WitchSpring Review

Ang WitchSpring ay isang role playing game na binuo ni Suyoung Jang at inilathala ng Kiwiwalks Co.,Ltd. Unang inilabas ang WitchSpring noong Hulyo 13, 2015 at mayroon na ngayong mahigit 10,000 na installation counts. Ang pinakabagong update ng WitchSpring ay noong Agosto 14, 2020 at ang kasalukuyang bersyon nito ay 1.9.8. Sa ngayon, mayroon itong 4.4 na rating sa Google Play Store at sa Apps Store naman, mayroon itong 4.6 na rating. Sinusuportahan din ng WitchSpring ang iba’t ibang wika tulad ng English, Simplified Chinese, Traditional Chinese, at Japanese. Ang WitchSpring ay may karahasan at dahil dito, ito ipinapayo na laruin ng mga batang may edad na 9 taong gulang pataas. Ang WitchSpring ay isang klasik RPG na laro at walang distractions gaya ng in-app purchases at mga advertisement. 

Ang laro ay tungkol sa isang batang diyosa na nagngangalang Pieberry na naninirahan sa kontinente ng Vavelia. Namuhay si Pieberry ng pribado sa buong buhay niya ngunit isang araw nagpasya siyang lumabas sa mundo at isiwalat ang isang mas malaking plot na bubuhay sa kuryosidad ng mga manlalaro. Pinababayaan ng WitchSpring ang mga manlalaro na piliin ang kapalaran ng Witch. Sasanayin ng mga manlalaro ang mangkukulam sa kanyang tahanan, mag-eksperimento sa paghahalo ng mga sangkap ng spell at lumikha ng malakas na mahika. Sa paglalaro ng WitchSpring, ang mga manlalaro ay makakaramdam ng pagkamangha sa buong planeta kung saan nagaganap ang laro, lumaban sa mga labanan sa maraming mandirigma at makatuklas ng mga sangkap ng spell.

WitchSpring

WitchSpring

Ano ang Layunin ng Laro?

Dapat maging matalino ang mga manlalaro ng WitchSpring sa pagpili ng kapalaran ng mangkukulam para maging panginoon siya ng lahat ng tao. Kailangang ihanda ng mga manlalaro ang mangkukulam upang makilahok sa mga labanan kontra sa mga mandirigma. Ang mangkukulam ay kailangan ding sanayin sa paghahalo ng mga sangkap para makagawa ng spell at sanayin siya sa paggawa ng malalakas na mahika. Dapat protektahan ng mga manlalaro ang mangkukulam sa lahat ng pagkakataon.

Paano maglaro ng WitchSpring?

Sa paglalaro ng WitchSpring, kailangang sanayin ng mga manlalaro si Pieberry sa bahay. Ikaw ay maaaring pumili sa pagitan ng maraming pagsasanay na may HP o MP na magtataas ng kanyang mga istatistika sa sapat na bilang. Ang mga manlalaro ay kailangang maghanap ng mga item mula sa field o sa pamamagitan ng talunin ang mga kalaban. Ikaw ay maaaring gumawa ng mga item at mga bagong spell. Ang ilan sa mga bagay ay recovery items na magagamit mo sa mga labanan at ang iba pang mga item ay maaaring magpataas ng iyong mga istatistika. Ang mga crafted items ay pwedeng gamitin ni Pierberry sa mga laban. Kapag si Pierberry ay nasa battlefield, pagsasanay o paggalugad, nababawasan ang kaniyang stamina. Patulugin si Pieberry sa loob ng 9 na oras upang manumbalik ang kanyang lakas. Maaari siyang maging handa muli para sa isa pang labanan upang gawin siyang panginoon ng lahat ng tao.

Paano mag-download ng WitchSpring?

Ang WitchSpring ay hindi libre. Para sa sinumang gustong maglaro ng WitchSpring maaari nilang bilhin ang laro at i-download ito. Ayon sa Laro Reviews, ito’y nagkakahalaga ng ₱44.00 lamang sa Google Play Store. Sa Apps Store naman ang presyo ay $1.99. Para sa mga gumagamit ng Android, maaari nilang hanapin ang WitchSpring sa pamamagitan ng pagbubukas ng kanilang Google Play Store at sa Apps Store naman para sa iOS users. Para mabili ang laro, ang mga user ng Android at iOS ay kailangan magbigay ng mga detalye ng kanilang credit card.

  • Download WitchSpring on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.kiwiwalks.witchspring_lan_en
  • Download WitchSpring on iOS https://apps.apple.com/us/app/witchspring/id1047593494
WitchSpring

WitchSpring

Mga Hakbang para Gumawa ng Account para sa WitchSpring

Sa mga gustong maglaro ng WitchSpring, kailangan nilang gumawa ng account. Upang makagawa ng isang account kapag binili nila ang laro, kailangan nilang mag-sign up o mag-log in sa kanilang account. Para sa lahat ng user ng Android maaari silang gumawa o mag-log in sa kanilang Google Play Store account habang para sa mga iOS user ay maaari silang gumawa o mag-log in sa kanilang Apple ID account. Para sa mga Android user, ang kanilang mga device ay dapat na 4.4 o mas mataas pa at dapat ay may sapat na espasyo para sa 74 MB. Para sa mga gumagamit ng iOS, ang kanilang mga device ay dapat na 7.0 o mas bago at dapat ay may sapat na espasyo para sa 374.9 MB.

