World Conqueror 4-WW2 Strategy Review

Ang World Conqueror 4-WW2 Strategy ay isang turn-based military strategy game na nilikha ng EasyTech. Ito na ang pang-apat na installment na kanilang ginawa na hinango mula sa isa sa pinakamadilim na kasaysayan ng daigdig, ang World War II. Ayon sa developer nito, ipakikita ng larong ito kung gaano kalupit at ka-destructive ang digmaan sa pagitan ng bawat bansa alang-alang sa paggamit ng kanilang sariling kagustuhan gaya na lamang ng alam nating malimit na dahilan ng bawat sigalot na ito – ang pananakop.

Sa larong ito, ikaw ay binibigyan ng isang mahalagang papel gaya ng pagiging isang commander na may layuning magpadala ng troops sa bawat labanan upang ubusin ang bawat kalabang bansa. May kapangyarihan ka rin ditong mamili ng bansang nais mo, gamitin ang bawat technology, magtayo ng iba’t ibang gusali at subukan ang iba’t ibang klase ng gamit-pandigma upang malagpasan ang bawat game mode nito gaya ng Scenario, Conquest, Domination at Legion. 

World Conqueror 4-WW2 Strategy - Laro Reviews

World Conqueror 4-WW2 Strategy – Laro Reviews

Features ng World Conqueror 4-WW2 Strategy

Sa larong ito, talagang mabubusog ka na agad sa napakaraming game mode na pwede mong pagpilian dito. Hindi ka na rin mabuburyong pa dahil kada laro ay bagong misyon din ang kailangan mong tapusin o kumpletuhin. Makikita mo na kaagad ang mga ito sa main screen ng laro. Sa oras na buksan mo ito, agad ka nitong dadalhin sa limang sections gaya ng Scenario, Conquest at Domination na siyang kasama ng iyong HQ at setting ng laro. 

Kung bubuksan mo ang Scenario na section, bubungad sa’yo ang Tutorial, WWII Europe na nahahati pa sa Axis at Allies, WWII Pacific, Cold War, Modern War at Racing War. Mahahaba ang mga ito at maaaring sapat na upang ikaw ay maaliw. Pagdating naman sa conquest ay nahahati ito sa apat na taon: 1939, 1943, 1950 at 1980. Ngunit kung baguhan ka pa lamang ay hindi mo ito agad malalaro dahil kailangan mo munang malagpasan ang ibang challenges bago mo ito tuluyang ma-unlock. Sa Domination naman makikita ang ilang mga simpleng game challenge ngunit talagang hahasain naman ang iyong talino. Dito maaaring may maganap na Trade, Military Parade at Invasion. 

Sa HQ section mo naman makikita ang mga bagay na maaari mong kumpletuhin sa pamamagitan ng pagtapos mo sa bawat mission mo sa laro. Bubungad sa’yo rito ang listahan ng mga General na maaari mong i-recruit. Karamihan sa mga ito ay nangangailangan pa ng pag-a-unlock. Sa oras na pindutin mo ang bawat isa, lalabas ang basic info na mayroon sa kanila: kung ano ang kanilang puntos pagdating sa Infantry Attack, Armor, Air Force, Artillery, Navy, at Marching maging ang ilan pa nilang mga abilidad na maaari mong gawing gabay sa pagpili sa kanila. 

Related Posts:

HeroesTD: Esport Tower Defense Review

Undead vs Demon Review

Katabi ng General button ang technology kung saan narito ang mga bagay na gaya ng sa mobility, gun, camouflage, armor, warhead at iba pa. Nahahati pa ito sa mga section depende sa iba’t ibang armas-pandigma. Katabi naman nito ang Landmark gaya ng Broadcast Tower, National Monument, Trade Tower at iba pang makikitang itinatayo sa iyong lupain. Narito rin ang wonder kung saan laman nito ang sikat na Eiffel Tower, Great Wall of China at marami pang iba.

Dumako naman tayo sa mismong itsura ng labanan. Bawat game mode ay may kani-kaniyang mapa. Bukod sa kulay ay makikita rin dito ang flag na nasa hugis bilog bilang palatandaan sa mga ito. Nagkalat ang bawat armas-pandigma na kailangan mo na lamang iusad upang makalapit sa kalaban at makipaglaban dito. Mayroon ding iba’t ibang mga gusali rito kung saan dito ka maaaring makapag-produce ng mga army at iba pang mga armas-pandigma, sa lupa man, sa tubig man o sa himpapawid.

World Conqueror 4-WW2 Strategy - Laro Reviews

World Conqueror 4-WW2 Strategy – Laro Reviews

Sa bawat laban, mayroong gusali para sa Infantry (Light, Assault, Motorized, Mechanized), Tank (Armored Car, Light, Medium, Heavy, Super), at Artillery (Field, Howitzer, Rocket). Mayroon ding gusali para sa paratrooper, fighter, bomber, strategic bomber, stealth strategic bomber at iba’t ibang klase ng missiles (SRB, MRB, LRB, ICB). Mayroon ding para sa City gaya ng Airport, factory, Institute at iba pa. Lahat ng ito ay maaaring magamit at maitayo sa iyong lupain gamit ang perang mayroon ka sa laro.

