Whale Trail Frenzy Review

Ang Whale Trail Frenzy ay isang arcade game na binuo ng Ustwo Games. Ang laro ay isang arcade game na katulad ng sikat na larong “Flappy Bird,” ngunit may mga power-up at iba pang feature. Sa kapanapanabik na larong ito, kailangan mong kontrolin ang isang balyena sa mga ulap at ang makulay na pagkakaiba ng iyong mahiwagang mundo. Kakailanganin mong mangolekta ng mga cute na bagay na katulad ng mga bituin upang mapabilis ang paglipad o galaw. Habang mas lumalayo ka, mas maraming puntos ang iyong makukuha. Ang laro ay masaya, maganda, kapanapanabik, at nakakahumaling. Sumali sa kamangha-manghang pakikipagsapalaran sa mundo ng Whale Trail Frenzy! I-download ang laro ngayon at magpakasawa sa kasiyahan.

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng laro ay sadyang simple ngunit talagang nasa iyo kung ano ang layunin na susubukan mong makamit. Ang pangunahing layunin ay upang makatakas kay Barry Von Baron! Bagama’t ito ay isang walang katapusang laro, kailangan mong patuloy na lumipad hangga’t maaari upang hindi ka niya maabutan. Patuloy na lumipad sa pamamagitan ng pangongolekta ng mga bula at frenzy star, huwag hayaang maubos ang iyong enerhiya dahil kung hindi, ikaw ay titigil sa paglipad. Patuloy na iwasan ang mga ulap dahil kukuryentihin ka ng mga ito! Mayroon ding mga misyon na maaari mong gawin upang kumita ng ilang in-game na pera at mga espesyal na misyon o level. Magagamit mo ang perang iyon para makabili ng mga costume at power up para sa iyong balyena.

Paano ito laruin?

Ang laro ay nagbibigay ng isang maikling tutorial kung paano kontrolin ang balyena pati na rin ang iba pang mga feature at mga panuntunan na dapat sundin. Gayunpaman, magbibigay pa rin sa iyo ang Laro Reviews ng pangkalahatang-ideya ng laro bago mo ito laruin, kaya maaari mong laktawan ang tutorial! Maaari mong simulan ang laro kaagad pagkatapos i-download at i-install ang app. Agad nitong ili-link ang app sa iyong account upang i-save ang iyong progress sa laro. Pagkatapos ay mag-uumpisa ka na sa iyong unang pakikipagsapalaran sa mundo ng Whale Trail Frenzy.

I-hold lamang ang i-screen para tumaas at bitawan para mahulog. Ito ay sobrang dali lamang upang maunawaan. Dapat mong kolektahin ang mga bula upang mapunan muli ang iyong enerhiya at makalipad nang mas malayo. Maaari mong suriin ang level ng iyong enerhiya sa kaliwang bahagi sa itaas ng screen. Patuloy lamang mangolekta ng mga ito upang matiyak na hindi ka babagsak. Maaari ka ring mangolekta ng mga makukulay at nakakamanghang frenzy star ng maraming beses upang maging frenzy, na magdodoble sa iyong bilis at nagbibigay-daan sa iyong mabilis na dumaan sa mga ulap dahil inaalis sila ng iyong frenzy. Lumipad hanggang sa abot ng iyong makakaya upang manalo ng mga puntos at pera. Gamit ang perang iyon, maaari kang bumili ng mga costume, espesyal na misyon, at iba pang power-up sa menu. Maaari mo ring kumpletuhin ang mga misyon upang mapabilis ang iyong pag-iipon ng pera.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Whale Trail Frenzy sa Android devices ay dapat Android 4.1 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 11.0. Maaari mo na itong subukang laruin ngayon!

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Whale Trail Frenzy on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.ustwo.whaletrailfrenzy

Download Whale Trail Frenzy on iOS https://apps.apple.com/us/app/whale-trail/id450163154

Download Whale Trail Frenzy on PC https://napkforpc.com/apk/com.ustwo.whaletrailfrenzy/

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Whale Trail Frenzy

  1. Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Whale Trail Frenzy pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Whale Trail Frenzy!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Whale Trail Frenzy

Makakatulong sa iyo ang mga tip at trick na ito na makamit ang pinakamataas na performance sa laro, lalo na para sa mga baguhan. Siyempre, ito ay mga pangunahing tip lamang, at maaari kang matuto nang higit pa habang sumusulong ka. Ang mga ito ay mula sa mga paraan ng paggamit ng mga kontrol hanggang sa paggamit ng mga kinakailangang item upang pabilisin ang iyong pag-usad. Kaya halika na at simulan na natin!

