War Eternal – Enter the Dragon Review

Ang War Eternal – Enter the Dragon ay inilabas noong 2019. Ito ay isang strategy game mula sa ONEMT, isang kilalang Android game developer sa buong mundo. Sa loob ng halos walong taon, ang kumpanyang ito ay nakapaglunsad na ng 16 game apps at karamihan sa mga ito ay may matataas na rating sa Play Store. Sila rin ang nasa likod ng ilang mga sikat na laro tulad ng Rise of the Kings at Days of the Empire-Heroes Never Die.

Bilang manlalaro, ikaw ay mamumuno sa isang imperyo at gagawin mo ang lahat upang ito ay maging pinakamakapangyarihan sa lahat. Ang larong ito ay hindi lamang tungkol sa pagtatanggol ng iyong nasasakupan, kailangan mo ring pagtuunan ang mga usaping politikal at mas palawakin pa ang iyong teritoryo. Kung ikaw ay mahilig sa mga strategy at action games, hindi mo dapat palampasin ang isang ito. 

Paano i-download ang laro?

War Eternal - Enter the Dragon - Laro Reviews

War Eternal – Enter the Dragon – Laro Reviews

Ang larong ito ay pwedeng i-download mula sa App Store at Play Store at pwedeng-pwede itong laruin sa mga iOS at Android device. Bago i-download ang app, dapat mong tiyakin na ito ay may sapat na storage space upang gumana ng maayos at maiwasan ang lags. Kung nais mong gumamit ng laptop o desktop device, maaari mong i-download ang app sa iyong computer gamit ang isang lehitimong emulator. Maaari mo ring gamitin ang mga link sa ibaba kung nagmamadali kang masubukan ito:

Download War Eternal-Enter the Dragon on iOS https://apps.apple.com/us/app/war-eternal/id1372625336

Download War Eternal – Enter the Dragon on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.and.wareternal

Download War Eternal – Enter the Dragon on PC https://www.ldplayer.net/games/war-eternal-on-pc.html

War Eternal – Enter the Dragon: Gabay Para sa mga Baguhan

Ang War Eternal – Enter the Dragon ay nakasentro sa konsepto ng digmaan. Upang mas mapalawak ang nasasakupan at mapalakas ang iyong imperyo, maraming bagay ang kailangan mong malaman at tandaan sa larong ito. Ang mga matututunan mo dito ay kapakipakinabang lalo sa mga baguhang manlalaro. Kung may balak kang laruin ito, tutulungan ka ng Laro Reviews upang ito ay mas makilala pa upang maging mas mahusay kang manlalaro. 

Bago ang lahat, kailangan mong gumawa ng game account dito. Sa paraang ito, matitiyak mong ang iyong game data ay masi-save at maibabalik kung sakali. Pagkatapos mong makagawa ng account ay magsisimula na ang iyong pakikipagsapalaran sa mundong puno ng mga digmaan. 

Related Posts:

Clash of Lords 2: Guild Castle Review

Sky Clash: Lords of Clans 3D Review

Kung nakapaglaro ka na ng mga strategy game noon, marahil ay napapansin mo ang malaking pagkakahawig ng kanilang gameplay at kakaibang features. Malaki ang kontribusyon ng mga ito sa pangkalahatang gaming experience ng mga manlalaro. Kailangan mong alamin ang mga ito upang makagawa ng sarili mong diskarte at manalo. 

Ang mga sumusunod ay mahalagang aspeto ng laro na dapat malaman ng bawat manlalaro:

War Eternal - Enter the Dragon - Laro Reviews

War Eternal – Enter the Dragon – Laro Reviews

  • Heroes at Troops

Sa larong ito, maaari kang pumili kung anong uri ng sibilisasyon ang gusto mong pamunuan at kung anong heroes ang gagamitin sa bawat laban. Makakakuha ka ng hero sa pamamagitan ng pagkumpleto sa 5 partikular na hamon o kondisyon. Ang mga hero ay may tatlong kasanayan – attack skills, command skills at defensive skills. Kapag nasa gitna ng labanan ay maaaring maimpluwensyahan ng hero ang mga hukbo na kanilang pinamumunuan sa pamamagitan ng paggamit ng symbiosis feature. Ang pag-upgrade ng iyong mga hero ay nangangahulugan na ang lakas ng hukbo at epekto ng symbiosis ay mas lalakas din.