Saan maaaring i-download ang app?

Ang larong ito ay nangangailangan lamang ng 95MB sa Google Play Store habang 205.7MB naman pagdating sa App Store. Maaari ka namang gumamit ng emulator gaya ng LDPlayer para naman sa iyong PC. Kung nais mo itong laruin, i-click lamang ang link na nasa ibaba depende sa device na iyong gamit.

Download World Conqueror 4-WW2 Strategy on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.easytech.wc4.android

Download World Conqueror 4-WW2 Strategy on iOS https://apps.apple.com/us/app/world-conqueror-4/id1258468290

Download World Conqueror 4-WW2 Strategy on PC https://www.ldplayer.net/games/world-conqueror-4-on-pc.html

Tips at Tricks sa Paglalaro ng World Conqueror 4-WW2 Strategy

Sa larong ito, ituturo sa’yo ang mag-isip ng mabuti bago kumilos. Mabilis lamang at hindi naman gaanong mabigat pagalawin ang iyong mga armas-pandigma ngunit isang mainam gawi na tanungin muna ang sarili kung tama ba ang pagkilos na ginawa mo at ng iyong troop. Maaari nating idepende ang ating armas sa ating lalapitang kalaban. Gawin nating fair ito na kung may kalakihan ang sa kanila ay dapat ganun din ang sa atin. Maaari rin nating gamitin ang mga armas-pandigma na kaya ring tumira kahit pa malayo ito sa kalaban.

Sa paglalaro rin nito mapagtatanto mong mahalaga ang bilang. Kaya naman, hangga’t maaari ay huwag kalimutang mag-produce nang mag-produce ng mga army upang marami rin ang maaaring umatake. Ngunit kaakibat din nito ang hindi paglimot na silipin ang kanilang food at water supply. Huwag hahayaang maubos ang mga supply na ito dahil kahit pa gaano karami ang iyong troops o army, unti-unti rin itong mauubos kung mamamatay sila sa gutom at uhaw.

World Conqueror 4-WW2 Strategy - Laro Reviews

World Conqueror 4-WW2 Strategy – Laro Reviews

Sa oras namang napasa-kamay mo na ang teritoryo ng kalaban, isang mainam na paraan na huwag itong iiwan. Dahil pagmamay-ari iyon ng kalaban, natural na darating ang pagkakataong gaganti ang mga ito upang kunin ang nawala sa kanila. Kaya naman, isang mainam na gawin na bantayan ang lupaing sinakop sa pamamagitan ng paglalagay rito ng ilang mga army. Mas marami, mas mainam.

Pros at Cons ng World Conqueror 4-WW2 Strategy

Gaya ng isa sa mga binigay na description sa larong ito, mayroong mahigit 100 Campaigns ang matatagpuan sa larong ito na talagang hinango mula sa kasaysayan ng World War II. Bukod sa marami na ito at talagang sapat na upang hindi mo bitawan ang larong ito, isang kalamangan na ring hindi nila hinayaang lumayo ito sa History. Mainam iyon dahil maituturing na isa itong daan upang ituro sa kanilang mga manlalaro kung anong mayroon sa naganap na WWII. Mapapansin mo rin iyon sa mismong loob nito dahil talaga namang pinaghiwa-hiwalay nila ang laro base sa taon at panahon.

Hindi rin pumalya ang laro sa pagiging military strategy game nito dahil talagang marami kang bagay na maaaring gawin dito. Matututo kang mag-isip, maghintay at magplano ng mga bagay na ikauusad mo sa laro. Ituturo sa’yo ng laro ang tamang pagpapasya at kung paano maging isang magaling na lider o commander ng iyong sariling troops. Bukod pa rito, nakakatuwa rin ang bawat bagay na makikita mo sa laro, mula sa graphics, tunog, maging sa iba’t ibang klase ng armas-pandigma na maaari mong magamit dito.

Maituturing lamang na disadbentahe sa larong ito ay ang level of difficulty na nilagay dito. Nang simulan itong laruin ng Laro Reviews, may mga pagkakataong para bang ayaw kang panalunin ng laro. Malalakas ang mga kalaban dito na para bang tatanungin mo ang sarili mo kung mayroon ka rin bang mga bagay na mayroon sila at bakit ganoon na lamang kagaling ang mga ito. Talagang maitatanong mo ito sa sarili mo lalo na sa pagkakataong iniisip at ginagamit mo naman ang mga epektibong armas-pandigma sa kalaban ngunit parang kulang pa rin.

Konklusyon

Sa pangalan pa lamang ng larong ito, mapagtatanto mo na malayu-layo na rin ang itinatakbo nito. Nakaabot ito sa forth installment na siyang maaari nating maging patunay na talaga namang kinahuhumalingan ito ng bawat manlalaro. Dahil na rin sa maraming bagay na maaari mong magawa sa loob ng larong ito, tiyak ng Laro Reviews na magugustuhan mo rin ito. Kaya naman, huwag nang magpatumpik-tumpik pa, subukan na rin ang larong ito at muling subukin ang talino sa pakikipaglaban. I-download na ang World Conqueror 4-WW2 Strategy!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...