  1. Laging sundan ang direksyon ng mga bula. Kadalasan sila ang pinakaligtas na landas at tiyak na hindi ka mauubusan ng enerhiya.
  2. Palaging subukang makakuha ng frenzy bubble dahil ang mga ito ay makakatulong upang makadaan sa mahihirap na sitwasyon.
  3. Mag-ingat sa mga kontrol. Siguraduhing panatilihin mo ang iyong balanse sa pagitan ng pag-akyat at pagbaba.
  4. Huminahon at magsaya! Ang pagkakaroon ng kasiyahan ay maaaring mag-udyok sa iyo na patuloy laruin ang laro!

Pros at Cons sa Paglalaro ng Whale Trail Frenzy

Ang pinakamagandang bahagi ng artikulong ito ay ang mga kalamangan at kahinaan ng laro. Dito, ibabahagi ng Laro Reviews ang ilang mga saloobin tungkol sa laro. Ito ay ganap na nakabatay sa aming personal na karanasan. Kaya, sa pagbubukas ng laro, hindi na kami nagulat dahil inaasahan na namin na mayroon lamang itong ilang mga feature na maaari mong tuklasin. Ito ay katanggap-tanggap naman dahil ang laro ay talagang simple at nakatuon lamang sa kung ano ang kailangan nitong pagtuunan ng pansin. Kasama lang dito ang mahahalagang bagay at walang anumang icon na hindi naman kailangan. Kaya naman talagang napakaayos nitong tingnan. Kahit na walang tulong ng isang tutorial, maaari mong aktwal na matutunan ang lahat sa ilang mga pagsubok lamang. Ang gameplay, kasama ang mga kontrol at layunin, ay sobrang napakadali.

Dahil una naming nasubukan ang kilalang laro na Flappy Bird, ang dalawang ito ay may pagkakahawig pagdating sa gameplay kaya napaka-nostalgic ng laro. Makokontrol mo ang isang maliit na balyena at dapat tumakas mula kay Barry Von Baron. May mga hadlang na maaaring makapagpabagal sa iyo, pati na rin ang mga power-up na makakatulong sa iyong lumipad nang mas malayo. Malinaw na ang larong ito ay walang katapusan, at dapat kang lumipad sa abot ng iyong makakaya upang makakuha ng higit pang mga gantimpala. Mangongolekta ka ng mga bula upang mapunan muli ang iyong enerhiya at patuloy na lumipad. Hindi ito eksaktong kapareho sa Flappy Bird, at ang mga developer ay gumawa ng mahusay na trabaho sa pagdaragdag ng mga twist at aliw dito.

Ang laro ay malayo pa rin mula sa pagiging perpekto. Siyempre, mayroon pa rin kaming ilang mga alalahanin, higit sa lahat ang nag-iisang pinagmumulan ng stress, walang iba kung hindi ang maraming advertisement na lalabas habang ikaw ay naglalaro. Masyadong mahaba ang mga ito, na hindi akma kung ikaw ay isang abalang manlalaro. Ang isang advertisement ay tumatagal ng mahabang oras upang matapos, at ito ay pipilitin ka ring pumunta sa app store, na medyo nakakaabala. Gayunpaman, ang laro ay puno ng imahinasyon at kasiyahan. Maaari mo itong subukan para sa iyong sarili, at tingnan natin kung hanggang saan ang iyong makakaya.

Konklusyon

Ang laro ay napakahusay, makulay, nakaka-enganyo, at kaakit-akit. Ang gameplay ay nakakahumaling, at maaari mo itong laruin nang ilang oras dahil ito ay napakasaya at nakaka-relax. Ang graphic style, pati na rin ang audio effects, ay parehong masigla. Kaya ano pa ang maaari mong hilingin? Bagama’t mayroon itong ilang mga isyu pagdating sa advertisement, ito ay masaya pa rin laruin kung mayroon kang mahabang pasensya. Kaya maglaro na ngayon para maranasan ang pagpapalipad ng balyena!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...