Related Posts:

Golf Peaks Review

My City: Mansion Review

Tips at Tricks sa Paglalaro ng WitchSpring

Ang WitchSpring ay may 100 araw na timer na lumilipas sa loob ng 24 oras. Ang pagtatapos ng mga manlalaro ay depende sa kung ano ang natapos ni Pieberry sa loob ng 100 araw. Para magawa ng mga manlalaro ang mga bagay sa loob ng ibinigay na oras, maaaring lumikha si Pieberry ng mga bagay na magagamit nya, mag-explore, magsanay at kumpletuhin ang mga partikular na kaganapan sa laro. Ngunit ang mga manlalaro ay makikita lamang ang nakalipas na oras sa pamamagitan ng pag-uwi o pagtulog. Ang pag alam sa oras ay nagiging hamon sa mga manlalaro ngunit ito naman ay isang epektibong paraan upang makagawa ng maraming bagay si Pierberry bilang pampalipas oras. Ang pinakamagandang tip ay laging gawing abala si Pieberry sa pamamagitan ng pagsasanay sa kanya at paggawa ng kanyang trabaho at paggalugad sa buong lugar. Pagdating sa pakikipaglaban, pinapayuhan ang mga manlalaro na maging pamilyar sa mga kakayahan ng kagamitan upang lumikha ng makapangyarihang mga combo para talunin ang mga kalaban. Ang mga laban ay mayroon simpleng combat mechanics. Makikita mo ang ilang mga opsyon na pwede mong gamitin sa laro sa itaas ng screen. May mga icon para sa spells, physical attacks, pet skills, fleeing, at items. Gamitin ang mga ito ng tama sa mga labanan.

WitchSpring

WitchSpring

Ang Pros at Cons ng WitchSpring

Ayon sa Laro Reviews, ang WitchSpring ay may mga cute at adorable na character na talagang nakakakuha ng atensyon ng mga manlalaro. Ang storyline sa WitchSpring ay napaka-interesante at nakakaakit para sa maraming manlalaro. Ang WitchSpring ay nagbibigay-daan sa mga manlalaro na ganap na i-customize ang paglaki ng karakter na gusto ng marami. Ang karanasan sa paggawa sa WitchSpring ay maganda dahil binibigyan nito ang mga manlalaro ng pakiramdam ng pagtatrabaho bilang isang mangkukulam. Ang mas kawili-wili, ang WitchSpring ay maraming mga pagpipilian para sa pagtatapos. Mayroon din itong tatlong magkakaibang mga landas ng kwento at ang imaging system ng laro ay kahanga-hanga dahil pwede mo itong i-customize. Ito ay talagang nagbibigay-daan sa mga manlalaro na maranasan kung paano lumikha ng mga mahiwagang kapangyarihan. Ang background music ay perpekto para sa ambiance ng laro. At sa huli, maganda na nagkaroon ng iba’t ibang wika na opsyon sa WitchSprings dahil binibigyang-daan nito ang maraming tao na maunawaan at maglaro nito.

Bagama’t kakaunti ang mga isyu sa WitchSpring, isa sa mga ito ay kapag ang mga manlalaro ay nasa laban, madaling makaligtaan ang mga detalye at hindi maka-usad dahil sa hindi nila alam kung anong direksyon ang pupuntahan. Ang pangalawang isyu ay mahirap na perpektong i-target ang mga kaaway para sa labanan. At ang pangatlong isyu ay walang mga pagpipilian para sa mga manlalaro na pabilisin ang mga laban, na kung saan ay hindi nagagawa ng mga manlalaro na lumikha ng maraming labanan upang talunin ang mga kalaban. Kung ang WitchSpring ay magbibigay-daan sa mga manlalaro na mag-upgrade at mas mahusay na mga kontrol, ito ay mas lalong gaganda at ang pagpapahintulot sa mga manlalaro na magkaroon ng opsyon sa pagpapabilis sa mga laban ay magbibigay ng kasiyahan sa mga manlalaro ng Witchsprings. 

Ang Pangkalahatang-ideya ng Laro

Ang WitchSpring ay isa sa mga pinaka-cute at kaibig-ibig na mga karakter na maaaring i-customize. Ito ay isang mahusay na laro kung saan nararanasan ng mga manlalaro ang buhay ng pagiging Witch at maranasan ang crafting at paggawa ng mga magic spell at pakikipaglaban sa mga kaaway gamit ito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...