  • Mga Pinuno ng Kaharian 

Bukod sa lakas-militar ng isang kaharian, mayroon ding ibang mga karakter sa laro na may ginagampanang papel sa pamumuno at pagpapatupad ng batas. Ang mga tauhang ito ay naninirahan at matatagpuan sa Town Hall. Bawat isa sa kanila ay may responsibilidad sa pag-unlad ng ekonomiya at pagpapanatili ng kaligtasan ng mga sibilyan. Ang may pinakamataas na kontrol sa lahat ay ang hari o ang reyna. Ang iba pang opisyal ng kaharian ay ang mga prinsipe o prinsesa, Foreign Minister, at Cabinet of Ministers na kumakatawan sa iba’t ibang mga lungsod ng kaharian.

  • Mga Istruktura at Gusali sa Laro

Ang iba’t ibang istruktura at gusali ay may mahalagang papel din na ginagampanan upang manalo ka sa larong ito. Ang pag-upgrade sa mga ito ay nagpapalakas sa mga partikular na aspeto ng kaharian. Halimbawa, ang palasyo o ang Main Tower ay batayan sa pag-level up ng iyong mga hero. Sa madaling salita, hindi mo maaaring i-upgrade ang mga hero sa anumang level na gusto mo. Upang magawa ito, kailangan mo munang i-upgrade ang iyong Main Tower. Bukod pa rito, ito rin ang nagsisilbing batayan upang makapagpatayo ng iba pang mga gusali.

  • Resources

Maraming paraan para makaipon ng resources dito sa War Eternal. Ang bawat alyansa ay may sariling super resource zone kung saan ang mga kaharian, sa ilalim ng parehong alyansa, ay maaaring makakuha ng resources. Kaya’t kailangan mo talagang sumali sa isang alyansa upang makakuha ng access sa zones na ito. Maaari ka rin namang pumunta at manakop ng mga resource zone ng ibang alyansa. Pwede mo ring ipadala ang ilan sa iyong mga legion upang maghanap at mangolekta ng mga karagdagang resources sa labas ng iyong teritoryo.

War Eternal - Enter the Dragon - Laro Reviews

War Eternal – Enter the Dragon – Laro Reviews

War Eternal – Enter the Dragon: Pros at Cons ng Laro

Ang War Eternal – Enter the Dragon ay may magagandang reviews mula sa mga manlalaro at kritiko. Tila walang katapusan ang aliw at saya sa larong ito. Ang bawat update sa laro ay nagdadala ng karagdagang features. Gustung-gusto rin ng karamihan ang de-kalidad na disenyo ng heroes pati na rin ang graphics at animations na ginamit sa laro. Ang game mechanics nito at patas din sa lahat. Marami rin ang mapagpipiliang heroes at talagang kapanapanabik ang special events at challenges na maaari mong salihan. 

Sa kabilang banda, hindi rin naman maipagkakaila na may mga bagay pang dapat ayusin sa laro. Maraming manlalaro ang napipilitang gumamit ng mga mamahaling in-app purchases upang manatiling nakatayo ang kaharian. Ang mga isyung teknikal tulad ng glitches at network problems ay patuloy ding gumagambala sa laro. Sa kabila ng pagkakaroon nito ng regular na updates, tila bigo pa rin ang mga developer na malutas ang problemang dala ng bugs. May mga bagong features din na nakakalito lamang sa mga manlalaro. 

Konklusyon

Sa kabuuan, inirerekomenda ng Laro Reviews na subukan mo ang larong ito. Ito ay may matataas na ratings sa dalawang pangunahing app platforms. May average rating itong 4.3 stars mula sa halos isang milyong reviews sa Play Store. Samantalang sa App Store, ito ay may 4.4-star rating mula sa mahigit isang libong reviews. Bagama’t masasabi nating marami ang nasisiyahan sa larong nito, kinakailangan pa ring pagtuunan ng pansin ang mga paulit-ulit na problema at technical issues nito. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...