tore para tanghalin kang panalao sa digmaan. Maaari mong kontrolin ang iyong hero sa laro na ito sa pamamagitan ng pag-tap sa screen. 

War Alliance - PvP Royale - Laro Reviews

War Alliance – PvP Royale – Laro Reviews

Sa kasalukuyan, mayroong isang milyong downloads ang War Alliance – PvP Royale sa Google Play Store. Hindi kakaiba ang format ng War Alliance – PvP Royale. Mayroon kang deck ng mga cards sa ilalim at ang mga ito ay ang units na pwede mong i-deploy. Syempre, magkakaroon ka ng mga coins at bagong cards sa bawat panalo mo. 

Game features

Sa larong ito, may deck ng mga baraha na nasa ilalim ng screen. Ang mga barahang ito ay ang mga units na maaari mong ilagay sa battlefield. May power na kinakailangan para i-deploy ang mga units na ito. Hindi gaya ng mga hero, maaaring unahing kalabanin ng iyong units ang units na na-deploy ng mga kalaban bago atakihin ang iyong tore. 

Ang isa pang feature ng larong ito na kailangan mong malaman ay ang mga heroes nito. Ang mga hero sa War Alliance – PvP Royale ay may kanya-kanyang kapangyarihan, lakas, at kahinaan. May apat na klase ng hero sa War Alliance – PvP Royale at ang mga ito ay ang Tank, Assault, Defender, at Support. 

Sa simula ng laro, may pagkakataon kang mamili sa pagitan nina Commando at General Ironhide kung sino ang gusto mong maging panimulang hero. May mga hero sa War Alliance – PvP Royale na maaari mong mabili gamit ang gold at may iba naman na maaari mong ma-unlock oras na nakarating ka sa isang rank. 

May mga cards rin sa War Alliance – PvP Royale. Ang mga cards na ito ay makakatulong sa hero na sumalakay sa kalaban at depensahan ang kanilang mga tore. May tatlong uri ng cards sa larong ito at ito ay ang Units, Structure, at Support. Ang Units ay mga sundalo na sumasalakay sa mga kalaban. Samantala, Structures ang nagbibigay ng depensa at Support ang nagbibigay ng buff sa iyong hero o pumipinsala sa iyong kalaban. 

Related Posts:

Runestrike CCG Review

Infinite Galaxy Review

War Alliance - PvP Royale - Laro Reviews

War Alliance – PvP Royale – Laro Reviews

Ang isa naman sa mga game-changer na gusto mong makuha sa War Alliance – PvP Royale ay ang Sniper. Ang Sniper ay isang long-ranged attacker na walang misyong kundi ang atakihin ang hero ng kalaban. 

Saan maaaring i-download ang War Alliance – PvP Royale?

Gamitin ang sumusunod na links mula sa Laro Reviews upang mai-download ang laro.

Download War Alliance – PvP Royale on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.magnificgames.waralliance&hl=en&gl=US

Download War Alliance – PvP Royale on iOS https://apps.apple.com/us/app/war-alliance/id1244206559

Tips and Tricks para sa War Alliance – PvP Royale

Ang pagpatay sa hero ng kabilang grupo ay ang pinakamahusay na paraan upang manalo sa mga digmaan ng War Alliance – PvP Royale. Upang magawa ito, subukang akitin ang manlalaro na papuntahin ang kanilang hero sa iyong bahagi ng arena. Kung hindi sila nahulog sa pain, ituon ang iyong mga pag-atake sa kanilang mga nakatigil na turrets at gamitin ang iyong air assault cards. Kapag nasira ang isa sa kanilang turret, mas mataas ang iyong opensa. 

Kada tatlong oras, may matatanggap kang loot chest sa larong ito. Bago ka sumabak sa ano mang laban, siguraduhin na bubuksan mo muna ang mga chest. Sa ganitong paraan, makakapag-upgrade ka ng units na mas magbibigay sayo ng kalamangan pagdating sa laban. Kapag pipili ka naman ng battle deck, hindi ka dapat magkaroon ng isang unit lang. Dapat mong ugaliing magkaroon ng land at air units upang may pwersa ka sa parehong espasyo. 

War Alliance - PvP Royale - Laro Reviews

War Alliance – PvP Royale – Laro Reviews

Pros and Cons ng War Alliance – PvP Royale

Ang aktwal na pakikidigma sa War Alliance ay lubos na automatic, at walang maraming posibilidad na magplano ng mga tumpak na hakbang para sa iyong mga sundalo. Magagawang gabayan ng mga manlalaro ang kanilang mga hero at cards sa isang tiyak na direksyon, ngunit hindi sila palaging makakapili kapag nagpaputok sila.

Kahit na nasasaksihan mo ang barilan, may mga tagpo na para bang ang bagal ng usad ng laro dahil tagamasid lang ang manlalaro. Kapag nag-tap ang mga user sa screen para bumalik ang kanilang bayani. Kapag namatay na ang hero mo sa War Alliance – PvP Royale, tapos na ang laro. Kaya ang madalas na nangyayari, bumabalik lagi sa base ang mga hero. 

At dahil paulit-ulit lang ang pagsugod at pagbalik sa base ng hero, medyo nakakatamad itong tingnan sa malayuan. Kaya ang nangyayari, hindi nagkakasuguran ang dalawang hero. Mas maganda sana kung may punto sa laro na talagang maghaharapan ang mga hero upang hindi maging predictable ang laro. 

Bukod sa mga ito, smooth naman ang gameplay ng War Alliance – PvP Royale. Disente ang graphcis nito at kahit papaano ay may matinong graphics. May tsansa nga lang na mainis ka minsan dahil sobrang overpowerd ng manlalaro na mapapatapat sayo. Nakikita namin sa Laro Reviews na may mga taong magkakaroon ng interes sa larong ito pero hindi ko masasabing standout ang War Alliance – PvP Royale. 

Konklusyon 

Ang War Alliance – PvP Royale ay isang mahusay at kasiya-siyang laro na dapat mong tingnan kung ikaw ay mahilig sa RTS genre. Gayunpaman, sa isang merkado kung saan ang Clash Royale ay nangungunang RTS game, malamang na hindi ito mamumukod-tangi. Magiging masaya ka dito, ngunit hindi ito isang laro na magiging classic pagkalipas ng isang dekada.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...